54 multi job elixir

1.6K 216 4
                                    


ang 'Four Provincial Tournament' ay nalalapit na meron na lamang silang isang linggo para sa paglalakbay patungo sa bayan ng arco

pero kinakailangan lamang ng halos tatlong araw para makarating doon sa madaling salita maaari pang magpahinga ang grupo ng nasa west province hanggang dalawang araw bago tumungo sa bayan ng twin lion city.

ang bayan ng arco ay ang mismong gitna ng bagsakan ng produkto, sa madaling salita ang pinaka malaking commercial place ng buong kaharian ng netopia ay ang mismong labas lang din ng kapitolyo.

kilala ang bayang ito na pamilihan ng mismong mayayaman at halos lahat ng mabibili sa ibat ibang probinsya ay makikita rin dito.

meron ring nakatayong isang malaking stadium sa bayang ito, masasabing sa buong west province ang pinaka maunlad na bayan ay ang twin lion city, iba naman kung ang pag uusapan ay ang buong netopia ang laki at lawak ng stadium ng bayan ng arco ay masasabing limang beses na mas malaki kumpara sa stadium ng bayan ng twin lion city kung saan ginanap ang tournament power ng walong syudad ng west province.

---

samantala halos nasa dalawang linggo rin si zenon sa kanyang ina bago nag desisyon ng maglakbay sa puntong ito ang paglalakbay nila ay hindi na kasama ang headmaster ng willstone academy, dahil sa una nilang paglalakbay ay didiretso ulit sila pabalok sa twin lion city at kakatagpuin ang gobernador kasama na rin ang iba pang napiling sampung makakasama para lumahok sa Four Provincial Tournament.

meron na lamang dalawang araw si zenon pero bago magplanong umalis plinano nya ng hukayin ang nasasabing kayamanan ng ninuno ng mga cruz, napag alaman nya lahat ito tungkol kay seresa dahil madali lamang din madetect ni seresa ang mga positive energy kahit gaano pa ito kalayo sa ikalaliman ng lupa ay madali nya lang din ito mararamdaman.

sa makatuwid madali lamang din nahanap ni zenon ang mga nakabaong kayamanan sa totoo lamang nabigla sya sa mga kayamanang inaasam asam na makuha ng angkan ng cruz.

"a-ang mga kayamanang to" halos hindi mahanap ni zenon ang mga sasabihin nya naalala ni zenon ang mga binanggit sa kanya ni seresa noon na hindi naman malabo na magkaroon ng multi job ang isang tao.

sa ngayon pinaliwanag din ni freus ang mga bagay na laman ng isang malaking kahon.

sa loob nito merong ibat ibang elixir at ang pinaka importante sa lahat para kay zenon ay ang multi job elixir.

dahil sa elixir na ito hindi na mapapako ang kanyang ina bilang isang tycoon lamang na kung tutuusin isa pinaka mababang antas na makukuha sa propesyon dahil wala ng ikatlong angat pa ito.

meron ring apat na dread weapon ang laman ng kahon magkaganon man hindi napukaw ng atensyon ni zenon ang apat na dread weapon.

kung malalaman ng iba na binaliwala lamang ni zenon ang apat na dread weapon ay malamang baka atakihin sila sa puso, kung alam lang nila na ang hawak na sandata ni zenon, ang extream weapon ay malamang masasabi rin nilang masyadong malayo ang agwat ng isang dread sa hawak na armas ni zenon.

ilang mga bote rin ang laman ng kahon karamihan rito ay ang pag papaunlad ng lakas pisikal at mahika na nakakatulong para mas mapadali ang pag unlad sa susunod na antas ng isang propesyon.

sa huli dahil hindi interesado si zenon sa apat na dread weapon binaon nya ulit ito sa lupa mas malalim kesa na nagawa nilang hukay sa pagkakataong ito malabo na rin itong makuha ng iba pa.

isa pa kung dadalhin nya ang apat na dread magiging malaking gulo lang ang hatid noon mapupukaw ng interes ng mga diamond badge ang mga ganung sandata.

sa huli dinala nya lang ang mga elixir dahil magagamit ng kanilang angkan ang ganung kayamanan..

"siguro naman ang ganitong kaliit na bote ay hindi makakapukaw ng interes ng iba?" tanung ni zenon sa kanyang sarili,

hanggat walang nakakaalam at hindi lalabas ang balita tungkol sa mga elixir natural lang din na walang makaalam at ang pagunlad ng miller ay sigurado ring ikabibigla ng lahat.

at kung nagkataon nalaman ito ng pinuno ng cruz ay malamang baka naglumpasay ito sa lupa.

naging mabilis naman ang oras at naibigay na ni zenon ang mga kayamanan sa mismong pinuno ng miller at kumuha lamang sya ng limang multi job elixir para ihandog sa kanyang ina.

ng makuha naman ng pamunuan ng miller ang mga kayamanan ay laking gulat at pasasalamat nila kay zenon ng nais nilang tanungin si zenon kung saan ng galing ang mga ganung kayamanan ay wala silang nakuhang sagot.

kahit ganon lubus pa rin ang pasasalamat nila at hindi na nila pinilit ang binata at nirespero na lang nila kung ano ang desisyon nito, mahigpit na lamang silang binilinan na huwag makakalabas ng kanilang angkan ang tungkol sa mga elixir dahil malaking gulo nga naman ito.

sapat na rin ang mga elixir para ang kanilang angkan ay mas umangat pa ang kanilang kanya kanyang lakas ay siguradong mataas ang mararating.

bilang kalahok sa darating na torneyo inalok rin si zenon ng pamunuan na kumuha maski isa lamang pero mariin nya itong tinanggihan dahil hindi nya naman ito kailangan pinaliwanag na rin ni freus ang mga ganung elixir ay hindi na tatalab sa kanya.

sa totoo lamang nung una ay kinalungkot nya ito pero kailangan nya maging positibo.

sa huli si meyer ay nakatanggap ng biyaya sa kanilang pamunuan na magiging sapat para makahabol ng malaki bago ang isang linggo.

hindi rin kinalimutan ng miller na bigyan ang angkan ng lynxin pero mariin lang din nilang tinanggihan ito, pagdating naman sa batang si alexa ay talagang pinilit nilang makakuha ito ng elixir, wala ng nagawa ang angkan ng lynxin kundi tanggapin ito isa pa sasabak ang kanilang anak sa tournament of power.

bilang isang angkan na hindi sila pinabayaan hanggang kamatayan man natural lamang na kung ano mang matanggap na biyaya ng miller ay bukas puso rin nilang hahatian ang angkan ng lynxin.

sa pagkakataong to dumating na rin ang oras para umalis ang apat na kabataan ng willstone academy.

nagkatipon tipon ang apat sa mismong tarangkahan palabas ng brave city.

"isa nanamang bagong simula! tara naa!!"

gulat ang tatlo sa unang taong nagsalita dahil ang taong ito ay wala iba kundi si troy!! ang pinaka tahimik sa kanilang grupo.

cont.

sorry guys wala ko load nkaraang araw now lang nkakpag update now lang din nakapagsulat

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon