50 kapitolyo

1.6K 199 8
                                    


ang gitnang kaharian ng netopia kung saan nakatayo ang malaking palasyo ng hari, nakapalibot rito ang mismong capital ng netopia ang androlyn city dito mismo naglipana ang ibat ibang angkan na mairaranggo sa gold badge.

merong tatlong baitang ang kapitolyo ito ay ang unang baitang kung saan malapit sa mismong tarangkahan papasok sa kapitolyo.

ang gitnang baitang kung saan hindi hamak na mas malalakas na gold badge family ang naninirahan

at ang huling baitang kung saan mismo ang mga naninirahan ay nalalapit na sa pagtapak sa pagiging diamond badge family kilala rin sila sa tawag na late rated diamond badge at masasabing ang lakas nila ay halos isang hakbang na lamang sa lakas ng ikalimang diamond badge family.

ang angkan ni reo shaun at iba pa netong kaibigan ay nakabilang sa ika unang baitang ng kapitolyo, at ang lakas ng kanilang angkan ay masasabing nasa middle class lamang ng nasa unang baitang.

kaya ang lakas ng loob ng mga kabataan dito para maliitin ang mga kabataan sa apat na probinsya dahil ang alam nila ay mas angat sila sa mga ito.

masasabi rin namang nasa punto ito dahil sa dala ng pamumuhay ang mga nasa kapitolyo ay mas nabibigyan pansin ng kaharian kesa na sa iba pang apat na probinsya na tanging mga diamond badge lamang ang pumapansin, madalas ang mga talentadong tao na nagmula sa mga silver badge family ay nagiging mababang antas na kawal lamang sa isang diamond badge.

sa isang lugar naman kung asaan nagpupulong ang ikalimang kalahok sa darating na pinaka malaking labanan ng mga kabataan sa buong kaharian ng netopia, kung makikita ni zenon ang isa sa mga ito siguradong mamumukhaan nya ang isa sa mga to dahil ang isa mga ito ay walang iba kundi si reo shaun ang taong halos makalaban nya na sa ruerto resto-mansion.

nakangisi si reo shaun halos hindi nya na pinapansin ang pagpupulong dahil ang nasa isip nya ngayon ay ang makaganti sa binatang nag ngangalang zenon.

sagad sa buto ang pagkamuhi nya dito naipaalam nya na rin sa kanyang ama ang balak nya gusto nyang patayin ang binata pero hindi nya maaaring gawin ito dahil magdudulot lamang ito ng hindi magandang reputasyon sa kanilang pamilya.

natuklasan nya kasing ang pamilyang pinagmulan ni zenon ay napakababa isang normal na angkan na kung sakaling pagsasamantalahang atakihin ng isang gold badge family ay talaga nga namang kahiyahiya.

sa puntong to umupa ng limang mamamatay tao ang ama ni reo shaun.

gusto sanang pigilan ni reo shaun ang kanyang ama dahil para sa kanya kung magpapadala ng limang tao ay para na ring sinabi malaki ang tingin ng kanilang angkan sa isang binatang nasa antas lamang ng ikatlong propesyon at isa pa nagmula lamang to sa pinaka mababang antas na angkan kung tutuusin walang mawawala kahit balakin pa nilang burahin ang angkan nito.

naging walang kwenta naman ang ng yaring pagpululong nila dahil ang mga kabataang kalahok ay masyadong bilib sa kanilang sarili na ang tingin nila ay malabo silang pantayan ng mga taong nagmula lamang sa apat na probinsya.

ito naman ang kinainis ng head master na may hawak sa kanila sa isip isip nya ang mga ganitong pag iisip ay walang kinabukasan hindi iniisip ang mga posibilidad na maaaring mangyari.

"head master wag kayong mag alala kahit ang pinaka mahina saaming lahat ay malabo namang matapatan ng mga hamak na taga labas sa totoo lamang isa tong malaking biro para saamin sana ay tinapat na lamang ang mga akademyang kalevel namin bakit kailangan pang isalang kami sa mga walang kwentang ng yayaring labanan sa labas."

"tama yun headmaster wala naman magagawa saamin ang mga taga labas, ano naman magagawa ng mahihinang yun saamin"

"sa totoo lamang isa yung kahihiyan saaming sarili, kami ay ilalaban at itatapat sa mga kabataang nagmula lamang sa apat na probinsya? kami na mismong pinaka malakas na kabataan sa unang baitang ng kapitolyo?"

ang naging pag uusap ng mga ito ay panay pawang pag mamaliit lamang sa apat na probinsya at pag angat ng kanilang sariling pangalan.

"kayo ang bahala kung hindi nyo seseryosohin, pero isa lang ang gusto ko sabihin ang masyadong pagkabilib sa sarili ang mismong magpapabagsak sainyo" ang huling sambit ng kanilang headmaster bago ito tumalikod.

nakita ng headmaster ang lakas ng apat na probinsya masasabi nyang ang apat na probinsyang ito ay maitatapat sa kanila bukod na lang sigurado sa dalawang pinaka malakas na studyante nya.

------

apat na buwan na rin simula ng magpunta si zenon sa forest of live at hanggang ngayon ay andito pa rin ito, nanatili pa rin si celtic sa tabi ni zenon tinutulungan nya to sa paghahanap sa iba pang 6 stage beast, hindi sya maaaring gumalaw para labanan ang mga beast dahil kahit dampi lamang nito ay kaya ng burahin ang mga mahihinang beast sa kagubatan kaya ang pinaka kailangan nya lang gawin ay hanapin ang mga ito at si zenon na ang tatrabaho.

halos nasa anim na 6 stage beast palamang ang nakukuha nya at ang bawat isa rito ay talagang pinaghirapan nya dahil kinakailangan nya pang gamitin ang lahat ng ibat ibang skill ng ibat iba nyang propesyon para lamang mapatumba ang bawat isa nito.

mahigit limampunglibo na rin ang mga nagagawang ghoul ni zenon at walang tigil ito sa loob ng isang buwan ito lamang ang kanyang pinagkakaabalahan kasama na rin dito ang pagpapanday
ng mga heroic item.

masagana naman ang kagubatan sa mga material na magagamit para makabuo ng heroic weapon kaya hindi nya na problema ang paghahanap nito.

hanggang sa dumating na rin na nakumpleto na ang sampung 6 stage beast at ang lahat ng hawak nyang mga ghoul ay meron ng kanya kanyang heroic item.

ito na ang pinaka malaki at pinaka malakas na hukbo na nabuo ni zenon ang ganitong hukbo ay kaya ng pinsalain ang mga nasa diamond badge family hindi man nila matatalo ang mga ito kayang kaya naman nilang lagasan ang mga to, sa pinsalang maidudulot ng kanyang mga ghoul siguradong kaya nilang pabagsakin ang mga ranggo ng diamond badge papuntang gold badge.

"hindi nako makapag antay!! siguradong walang magbabalak mang api saaking angkan kahit ang mga diamond badge clan ay magdadalawang isip kung babalakin nilang kalaban ang miller!!"

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon