28 tensyon(2)

1.6K 203 8
                                    

hindi maunawaan ng mga taong nasa malalayo kung bakit bigla na lang lumuhod ang dalawang bantay.

maski ang grupo ni zenon ay nagulat hindi rin naman kasi nila alam kung anong importansya ang may roon sa VVIP CARD na kayang paluhurin maski ang bantay ng pasukan ng ikaapat na palapag.

"anong ginagawa nyo? bakit nyo niluluhuran ang mga hampas lupang ito?" tanong ni reo, kahit sya ay walang idea sa kung anong meron ang card na inilabas ni zenon totoong napagkalooban sya ng isang VIP CARD pero hindi ito parehas ng itsura ng kung anong meron sya na pinagkaloob sa kanya ng twin lion city.

napangisi naman si zenon dahil my idea na sya kung anong meron ang card na kanyang inilabas, nagbabaka sakali lang syang ang pag labas ng card na meron sya ay kayang baliktarin ang mga bagay bagay na gusto mangyari ng dalawang bantay.

"humihingi kami ng pasensya sainyo ginoo sa aming kalapastangan maaari po sanang wag nanatin palakihin pa ang mga bagay bagay ako po ay lubus na nakikiusap" senserong sambit ng isang bantay na may pangamba pa rin sa kanyang puso kayang kaya syang patayin kung gugustuhin ni zenon gamit lang ang VVIP CARD na yan ang ibig sabihin lang non ay mataas ang connection nya sa kanilang city lord.

may usap usapan ang kanilang city lord ay hindi basta basta kahit pa ang mga nasa gold badge family ay hindi ito gugustuhing kantiin.

"wag palakihin ang mga bagay bagay?? ako ba ang nagpalaki ng gulong to?" kunot noong tanong ni zenon wala na sana syang intensyon pansinin pa ang dalawang bantay pero hindi nya nagustuhan ang sinambit ng isa sa kanila.

"basura maswerte ka nga at nagiging mabait ang dalawang bantay sayo nararapat lamang sigurong wag muna palakihin ang mga bagay bagay pa" nauunawan na ni reo kung bakit nagkakaganun ang dalawang bantay sa palagay nya ang kakaibang card na hawak ni zenon ay may malaking importansya sa bayan nito kung hindi ay malamang na hindi magkakaganun ang dalawang bantay batay sa kanyang status meron rin syang hawak na isang card kinikilalang ang card nya ay isa sa pinaka mataas na importansya sa bayan kung asan sya ngayun idagdag pa ang pagkakakilanlan ng kanyang grupo na nagmula sa mas mararangyang angkan.

para rin makaiwas sa pagkapahiya si reo shaun ay pumabor sa sinabi ng isang bantay pero ang kanyang pagkakasabi ay may kasamang pang iinsulto at ang kanyang postura ay hindi nawala ang kanyang mapagmataas na tindig.

"hindi ko alam kung sino ka pero kanina kapa sabat ng sabat wala akong pakialam kung sino ka man, maaari kang magsalita ng magsalita na parang isang tanga, pero ang makigulo sa usapin ng iba ay hindi tama!"

boom!!

halos lahat ng nakarinig sa sinambit ni zenon ay hindi makapaniwala dahil ang taong binabangga nya lang naman ay anak ng isang makapangyarihang tao nasasabi nila ito dahil alam na nila ang grupo nila reo ay
nagmula sa nararanggo gold badge family kaya hindi ito basta basta binabangga lang.

"anong sinabi mo?" nag dilim na ang paningin ni reo shaun hindi nya akalain sasagutin sya ng lalake sa kanyang harapan sya na nagmula sa makapangyarihang angkan ay sasagot sagutin lang sa bayang ito!.

