9 twin lion city

1.7K 211 9
                                    


isang tanawing kamangha mangha para sa mata nila zenon at meyer dahil ngayon palamang sila nakakita ng ganitong tanawin.

kasalukuyan pa rin silang nasa karawahe at malapit na sila sa pag gaganapan ng torneyo.

ang lion side city ang pinaka sentro ng kalakalan ng buong west province halos lahat ng angkan dito ay nasa ranggo ng silver badge kaya masasabing ang kaunlaran ng bayang ito ay malayo kesa na sa kanilang bayang pinanggalingan.

sa tanawing nakikita nila zenon ay mga naglalakihang gusali ilan pa dito ay umaabot ng limang palapag at ang lugar na kanilang dinadaanan ay purong simentado pati na rin ang mga bahay na kanilang nadadaanan ay purong bato hindi kagaya sa kanilang bayan na ang bahay ay mga kahoy lamang.

"napakagandang lugar gusto ko tumira sa ganitong lugar balang araw zenon" namamanghang pagkakasabi ni meyer, nangangarap sya balang araw ang miller ay mapupunta rin sa ganitong lugar kung hindi man ang pagiging maunlad ang tangi nyang hangad gusto nya rin tumira sa bahay na bato.

"ang ating angkan ay titira rin kagaya sa ganitong lugar o mas maganda pa balang araw bastat tayo magsumikap lamang" nakangiting tugon ni zenon.

ilang minuto pang lumipas sa kanilang pag lalakbay, huminto ang karawaheng kanilang sinasakyan.

sa kanilang harapan ay isang napakalaking gusali may nakaukit na dalawang lion sa mismong pasukan ng gusali.

makikita din ang isang larawang nakaukit sa gilid ng pasukan kung ano ang itsura ng loob nito

"maligayang pagdating sa twin lion profesional arena ako si laylia ang inyong magiging personal marshal pansamantala hanggang matapos ang torneyo" pagbati ng isang babaeng hindi katandaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"maligayang pagdating sa twin lion profesional arena ako si laylia ang inyong magiging personal marshal pansamantala hanggang matapos ang torneyo" pagbati ng isang babaeng hindi katandaan.

hindi katagalan ng pagbati ni laylia ang pag dating pa ng isang grupo.

ang grupong to ay hindi hamak na mas mayaman kumpara saaming mga taga willstone academy.

"ang fire eagle academy kung maaari kung ano man ang sabhin nila huwag kayong umimik at manatili kayong kalmado" saad ni headmaster gusto sana syang sagutin ng class S na dapat sa sarili na lang nya ito sinabi dahil sa sobrang ngang mainitin ang ulo ng head master.

sa pag tambad saamin ng mga ginintuang karawahe at humigit kumulang nasa tatlongpong war horse makikita kung gaano nga ba talaga kayaman ang fire eagle academy.

nagsi babaan din ang mga kabataan na satingin nila ay ang mga batang lalahok sa torneyo.

isa isang pinakiramdaman ni zenon ang kalahok, nabigla sya dahil merong halos kaedad nya lang pero isa ng ganap ng lvl 8 na nasa ikatlo ng profesion "mahirap isipin ang mararating ng taong ito kumpara kay ace na isang lvl 5 pero ang edad nya ay nasa labing syam na taon gulang na."

"ang mga basura talagang madalas mauna hahahaha" sabi ng isa sa mga bata ng fire eagle academy.

lumapit naman ang isang hindi katandaang lalake saaming headmaster nakangiti nitong binati si headmaster kreto " kamusta headmaster kreto matagal tagal na rin nung huli tayong magkita" pagbati nito na parang isang kaibigang matagal na hindi nagkita.

"hangad ko ang kaunlaran ng inyong academya at sana sa pagtatapos ng torneyo ay hindi na kayo" sabay hinto nito sa pagsasalita, halatang may halong pang iinsulto ang huli nyang salita " hahahaha nakalimutan ko ang dapat kong sabihin mauuna na kami" huling saad neto.

kapansin pansin naman ang pagtitimpi ni head master kreto para saaming mga nasa class S isa tong kahanga hanga hindi man lamang nagawang sumagot ng aming head master " namamalikmata bako? ang ating head master na kilalang mainitin ang ulo ay hindi man lamang umimik sa pang iinsulto ng taong yun?" sabi ng isa sa class na si rui.

"head master kreto maari na tayong pumasok sa loob at ihahatid ko kayo sa inyong pansamantalang kwarto" singit ni laylia.

tumango naman ang headmaster at hindi na pinansin pa ang iba pang paparating.

"tara na mga bata ayaw ko na makarinig pa ng iba pang insulto baka hindi ko makayanan at baka umuwi ang mga yan na walang tag iisang binti" mapagmalaking sabi ni head master kreto.

narinig naman ito ng iba pang halos kakarating palamang naging madilim ang kanilang mukha.

"sa nakikita ko mas malakas di hamak ang ating head master kesa na sa kanila" bulong ni meyer kay zenon "sapalagay ko ginagamit nila ang pagiging huli ng ating academy para insultuhin ang ating head master" nakangiti ko naman sabi kay meyer.

sa totoo lang walang pakialam si zenon naniniwala kc sya na walang batang cultivator na kayang talunin sya.

tumango tango naman si meyer "tara na sa loob gusto kong makita at makilala kung sino sino ang mga makakalaban natin"

"napakayabang ng ibang academya sa pag sisimula ng laban pakakainin ko sila ng alikabok hmmp." huling saad naman ni alexa bago pumasok sa loob ng arena



cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon