sa pagdating ng grupo ng mga tagakapitolyo talaga nga naman pinang hinaan ng loob ang halos lahat ng batang cultivator na kalahok.sino nga ba namang hindi mang hihina kung ang tinuturing nilang pinaka malakas sa kanilang grupo ay hindi man lamang umabot sa puntong kaya nilang matapatan ang pinaka malakas na cultivator na nagmula sa panig ng kapitolyo.
si hanz ang tinuturing pinaka malakas na kabataan sa unang baitang ng kapitolyo, ang lakas nya ay pumaparis na sa mismong pinuno rin ng pinaka mahihinang pinuno ng angkang nagmula sa gold badge.
si reo shaun naman hindi man maging pinaka malakas sa kanilang grupo maituturing pa rin syang talentado sa pagkakaroon ng cultivation base na lvl 8 4th job sa ganitong lagay sya pa rin naman ang pang limang pinaka-malakas sa kanilang grupo.
opening pa lamang ng torneyo ay talaga nga namang dinagsa na sila ng napakaraming tao makikita sa mismong itaas ng stadiumang libo libong tao karamihan rito ay mga pinuno ng isang silver badge na ayaw palagpasin ang ganitong pag kakataon at ang iba rito ay ilang myembro lamang ng isang gold badge.
sa ikalawang palapag naman ng stadium ay ang grupo ng mga gold badge sa ganitong lagay ang kakayahan nilang magbayad ng mas malaking halaga para sa kanilang kinauupuan ay wala lamang kumpara sa isang silver badge na talaga nga namang mabubutas ang bulsa kung pipilitin nila ang sarili nila na maupo sa ikalawang palapag.
para sa pinaka unang palapag naman ay ang mismong bisita na nagmula sa limang tinaguriang dakilang mansion master wala ng iba kundi ang limang diamond badge clan.
sabay din ng pagdating ng mga ito, at talaga nga namang takaw pansin ang limang magigiting na angkan ang presensya nila ang mismong nagpabalin sa kanila ng mga tao, lalong lalo na ng dalhin ng mga ito ang ilang mga kabataang talentado sa kanilang angkan.
paghanga ang makikita sa mata ng halos lahat ang ganitong pangyayari ay minsan lamang maganap ang katotohanang minsanan nilang makakasalamuha sa panonood ang mismong limang dakilang mansion ay isa ng biyaya, at ang limang ito ay wala ng iba kundi..
ang angkan ng hord kung saan mismong pinagmulan ni troy ang monstram dragon mansion!
ang golden eagle mansion na mismong minsan ng bumisita sa brave city.
ang royal sword mansion, kung saan makikita na halos lahat ng mga ito ay galing sa pagiging swordsman, mapapansin din ang iilang stellar knight na mismong umabot na sa ikaanim na propesyon.
sumunod naman dito ang berserk fury mansion masasabi ang mga taong nag mula rito ay pawang mga mayayabang, takaw gulo pero ang mga taong ginagalit ng mga to ay walang magawa dahil sa taglay na pwersa ng mansion na ito ay malamang sa huli ay sila rin ang mawawalan na baka umabot pa sa puntong mabura ang kanilang mga pinaghirapan.
at ang huli ang kinikilalang pinaka malakas na mansion!! ang heavenly sorcerer mansion, ang ganitong karaming mages ay talagang nakakapag palaglag panga sa mga manunuod masasabi naman kasing ang pinaka malakas na propesyon pa rin sa kanilang kaharian ay ang pagiging isang mages kaya hindi na din nakakapag takang halos lumuha na rin ang mga mata ng mga taong makakakita nito.
makikita sa mga kabataang nagmula sa limang dakilang mansion ang pagiging mapagmataas sa kanilang palagay ang ganitong laro ay pang bata na lamang sa kanila.
isa pa hindi rin sila natutuwa sa labanang nagaganap para sa kanila bukod sa wala silang mapapala ang labanang nagaganap ay pumapabor lamang sa isang panig! isang one sided match para sa mga taga kapitolyo.
hindi rin nawawala ang pang mamata ng mga ito mula sa mga taga probinsyal ang labanan ang mga taga kapitolyo sa kasalikuyang antas palamang ay isang pagiging malaking tanga.
"hindi ko alam kung sino ang gumawa ng ganitong patimpalak nakakaloko ginagawa lang nilang praktisan ang mga taga probinsyal para saatin hahahaha" isang kabataan nagmula sa berserk fury ang hindi naiwasan magpakawala ng komento, at ang kumentong ito ay sinadya nyang ilakas para marinig pang iilan.
hindi naman nag bigay ng kumento ang iba pero hindi natuwa ang mga nakarinig na mga taga kapitolyo.
sa huli inanunsyo na rin ang mga panloob na batas sa mangyayaring paligsahan.
"katulad ng napagusapan magkakaroon ng isang team match! una sa lahat bawal pumatay pero maaaring gawing kritial ang kalaban pero hindi aabot sa kamatayan!"
"isa pa para sa mga nagtataka kung bakit napabilang ang kapitolyong magaganap para sa mga probinsyal dahil sa kakulangan ng mga tauhan sa mangyayaring paligsahan, pabor na rin ito para sa mga kabataan nagmula sa probinsyal dahil malalaman nila ang kanilang kakulangan para mas pagigihan pa ang kanilang cultivation.
"isa pa ang labanan ay mangyayari sa mismong arena ng stadium na ito magkakaroon ng isang malaking ilusyon ang ilalagay sa loob ng arena gamit ang pinaka mahuhusay na ilusyon master ilalagay nila ang lugar sa mismong kagubatan kung saan kinakailangan huntingin ng bawat isang panig!!"
"sa loob ng ilusyon hindi rin mawawala ang iilang wild beast at bawat wild beast ay may puntos"
"sa pagkakataong to ang pinaka malakas na wild beast na makikita sa loob ng ilusyon ay isang 6 stage beast sa madaling salita ang lakas na ito ay maikukumpara na sa ikaanim na propesyon!"
"ang 1 stage ay may sampung puntos at bawat antas ng pagtaas ng wild beast ay nagkakaroon ng karagdagang sampu pang puntos sumatotal ang ikaanim na antas na wild beast ay meron lamang 60puntos!!."
"tungkol naman sa labanan na pagnagkaharap ang iba pang kalahok ang bawat isa na matatalo nyo ay magkakaroon ng karagdagang isang daang puntos ang inyong team!"
sunod sunod na anunsyo ng tumatayong emcee ng mangyayaring patimpalak.
madali lang din namang naintindihan ng lahat ang ilan pa nga sa kanila ay gumagawa na ng pagpaplano,habang ang mga taga kapitolyo ay makikitaan ng pagkawalang pakialam dahil ang ganitong laro ay matagal na rin naman nilang alam sa madaling salita hindi na bago ito at pabor talaga sa kanila ang lahat.
volume 2 end
start of volume 3 is april 21mag iipon muna ako para may maipakain po ako sainyo araw araw.
rules
40votes update
maximum 5update per day.
if wala ako load sorry wala ako maiupdate.
rest day saturday and sunday
itong rules ay gagana sa volume 3so kayang tapusin ang volume 3 ng halos 2weeks lamang tapos diretso na volume 4
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Actionmagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...