48 ikalawang alagad.

1.6K 231 13
                                    


halos isang buwan na rin ang lumilipas ng magising si zenon at si freus ay sumanib na sa kanyang braso.

nung una ang akala nya ay magkakaroon sya ng isang malakas na alagad dahil mailalabas nya ito sa forest of life, kinakailangan papala nyang tumungtung sa tamang antas para mapalabas ito dahil kung ipipilit nya maaaring buhay nya ang kapalit .

ang maganda naman dito maaari nyang hiramin ang kakarampot na lakas ni freus para maging kanyang pansamantalang lakas pero magbabayad sya ng malaking danyos pagnagkataon.

isa pa sa magandang kinalabasan nito ay magkakaroon sya ng isang gabay sa mga bagay na hindi nya alam, isa pa ring celestial si freus ang ranggong mas mataas pa kesa sa ranggo ngayun ni seresa.

sa isang buwang lumipas wala syang tigil sa pag higop ng enerhiya sa kapaligiran ganun pa man wala pa ring pag unlad na nagaganap parang isang balong malalim ang kulay dugong crystal sa kanyang dantian, ganun pa man ramdam na ramdam pa rin ni zenon ang dami na kanyang nahihigop na enerhiya kumpara sa labas ng forest of live.

"freus sabihin mo saakin nasa antas ba ng pang lima hanggang unang grado ang rooth hole ng gubat na to?" tanong ni zenon sa kanyang isip na mabilis naman na maririnig ni freus.

"panginoon wala sa ika lima hangaang pang una ang grado ng rooth hole ng forest of life, bumabase ang rooth hole na andito sa lakas ng gumagamit katulad nyong isang origin core stage ay kayang humigop ng enerhiya sa lakas ng isang 9th rate saint rooth hole kapag nakapag tagumpay na kayo sa nascent soul stage ay aangat ng dalawang hakbang ang enerhiyang kaya nyong mahigop" sagot naman ni freus.

nagulat naman si zenon sa kanyang nalaman pero nagtaka sya sa impormasyong binigay ni freus dahil bakit hindi pa tinodo ang kayang higupin na enerhiya.

nabasa naman agad ni freus ang nasa isip ni zenon kaya dali dali nya tong sinagot " hindi maaring maabot agad ang pinaka sukdulang nais na mahigop na enerhiya panginoon dahil maaaring maapektuhan nito ang inyong dantian, maaaring sumabog ito. halimbawala na lang isang celestial rooth hole ang gagamitin nyong cultivation environment hindi makakayanan ng inyong kasalukuyang lakas ang enerhiyang papasok sainyong loob"

mabilis naman naunawaan ni zenon ang paliwanag ni freus gusto lamang nya malaman dahil nababagalan sya sa kanyang pag unlad gusto nya ng lumakas agad.

kung makikita lamang ng ibang kabataan ang iniisip ni zenon ay malamang na bugbugin sya ng mga ito dahil ang kasalukuyang zenon ay walang tatapat na kahit sino na nasa kaparehas nyang edad.

lumipas pa ang halos isang buwan at mag tatatlong buwan na sya sa forest of life makikita na rin ang papalapit na pag unlad nya, yun nga lang ang pag unlad nya ay hindi nya alam kung anong propesyon ang tataas ng antas.

"kung ganito kabagal ng pag unlad gaano kaya katagal bago ko marating ang nascent soul stage? kailangan ko munang ilagay sa sukdulan ang lahat na propesyon na meron ako hanggang magagaawa ko yun ang aking lakas pag tapak ko sa nascent soul stage ay siguradong mas malakas kesa na sa mga magiging kaparehas ko ng ranggo" masayang masaya si zenon sa kanyang iniisip hindi nya namamalayan na ang kanyang dantian ay nalalapit ng mapuno at kapag napuno ito natural lamang na kakalat ang enerhiyang nahigop nya sa buo nyang katawan upang maging lakas nito at kasunod na nun ang pagtapak sa susunod na antas ng isa sa kanyang propesyon.

hindi nga nagtagal isang linggo lamang ang nakalipas ay nakapag tagumpay na ang isa sa kanyang propesyon sa sumunod na antas at laking tuwa nya dahil ang umakyat sa ikalawang level ay ang kanyang necromancing.

masasabing ang necromancing ang pinaka malakas nyang sandata sa ngayon magagamit nya ng lubusan ito.

may dalawang kapangyarihan ang necromancing yun ay ang buhay sa isang patay at ang pag summon ng isang nilalang na galing na sa kabilang buhay.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon