sa sobrang kaba ng natitirang upahang mamamatay tao ay naihi na ito sa kanyang suot na panloob,kahit hindi mababakas sa mukha ni seresa sa kaloob looban nya ay may pandidiri ito sa ng yari sa pinumo ng mga mamamatay tao.
"nakakahiya ka pinasok mo ang ganyang gawain pero takot ka naman palang mamatay" inis na inis na tinitignan ni zenon ang mamamatay tao hindi rin mawawala sa itsura nito ang pandidiri.
kahit nadadala ng takot ang mamamatay tao hindi parin nito nakakalimutan sisihin ang angkan ng mga shaun, kung hindi dahil sa kanila hindi mawawala ang apat nyang kasama kung tutuusin napakaliit lamang na halaga ang binayad sa kanila para patayin lamang ang nasa ikatlong propesyon ang akala nila ay magiging madali lamang ang lahat.
isa pa ipinaliwanag na din naman sa kanila ang binata ay nag mula lamang sa pinaka mababang nairanggo ng angkan ang bronze badge family.
sa ganitong lagay ang binayad sa kanilang lima ay sapat na para patayin ang nasa ikatlong propesyon kung hindi lamang merong alas ang kanilang target ay masasabing ang bayad nila ay malaki kaya ang pag iingat ay hindi na rin naman nila masyadong inintindi pero dahil sa kasanayan kahit papaano ay masasabi pa rin namang nag ingat sila.
"anong pangalan mo? sino ang nag utos sayo?" kalmadong pagkakatanong ni zenon habang si seresa naman ay walang emotiong nasa tabi lang nya ang ghoul kanina lamang ay pinabalik nya na sa loob ng dimension ng kanyang earing.
hindi na nag alinlangan pang magsalita ang mamamatay tao dahil nawala ang apat nyang pinaka aasahang kasama wala na syang magagawa kundi isiwalat ang angkang nagutos sa kanila dahil baka isunod sya ni zenon, bukod sa ayaw nya pang mamatay gusto nya rin mag higanti sa angkan ng shaun ang pakiramdam nya ay pinain sila ng mga ito" t*ngna nyo ito pala ang hindi delikado kahit meron akong isang libong buhay kung alam ko lamang magiging ganito hindi ko ibubuwis ang aking sarili!!" sa isip isip nya kasama na rin dito ng pagsumpa nya sa pamilyang yun at sa tingin nya sa lakas ni seresa hindi malabong kayang kayang burahin ang angkan na yun ni zenon.
"p-panginoon!! ang angkan ng shaun ang nag utos saamin para paslangin ka! ang sabi nila isa ka lamang myembro ng isang normal na angkan! kung alam ko lamang ang isang maharlikang katulad nyo ay hindi ako susubok gawin ito!! ang may kasalanan nito ay ang mga siraulong shaun clan!!"
kung maririnig lamang ng angkan ng shaun ang sinabi nito ay malamang hindi magandang kamatayan ang nag hihintay dito.
"hindi mo sinagot ang una kong tanong hindi bali na nasagot mo naman ang pinaka importanteng tanong" sambit ni zenon na sibayan pa ng isang ngisi na kinatakot naman ng mamamatay tao, sa huli alam na ng mamamatay tao na katapusan nya na ngunit bago mangyari yun muling binuksan ni zenon ang dimension na nagdurugtong sa isang kakaibang mundo mula sa kanyang harapan.
sa parteng ito mas kinabahan ang mamamatay tao sa pag aakalang ipapalapa sya nito sa isang halimaw pero laking gulat nya ng bigla na lamang gumalaw si seresa at madalian lamang syang hinawakan nito sabay hagis sa kanya sa loob ng dimension.
sinimulan na muli ang paglalakad ni zenon ni hindi man lamang nya inalala ang mga ng yari at ang tungkol sa shaun? hindi nya ininda ang pagbabalak nitong mapaslang sya dahil sa pwersang meron sya ngayon kahit sinong nasa ranggong gold badge ay paniguradong malabo syang magalaw.
nakarating na rin sya muli sa lupain ng miller, nakabalik na sila kung saang lupa sya lumaki sa pagdating nya masayang masaya sya sa nakikita nya ang kaunlaran ng miller ay masyadong mabilis.
hindi na rin naman nakakapagtaka ito dahil sa impluwensyang meron sila ngayon sa brave city ay masyadong lumaki nalalalit na rin sila sa pagtapak sa pagiging silver badge.
ang angkan ng lynxin ay halos isang buwan na rin simula ng tumapak ito sa gold badge!! tanging lynxin clan palamang sa brave city ang nakakatapak sa ranggong ito kaya ang impluwensya nila sa city of brave at ibang kalapit bayan ay lumawak.
merong tatlong bagay na dapat mangyari para makatapak sa susunod na antas ng pamumuhay hindi basta basta maiaangat ang isang angkan kung meron ka lamang isa nito.
ang isang palaboy na nagbabalak bumuo ng isang pamilya at gawin itong isang angkan ay kinikailangan lamang magbayad ng isang lupain na aangkop sa dami ng tao na halos kulang isang libo katao lamang.
ang halaga ng lupaing ito ay nagkakahalaga ng limang daang libong ginto!!.
ang benepisyo nito ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan, madaling malapitang pinuno at walang pagkukulang na gawain.
ang angkan naman nagbabalak tumapak sa susunod na antas at maging isang silver badge family ay kailangan lamang paunlarin ang sariling kabuhayan at pag papalawak ng lupain kasama na rin dito ang isang pwersa ng mga ikalawang propesyon at ilang ikatlong propesyon, hindi rin mawawala, natural na rin sa nakatapak sa isang silver badge na magkaroon ng impluwensya sa pansariling lipunan ng bayan.
iba naman sa mga nakatapak sa gold badge, dahil kinakailangan na may yaman na aabot sa halos sampung milyong ginto at isang power house na nakaabot na ng ikalimang propesyon bukod pa ang mga lupaing meron ito. hindi rin mawawala rito ang pwersa ng mga nasa ikatlong propesyon at mangilan ngilang nakatapak na sa ikaapat na propesyon.
sa totoo lamang ang shin ay matagal na dapat naabot ang gold badge dahil sa kakulangan ng mga kinakailangang sundin para makatapak sa susunod na antas.
ang shin clan ay kinulang sa lakas ng kanilang pinuno kahit gaano pa ito kayaman at laki ng impluwensya kung ang kanilang power house ay kulang pa rin sa lakas para pamahalaan ang isang pwersa
"isang linggo kinakailangan na lamang namin ng halos isang linggo para maglakbay na sa pag gaganapan ng 'Four Provincial Tournament'"
sa loob ng halos limang buwan meron lamang dalawang pag unlad kay zenon pero ang mga kaalamang nakuha nya ay sapat na para makarating sa tuktok ng mismong kanilang kaharian!!!
cont.
medyo sablay , aantay keo tournament? next volume pa po ata yun malapit na matapos to
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Akcjamagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...