isa isang humarap at pina kilala ang mga batang cultivator ng willstone acadamy.ang una ang kanilang leader na si ace kahit pa isa palamang tong lvl 5 3rd job. ang profesion naman nito ay isa sa pinaka rare na pangyayari hind ito katulad ng isang mage job na diretsong lalago hanggang sa pinaka malakas nitong maabot.
ang pagiging champion ay dumaan sa pagiging acolyte at ang sumunod ay ang pagiging monk. pag naiahon mo ang iyong profesion ss ganitong lagay masasabi ng napaka swerte mo kung hindi man ay napaka malas mo magiging tampulan ka ng tukso at pagiging basura ang labas mo.
ang acolyte ay isang support type kaya lumalago ang isang job sa pag gamit ng tama ng kanyang profesion.
kaya ang mga acolyte na naging monk kadalasan ay nasa pinaka mahirap na lagay dahil sa kanilang kasanayan ang isang monk ay isang martial art cultivator na binibihasa ang sarili sa pang malapitan at pisikal na lakas.
kaya walang sinuman nag maliit kay ace
ang nasa ikalawa at ikatlong pwesto naman na si gerand at renato ay hindi binigyang pansin ng lahat walang nakakabilib lalong lalo na kay renato dahil sa gulang nito at antas palamang ng lakas.
naging sunod sunod hanggang umabot kay troy
sa lahat ng unang nabanggit si troy ang pinaka delikadong kalaban isang guillotine cross na may multi job na high mage.
"mukhang merong dumapong swerte sayo head master kreto" bati nang isang malapit na head master sa kanya ang head ng rowado academy na si resilla."
"sa totoo lang head master resilla merong bata pang mas kahanga hanga ang kaso hindi ko maaaring sabihin sayo ngayon" ngiting tugon naman ni kreto habang nakasulyap kay zenon.
hindi naman naging panghuli ang takaw pansing devil wolf ni meyer isang alpha type na beast ang kinikilalang hari ng kagubatan.
at ang sumunod ay si alexa naging isa lang naman normal ang kanyang lakas ss kanyang profesion pero ang kanyang kagandahan na kayang magpalubog ng aling mang bayan sa kanila ay hindi nakawala sa lahat.
ang istilo ng pagpapakilala ay hindi naaayon sa ranggo kundi sa kanilang cultivation job. kaya si zenon ang pinaka nasa hulihan.
zenon miller
mula sa bronze badge family
labing limang taong gulang.
lvl 10 monk.walang problema sa pagiging isang lvl 1o monk at sa edad pang labing lima dahil ito ay normal lamang.
pero ang mapasali sa torneyong ito.
naging malaking katatawanan si zenon sa kanyang pagpapakilala isang tampulan ng tukso ng halos lahat ng kabataan sari saring insulto rin ang naibato.
"nung una ay masasabing napakahuhusay kahit papaano ng mga batang cultivator ng willstone academy pero yung nasa huli???? hahahahaha"
"mukhang magiging kahuli hulian nanaman ang akademyang yan malamang na hihilahin sila pababa nyan hahahaha"
"bakit nagpasali ng ganyan ang torneyong ito ang ganyang lakas ay parang isang dumi na winawasiwas ko lang gamit ng isang kamay" sabi naman ng isang kabataan.
"isang tunay basura wag lang tayo magkaharap lapastangan dahil hindi ako magtitimping durugin ang mga buto mo!". may inis sa labi ni burgos dahil hindi nya pa rin nakakalimutan ang sinabi sa kanya ni zenon.
naging wala naman pakialam si zenon sa sinasabi ng iba sobrang sanay na sya sa ganyang atensyon sa academya palang alam nyang tanging lakas lamang ang makakapag patahimik sa mga to.
imbis na mainis at magalit nginitian nya na lamang ang mga taong umiinsulto sa kanya.
hindi sya naiinis sa mga to pero hindi ibig sabihin nun na hindi nya tuturuan ng lection na magiging tandang aral sa kanila na wag basta basta mang mamaliit ng mga taong hindi pa nila kilala ng lubusin dahil maaring ito ang bigay ng delubyo sa kanila balang araw.
hindi naman ganun ang nararamdaman ng iba sa kanyang mga kasamahan katulad ni renato na naiinis hindi sa manonood pakiramdam nya ay lubusang napahiya ang academya isa pa alam na rin nya ang ginawa ni zenon sa kanyang nakababatang kapatid at talaga nga namang sagad sa buto ang pag ka ayaw nya dito.
nagdilim naman ang mata ni meyer noon sa academya mas ninais nilang magsolo ni zenon kaya wala tong masyadong alam sa kung papaanong insulto ang inabot ni zenon kasama na rin dito ang mga gurong walang humpay kung papaano sya insultuhin sa huli tanging isang malakas na sampal rin sa kanila ang sagot ni zenon sa pamamagitan ng pagtalo sa mga taong inaakala nilang hindi kakayanin ni zenon.
si alexa naman ay binigyan lang ang mga manunuod ng isang ngiti, ang akala ng iba ay pabor ito sa kanila pero ang hindi nila alam ang ngiting binibitawan ni alexa ay isang ngiti na pag tingin sa kanila ay isang parang malaking tanga.
totoong isa palamang 2nd job si zenon pero kakaiba ang taglay na lakas na ito.
para sa kanya wala pang makakapag sabi kung hanggang saan nga ba ang kaya ni zenon lubus nyang hinahangaan ang binata kaya paulit ulit nya tong gustong labanan sa kasamaang palad ni isang beses kahit na anung insulto nya ay kahit kailan ay hindi pa sya neto pinagbigyan..
ang head master kreto naman ay pilit pinapakalma ang sarili ang insultong ibabato isa sa kanyang mga istudyante ay sya ring tatamaan ang academya wala syang problema sa lakas ni zenon isa sya sa mga taong ilang beses ding nasampal neto sa pamamagitan ng pagtalo ng mga taong hindi nya inaasahang matatalo ni zenon sa isang pisikal na suntok lamang.
sa totoo lamang bukod kay ace tanging kay troy at zenon sya umaasa na makakapag bigay ng magandang reputasyon ngayung torneyo sa kanyang akademya.
natapos na din ang pagpapakilala nagkaroon lang ng kaonting paguusap tungkol sa mga batas ng torneyo at pagtapos ay inihatid na ng mga nakatalagang marshal ang kanilang panauhin sa kanilang bayan.
tatlong araw lamang ang kinakailangan para masimulan na ang torneyo.
naging mabilis din naman ang araw at ang araw na mismo ng tournament of power ay gaganapin na.
cont'.
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Acciónmagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...