"hindi ka lang pala tanga bingi kapa" sambit ni zenon sabay tuloy tuloy sa pag akyat sa hagdan wala na syang panahon pang makipag talo wala na rin syang pakialam sa dalawang bantay dahil ang pinunta naman nila sa ruerto resto-mansion ay ang pagkain at inumin.

isang killing intent ang pinakawalan ni reo shaun kay zenon ang kagustuhang pumatay nito ay kumalat sa buong silid ng ikatlong palapag ang mga cultivator na nasa ikalawang profesion palamang naisanama lang sa ikatlongpalapag ay halos hindi makayanan ito kahit pa hindi sa kanila nakatuon ang aurang inilalabas ni reo shaun.

napatigil naman sa pag hakbang sa hagdan si zenon dahil sa naramdaman nyang killing intent na nagmula kay reo shaun hindi nya ito kinatuwa dahil ibang iba ang killing intent na pinaparamdam sa kanya ni reo shaun.

"sino kaba sa akala mo para pahiyain ako ng ganito?, huwag kang umasa na pakakawalan lang kita ng madali" tingin ni reo shaun kay zenon na may madilim na mukha habang ang aurang lumalabas sa kanya ay nakatuon kay zenon hindi nya matanggap na mapapahiya lang sya ng ganito buong buhay nya ay hindi pa sya napapahiya at lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ang mga taong mas mababa sa kanya ay kailangang luhuran sya.

napatingin naman si zenon sa kanya at nginisian ito at nagtuloy tuloy na rin paakyat "ano pang inaantay nyo tara na" tawag nya sa kanyang mga kaibigan.

gusto sana nyang iwasan na lang ang reo shaun na ito pero talagang hinahanapan sya ng gulo, wala na syang magagawa pa bastat kung bibigyan sya ng problema ng mga pamilya ng grupo ni reo shaun ay hindi ngayon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nya napapataas ang kanyang antas.

kung gagamitin nya lamang ang isang profesion bilang isang champion malamang ay kaya nyang puruhan ang isang ikalimang profesion dahil sa dami ng enerhiyang pumalalibot sa kanya pero kung gagamit sya ng ashura ay malamang kahit pa lvl 10 ng ikalimang profesion ay magagawa nyang mapatay

kung sakali naman gagamitin nya ang kanyang lahat na profesion ay kayang kaya nyang puruhan ang nasa ikaanim na profesion.

ang lakas ni zenon ay maituturing ng abot langit dahil sa kanyang murang edad kung sakaling malaman ito ng iba malaking delubyo ang darating sa kanya para hanapan sya ng sikreto.

higit sa lahat ang kanyang extream weapon na hawak ay hindi rin basta basta kung sakaling gagamitin nya rin ito at magagawa nyang makapatay ng nasa lvl5 6th job at kayang kaya nya ring puruhan ang nasa lvl 6 6thjob.

naiwan sa baba sila reo shaun na naglalabas pa rin ng paglayong pumatay para kay zenon.

ang grupo nya ay hindi rin nagustuhan ang ginawa ni zenon.

"reo tarat umakyat hindi tayo uuwi hanggat hindi natuturuan ng leksyon ang basurang yun!!!" sabi ng isa sa kanyang mga kasamahan.

nagbigay ng isang mabigat na buntong hininga si reo shaun, wala syang sinabi at dahan dahan na ring umakyat sa ikaapat na palapag.

wala rin syang panahong palagpasin ang araw na ito hindi nya akalain magiging ganito kasama ang lahat ang gusto lamang nya ay makuha ang nagiisang babae sa grupo ni zenon hindi nya akalaing hindi nya nga nakuha napahiya pa sya sa lahat.

ang mga tao naman sa baba ay ni bulungan ay hindi na ginawa kinakabahan silang baka marinig ang lalabas sa kanilang bibig ay talaga nga namang mayayari sila ang grupo ni reo shaun ay grupo ng mga anak ng isang pamilyang nairaranggo sa gold badge samantalang sa isang panig naman ay isang taong may hawak na VVIP CARD na kahit sino sa kanila ay hinding hindi kakantiin..

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon