35 pagbali ng buong braso

1.6K 204 7
                                    


gulat na gulat ang mga tao sa buong ikaapat na palapag dahil sa lakas ng loob ni zenon na komprontahin ang grupo nila reo.

"talaga ngang napaka lakas ang loob mo, sabihin mo sino ba ang kinakapitan mo? ang buong west province?? hahahaha kung ganun nakakatawa ka!" sambit ni reo na may halong insulto

"ang gusto ko lamang ay tigilan mo ang hindi magandang titig mo sa aking kasama dahil nakakabastos ka" pilit pa ring pinapakalma ni zenon ang kanyang sarili pag nagkataong hindi nya na mapigilan talagag isang magiging malaking gulo ito sa pagitan nila ni reo, alam nyang galit na sa kanya si reo sa puntong ramdam nyang gusto na syang patayin nito pero wala pa sa puntong gagamit ito ng ibang tao para pabagsakin lang sya.

"hahahaha eh papaano kung ayaw kong sundin ang mga bagay na gusto mo mangyari?" ngising tingin ni reo kay zenon, hindi pa rin nawawala sa kanyang mukha kung papaano nya hamakin si zenon.

"basura pinapayo ko sayo na umalis ka sa aming lamesa kung ayaw mong may maganap na hindi magandang mangyari!"

napangisi naman si zenon malapit na sya sa kanyang limitasyon ang kanyang pag titimpi magmula palamang sa ikatlong palapag ay kanya ng hangganan" paano naman kung ayaw kong umalis sa harap nyo" may pang pang insulto namang ganti nito.

hindi naman nagustuhan ang sagot ni zenon ng grupo ni reo.

"mapangahas ka basura sinusuyo mo ang kamatayan!" isa sa kasamahan ni reo ay nakisabat na sa usapan ng dalawa.

"hindi ka marunong rumespeto sa mga taong mas nakakataas sayo lumuhod ka ng tatlong beses ng pahalik sa lupa kung gusto mo pang mabuhay!" si ben ang tinuturing kanang kamay ni reo.

sa inis ng grupo ni reo halos nag sabay sabay silang tumayo bago pa man nila sabihin ang mga salitang yun.

"hahahahaha isang grupo ng mga tanga na umaasa lamang sa kanilang kanya kanyang angkan sa tingin nyo ba masisindak nyo ko ng ganun ganun lang?? kayo ang lumuhod at humalik sa lupa kung gusto nyong makauwi pa ng buo ang inyong mga katawan!" nasagad na ang limitasyon ni zenon, masasabing ang ugali ni zenon ay hindi na katulad ng dati nyang ugali na kahit anung insulto sa kanya ay hindi nya papansinin.

kalmado pa rin sya at mas naging kalmado at mapanuri sya sa mga bagay bagay pero kung tungkol naman ito sa mga taong malapit at pinagkakautangan nya ng loob mas mabilis din ang pagiging magagalitin nya katulad nang ng yari kay alexa, hindi na iba si alexa sa kanya dahil sa araw araw na kasama nya ito at isa pa napakalaki ng utang na loob ng kanilang angkan sa angkan ni alexa.

"matapang ka!! hindi na kailangan ng angkan na kung ano ang meron kami sapat na ang aking kamao para pabagsakin ka!!" isa sa grupo ni reo shaun ang sumugod kay zenon ang lakas nya ay hindi nalalayo sa kung ano ang lakas ni orseo kung talento ang pag uusapan natural lamang na mas talentado si orseo kumpara dito dahil ang lakas ng mga kasamahan ni reo shaun ay dahil lamang sa mas nakaka angat sila sa buhay at ang kanilang cultivation environment ay mas maganda.

napangisi naman si zenon sa taong papalapit sa kanya hindi sya magpipigil hindi rin nya ibibigaya ang buong lakas nya ang isang pisikal na suntok ay sapat na para patulugin ang taong palusob sa kanya.

"isang grupo ng mga tanga!" sabay ng pagsalubong ng isa nyang kamao sa mismong kamao ng taong lumusob sa kanya!

boom!!!

isa nanamang kaganapan ang kinabigla ng lahat tumalsik si greg ang pangalan ng taong lumusob kay zenon.

tulala ang lahat sa ng yari bukod sa grupo ni zenon inaasahan na nila to kumpara kay beam ang unang taong nasa ikaapat na profesion na tinalo ni zenon sa arena ay mas mahina si greg kaya natural lamang na kayang kaya ni zenon ito.

namimilit naman sa sakit ang kamao ni greg, mabilis naman nakabawi sa pagkagulat ang grupo ni reo shaun at nilapitan ang kanilang kasamahan..

"ang mga braso ko!!! ang sakit!" sigaw nito na kinabigla naman ng kanyang mga kasamahan.

"braso?bakit braso dibat kamao ang tumama?" takang tanong ni reo shaun

"t*ngna!! tignan nyo!" si ben na hindi makapaniwalang nakatingin sa mga brazo n greg.

ang buong braso ni greg ay nalapnos abot ito hanggang balikat halos hindi na rin kayang galawin ni greg ang kanyang kamay dahil sa nagkabali baling mga daliri nito.

ng gagalaiti si reo shaun sa galit hindi nya alam kung papaano nagawa ng isang hamak na kakatapak palamang sa ikatlong profesion ang pabagsakin sa isang suntok lamang ang nakapagtagumpay na sa ikaapat na profesion.

"isa kapa rin basura kung sa tingin mo ganito lang kadali maaapi ang grupo namin pwes nagkakamali ka!" dali dali namang lumusob si reo shaun, isa ng ganap na lvl 4 4th job si reo kumpara sa iba mas malakas ang loob nya dahil sa tingin nya walang kabataan sa bayang ito na mas hihigit pa sa kanya tanging ang mga taong nakakatanda lamang ang maaaring makapigil sa kanya.

handa ng saluhin ni zenon gamit ang kanyang mga kamao ang atake ni reo shaun ng biglang may naunang isang kamay ang pumigil dito!!

sa hindi inaasahan hindi ito kinatuwa ni reo ng tignan nya ang taong pumigil sa kanyang kamao ang taong ito ay merong hindi katandaang gulang.

"ang manager ng ruert resto mansion!!"

"talagang nagpakita mismo ang manager!!"

"tama kadalasan ay hindi nagpapakita ang manager sa mga ganitong kaguluhan ngunit talagang nagpakita sya!!"

"mga tanga!! mga walang alam natural lamang na magpakita ang manager ang taong nag lalaban ay ang nag kampeon sa unang ng yaring labanan sa tournament of power!! at ang panig naman ay ang grupo na nag mula sa mairaranggong gold badge!!

bulong bulongan ng lahat pero dahil sa iilan lamang sila sa ikaapat na palapag ay madali lang din naman ito marinig.

"umalis ka tanda!! kung ayaw mong madamay hindi ka pakakawalan ng aming mga angkan pag pinag patuloy mo ang pag pigil!!"

cont'

sorry po nawalan ako load now lang ulit nakapag load

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon