ang heroic item ay halos katumbas na ng sampung noble item na may strengthening.
ang ganitong armas ay iilang nairaranggong gold badge din ang wala
masasabing ang ganitong klaseng armas ang pinaka malakas na nahahawakan ng isang pinuno ng gold badge sa buong kaharian ng netopia
kaya ang magkaroon nito ang isang hamak na silver badge lamang ay masasabi ng pinaka malakas na angkan sa ilalim ng silver badge family..
ang pagkakaroon din ng heroic weapon ay hindi ligtas kung malaman ito ng iba siguradong pag aagawan ito kahit pa ang mga angkang nairaranggo sa gold badge ay hindi ipag sasawalang bahala ang oportunidad mapunta lamang sa kanila ang ganitong klaseng kayamanan.
sa mabilis na kilos ni morgo ang una nya agad na naabutan ay isang elder ng shin family bago pa man makalingon ang elder ay nawalan na agad to ng ulo,
hanggang sa huli hindi nalaman ng elder kung papaano sya namatay sa isang wasiwas lamang ng ispadang hawak hawak ni morgo na naglalabas ng kakaibang aura.
hindi agad napansin ni renz shin ang ispadang hawak ni morgo kaya nilingon nya ito ng may pa-ngangalit.
"anong ginagawa mo morgo? anong karapatan mo para patayin ang isa sa mga elder ng aking angkan!" huminto ito at kinompronta si morgo kung sa lakas lang naman hindi naman nalalayo ang lakas nila sa isat isa dahil parehas silang pinuno ng kanilang bawat angkan ang kalamangan lamang ni shin ay ang kanyang koneksyon.
dahil nilabas na ni morgo ang pinaka tatago nyang sikreto wala na syang pakialam pa sa kanyang paligid ang nais lamang nya ay patayin ang mga taong makakakita sa hawak nyang armas matapos nya ubusin ang angkan ng shin.
"isa kang malaking duwag renz shin! hindi ako makakapayag na dito lamang magtatapos ang lahat!" sa isip isip ni renz shin kinakailangan nya pa rin ang kayamanang nakabaon sa dating lupain ng miller.
at ang pinaka kailangan nyang gawin ay kuhanin ang pinuno o isa sa mga elder ng miller upang malaman kung ano ang meron sa kanilang dating lupain dahil hindi makapasok ang kanyang mga tauhan kung tatangkain naman nila ay wala ng nakakabalik pag buhay.
ngayung napakaraming nawala sa kanyang mga tauhan tanging ang nakabaong kayamanan na lang ng kanilang ninuno ang makakapag paangat muli sa kanila at hindi lang basta angat para sa isang silver badge family ang nakabaong kayamanan ay abot langit ang angat.
sino ba namang hindi masisilaw ilan sa mga kayamanan ay ang mga dread weapon na tanging mga maharlikang naka tungtung na ng diamond badge ang meron.
at ang pinaka mahalaga sa lahat merong isang epic weapon na tanging mismong ang hari lang ang nakakahawak ang ganitong mala alamat na sandata ay talaga nga namang masisilaw kahit na sinong mamamayan ng kaharian ng netopia.
hindi naman nagustuhan ni renz shin ang tono ng pananalita ni morgo at ang pinaka malala pinaslang pa ang isa sa kanyang mga tauhan at ang tauhang ito ay hindi lang basta basta nya tao kundi isang elder ng kanilang angkan!!
halos nakalimutan na ni renz shin ang pagtakas dahil sa pagkabigla kanina ng paslangin ang isa sa kanyang mga elder si renato shin naman ay natulala dahil sa pagkawala ng elder na malapit rin sa kanya.
itnutok ni morgo ang sandata kung asaan ang mga shin
nahintakutan naman ang iilang shin hindi dahil kay morgo kundi dahil sa sandatang hawak nito!!
ganun pa man dala ng dinadalang galit hindi napansin ni renz shin ang hawak ni morgo at lakas loob nya tong tinitigan ng masama.
"p-pinuno wala tayong laban sa kanya!" isa sa mga elder ang nag lakas loob mag salita kahit pa ito ay kabado ang iba namang elder ay hindi naman alam ang sasabihin dahil sa kaba parang isang multo na kahit gustohin man nilang sumigaw ay hindi nila magawa ang ganitong armas ay kayang nga namang patahimikin ang mga taong makakakita nito.
"anong pinagsasabi mo marami tayo at ang antas ng kanyang lakas ay parehas lang ng akin at iilan sainyo ay kayang kaya rin syang tapatan bastat magtutulong tulong!" paliwanag nito sa kanyang mga kasama na hanggang ngayon ay hindi pa rin nya nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga to.
"hahahaha tanga mamamatay kang wala lang! pero huwag ka mag alala hindi ko hahayaan yun gusto kong makita mo kung ano ang kapangyarihan meron tong armas ko!! imulat mo ang mga mata mo renz shin!" sambit ni morgo sabay rin ng paglusob nito na kinabigla ni renz shin.
"hindi!! huwag!? maawa ka!!"
sabay sabay na sigaw ng ilang mga shin kasama na rin ang ilang mga elder nagulat naman si renz shin sa pinapakitang lakas at bilis ni morgo ang lakas at bilis na masasabing hindi nya kapantay.
namatay ang mga elder na wala man lamang nagawa dahil sa pagkabigla saka lang naalala ni renz shin ang sinabi ni morgo bago ito lumusob, "ang sandata?"
bigla syang kinutuban tinitigan nya ang sandatang hawak ni renz shin at bigla na lang syang nahintakutan "i-isang heroic weapon!"
"tama ka!! maaari kanang mamatay!" ang pagkagulat ang huling reaksyon na nagawa ni renz shin bago sya namatay sa kamay ni morgo.
nararapat lang naman talaga mamatay si renz shin at ang kanyang mga elder dahil hindi maaaring hindi nila makilala ang hawak na armas ni morgo sa puntong yun ang mga taong may alam ay dapat lang patahimikin!.
sa ngayon ang tanging natitira na lamang buhay ay si renato, alam nya na sa kanyang sarili na mamamatay sya kasama ng kanyang ama na nauna ng namatay dahil kung hindi sya papatayin ni morgo magiging delubyo ang buhay ni morgo dahil sa pagkakalat ng balitang meron syang isang heroic weapon!.
"ikaw na lang ang natitira pagkatapos ay sila naman!!" sambit nito kay renato shin na kabadong kabado halos maihi na rin ito sa kanyang suot pang ibaba at ang tinatawag nyang sila ay ang mga taong nakapalibot sa kanila na nakasaksi sa pagpatay sa angkan ng shin at sa armas na hawak ni morgo.
'tapos kayo naman!" ngisi nito sabay wasiwas ng kanyang hawak kay renato shin.
cont.
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Actionmagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...