marami ang nagulat sa ginawang pamamaslang ni morgo sa mga kapwa nya kakampi lalong lalo na sa pinuno ng alyansang si renz shin pati na rin sa mga elder at ang isa sa mga anak nito."anong ng yayari? b-bakit sila sila na ang nag papatayan?" tanong ni alexis kitang kita nya kung papaano patayin ni morgo ang ilang mga taong malapit sa kanya.
"malamang dala pa rin ng pagiging ganid ang alyansang yan ay napupuno ng mga taong ganid" sabat ng isa sa mga elder ni alexis
sa loob ng ilang araw na labanan masasabing napakabilis ng pag ubus sa alyansang nabuo at sa huli bukod sa labanang nagaganap sa alyansa laban sa mga halimaw kitang kita pa nila kung papaano ang mga cruz clan ay paslangin ang mga taong malapit sa kanilang pinuno.
hindi rin nagtagal matapos paslangin ni morgo cruz ang iilang pang natirang malapit at alam nyang nakakita sa kanyang sandata ay mabilis nya ring itinago ito.
ang ilang mga pinuno ng mga angkan ay nagtaka kung ano ng yari kung bakit pinaslang ng pinuno ng cruz ang pinuno ng alyansang sila rin naman mismo ang nagpasimula.
sa ngayon ay nag dadalawang isip si morgo kung ilalabas nya ba talaga ang kanyang pinang hahawakang sandata para labanan ang mga halimaw o hindi.
dahil kung hindi nya ilalabas ito para labanan pa ang natitirang halimaw ay malamang na wala silang pag asang manalo
kung ilalabas naman nya ito ay magiging delubyo ang kanyang buhay dahil sa kakalat ang balitang meron syang isang kayamanang kahit pa ang mga nasa gold badge ay maaakit, ang isang heroic weapon!.
"bahala na bastat makuha ko lang ang isa sa mga elder o ang pinuno ng miller magiging madali na lang ang lahat!" sa huli napilitan syang ilabas na lang ang huli nyang baraha bastat mapasok lamang nila ang lupain ng miller ang kanilang lakas ay magiging madali na lamang ang pag unlad nila ay maaari pang umabot hanggang pinaka malakas na nairaranggo sa gold badge at kung suswertehen baka kahit ang diamond badge ay makaya ring talunin ng kanyang angkan.
"maghanda para umatake!!" sambit ni morgon at dali daling nag labas naman ng kanya kanyang noble weapon at hindi lamang iisa kundi halos buong katawan ng mga elder ay nababalutan ng noble weapon tanging si morgon lamang ang may naiibang sandata na isang heroic weapon!!
kahit saan sa kabuuan ng silver badge wala pang nakakakitang sa may ganitong ranggo na angkan na ang mga elder ay may buong set ng isang noble item.
tanging sa mga gold badge family lamang makikita ang ganitong lakas na mandirigma!! .
si morgon ay isang ganap na nasa ikapitong lvl ng ikaapat na profesion kasama ang buo nyang kasuotan na noble weapon at ang kanyang sandata kahit pa ang kawal kaninang dumating ay hindi maikukumpara sa kanya.
natural lamang ang mga pinaka mababang kawal sa kaharian ay merong armas na nakakaangat halos lahat ng kawal sa kaharian ay hindi maaaring walang noble item sa buong katawan.
pero kumpara kay morgon na may sandang heroic weapon ang dagdag lakas na kanyang nakukuha rito ay masasabing masyadong mataas na kahit pa ang nasa unang level ng ikalimang profesion ay kayang kaya nyang labanan kung susuwertehen kahit ang mga nasa ikatlong level ay magagawa nyang puruhan.
ang mga elder ng cruz ay nasa labing lima lamang pero ang pinaka mahina sa kanila ay nasa huli ng yugto ng ikatlong profesion samahan pa ng kasuotan at armas nyang noble item natural lang na kahit ang ikalimang level ng ikaapat na profesion ay mapapabagsak nito panu pa kaya ang dalawang elder nilang masasabing pinaka malakas sa lahat ng kanilang elder na umabot na sa ikaanim na level ng ikaapat na profesion!
ang pagbabaliktad ng pangyayari ang gumulat sa lahat maski si seresa ay hindi inaasahan ito.
ang mga ghoul ay nasa level lamang ng ikatlong profesion ang kalamangan nila ay ang pagkakaroon ng isang set ng noble weapon pero kung ang makakalaban nila ay kaparehas nilang may kasing antas ng kanilang mga sandata at kumpara sa kanilang lakas di hamak na mas nakakaangat ang lakas ng mga elder ng cruz!
sumugod si morgon kasama ang kanyang mga elder at wala silang pinalalagpas!! kasama man sa alyansa o hindi ay pinapaslang nila.
"n-napakalakas!! kaya naman pala pinapaslang nila ang lahat!" si alexis na mausisang pinapanuod pa rin ang ginagawang hakbang na pagpatay ng cruz clan sa kanilang mga nadadaanan.
"pinuno bakit nila pinapatay lahat? maski ang alyansang kanilang binuo ay pinapaslang nila? ano ang natuklasan mo?" pagtataka ng isa sa mga elder, ang mga miller din ay nag tataka ang tanging nalalaman lamang nila at may pag unawa sila ay tungkol sa mga armas na noble weapon tungkol sa iba pang kagamitan ay wala na silang nalalaman at isa pa kumapara sa lakas ni alexis mas mataas ang pagningin neto kumpara sa kanila.
"ang mga cruz ay may hawak ng buong set ng noble weapon! at may isa pang mas nakakagulat dito!" sambit kasabay ng bilis ng kanyang pag hinga dahil sa kanyang mga natuklasan.
"ano yun pinuno??"
"ang lakas ba ng pinuno ng cruz ay umabot na ng ikalimang profesion?"
tanong ng mga ito pero hindi pinansin ni alexis ang mga sinasabi ng iba pa at pinag patuloy ang naputol nyang sasabihin "si morgon ay may hawak na isang heroic weapon!!"
boom!!
ang mga binitawan mga salita ni alexis ang kinabigla ng lahat at ang ilan pa ay naging kabado pag nagkataong maubus lahat ng taong naglalaban sa ibaba ay malamang na isusunod sila ng mga ito dahil sa kanilang natuklasan!!
pero bago mangyari ang kanilang iniisip bigla na lamang nag dilim ang kalangitan ang mga punong malalapit ay biglang natuyot.
ang lupang tinatapakan sa buong alicia ay makikitaan rin ng biglaang pagkawalan ng buhay.
mapapansin rin nararamdaman ng lahat ang pagkakaroon ng negative energy sa buong kapaligiran mapapansin rin ang mga bangkay na namatay na tao na may parang isang bilog na lumilipad sa kanilang mga bibig at papunta ito sa iisang direksyon.
ang mga bilog na ito ay ang mga negative energy ng mga patay na tao ang ganitong sitwasyon ay ngayun palamang nakita ng lahat.
maski si morgon kanina ay nagmamadali sa pag paslang ay bigla na lang kinilabutan mababakas din sa kanyang mukha ang kaba..
hindi kalayuan kitang kita ng lahat ang isang babae na nababalutan ng itim na enerhiya at ang mga negative energy ng mga patay na tao ay papunta duon.
dahil sa takot na madamay ng mga hindi kasaling mamamayan na naglakas loob na manood sa mga ghoul ba lumitaw ay mabilis rin silang umalis kaya ang mga kaganapan sa alicia ay wala rin silang nalalaman pero ang negative energy na pinakawalan ng babae ay hindi maaaring hindi maramdaman ng buong brave city.
"s-sino ang nilalang na yun??" ang tanging tanong ng karamihan na may dalang kaba sa dibdib.
ang babaeng nag bigay kilabot sa lahat ay walang iba kundi si seresa ang unang nilalang na tinawag ni zenon sa kanyang pagiging necromancer.
cont.
ow bago kayo matulog mabitin muna kayo
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Acciónmagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...