12 solo fight

1.6K 202 7
                                    

ang unang araw ng torneyo ay sisimulan na.

dinagsa ng maraming tao ang gaganaping tournament of power sa west province.

ang ilan pa rito ay kilalang pamilya sa ibat ibang lugar.

hindi ito pinalagpas maski ng mga taong nasa capital ng kaharian.

ang mga taong nasa sentro ng kaharian ay mga pawang nasa gold badge.

ang mga ito ay nagpunta hindi dahil para sa mga talentadong bata para sa kanila wala ng mas talentado pa kundi nasa kanilang angkan na mismo.

ang gusto lang nila ay isang laro, isang sugal kung saan maaari silang pumusta sa mga taong maglalaban sa harap ng entablado.

napuno ang entablado ng halos mga pawang may kaya. masasabing walang makakapasok sa loob ng twin lion profesional arena kung hindi ka galing sa may kayang angkan kung isa kalamang myembro ng bronze badgr family o isang palaboy ay wag kanang umasa pang makapanood.

meron lamang tatlong palapag ang gusali.
ang pinaka tuktuk ang may pinaka mababang halaga.

para makapasok kinakailangan ng isang daang libong pilak wala itong problema para sa silver badge para lang tong nagkatay sila ng sampung kabayo.

ang ikalawang palabag naman ay nagkakahalaga ng tatlong daang pilak madalas ang mga nandidito ay mga pinuno ng silver badge o isang myembro ng gold badge.

ang nasa pinaka unang baitang naman na halos nasa harapan lang nila ang arena ay nagkakahalaga ng limang daang pilak.

ang presyong ito ay normal lamang para sa mga tinuturing elder ng isang gold badge.

at ang pinaka magandang pwesto sa lahat ang VIP na nagkakahalaga ng isang milliong pilak na halos kasing halaga na ng isang war horse.

....

sa unang labanang magaganap ay isang solo fight o isang sparring match ang ibig sabihin isa isang lalaban ang walongpung kabataan.

meron lamang unang taong magpiprisintang tatayo sa arena masasabing ang unang taong tatayo sa arena ay magiging numero uno agad sa listahan..

ang kailangan lamang gawin ay hamunin ito at talunin at agawin ang kasalukuyan netong numero.

ang matatalo ay babagsak sa pagiging ikalawang numero.

maaari namang magpahinga ang taong nasa ika una matapos ang kanyang unang laban para makapag pahinga at manumbalik ang lakas.

ganun lang ulit kinakailangang may taong pumunta sa mismong entablado at humamon para maibigay ng maayos ang nararapat na ranggo.

maari lang din humamon ng tatlong beses kung hindi kuntento ang taong dalawang beses ng natalo ng iisang tao.

"kailangan isa sainyo ang maunang tumungtung sa entablado para mag bigay ng paunang magandang reputasyon sa akademya umaasa ako sainyong sampu, hindi ako aasang isa sainyo ang pang una ang gusto ko lamang ay hindi kayo magiging pang huli." seryosong saad ni head master kreto

sa pagsisimula ng lahat limang minuto lamang ang lumipas sa tantyang walang may gustong mauna ay umakyat si ace sa entablado.

maraming tao ang humanga sa kanya dahil ang kanyang job ay isang champion bihira lamang kasi magkaroon ng isang champion sa maliliit na pamilya natatanging mga pamilyang nasa gold badge lamang ang may kakayahang magpalaki ng isang acolyte na tutungtung sa pagiging monk kaya sobra silang humanga kay ace.

"ang una kong hamon ay nagngangalang renzo ang pang sampung myembro ng stronghold academy!" saad ni ace

marami naman ang nagulat sa hamon nito khit pa sabihing si renzo ang pinaka mahina sa myembro ng stronghold ngunit ang lakas naman nito ay di rin basta basta dahil ang stronghold ang kampeonato ng nakaraang torneyo.

"nahihibang naba sya? maaari silang pag initan ng stronghold isang napaka tangang desisyon"

"ang academyang to ay hindi nag iisip ang akala ba nila kung sakaling matalo ang isa sa myembro ng pinaka malakas na akademya ay makakahakot sila ng reputasyon isa tong tunay na pagpapaka tanga"

maski si head master kreto ay hindi inaasahang hahamunin ni ace ang stronghold ang gusto nya ay makahakot ng magandang impresyon hindi nya inaasahan ang ganitong bagay kilalang kilala nya naman si ace kaya hindi nya alam kung bakit ginawa neto ang bagay na ganyan.

"bwisit ano ba ang naisipan ng batang ito" nagiinit na inis ni headmaster kreto.

samantala si zenon ay namamangha naman sa dami ng tao wala syang pakialam sa magaganap na labanan dahil kumpara kay dalton ang walong mala alamat na halimaw hindi maikukumpara maski kanino mang andidito sa labanang naganap noon na halos ikamatay na nya.

bigla naman nagbalik sa isipan ni zenon ang ng yari non.

"balang araw maaabot ko din ang antas na kung anong meron ka at ako si zenon mismo ang papatay sayo" bulung ni zenon sabay tingin ulit sa napakaraming tao.

hindi rin nagtagal ay umakyat na si renzo ss entablado masasabing ang pinaka malakas na akademya ay hindi mayayabang at walang halong angas sa katawan.

pumunta lamang si renzo sa harapan pero kahit pa sabihing walang yabang at angas ang stronghold hindi naman nila tinitignan na isang banta maski sino mang akademyang makaharap nila bukod sa planteo academy kaya mapapansin ding halos walang pakialam ang akademyang to sa labanang magaganap sa kanilang harapan na halatang hindi nila seneseryoso ang laban.

nagsimula na ang laban isang black belt brawler si renzo isang 3rd job ng brawler at parehas lang sila ni ace na lvl 5 at parehong pang malapitan.

isang kalamangan nga lang dito ni ace sa pagiging rare class nya.

naunang lumusob si renzo natural lamang to sa pagiging brawler dahil ang kalamangan nila ay ang kanilang liksi.

sa pwesto naman ni ace ay inaantay lamang nito makalapit si renzo.

bibitaw sana ng pang unang skill si renzo ng biglang salubungin ito ng kamao ni ace.

isang puting dragon ang lumabas sakanyang kamay at tinamaan nito si renzo.

"t*ngna!! isa yung ashura!!"

"ang.. ang skill na yun?? dibat isa yung ashura??"

nagulat at napatayo ang ilang manunuod.

maski si zenon ay nabigla.. ang mga kinikilalang pinaka malakas na academya ay nagulat din sa ipinakita netong skill..

"magiging delikado tayo sa teamfight kung papabayaan nyo ang batang yan" sabi ng headmaster ng stronghold

ganun rin ang iba pang academya

hindi rin kasi basta basta ang ashura strike.

ginagamitan ito ng blood lust kinakailangan mapunta ka muna sa pinaka alanganing kalagayan bago mo ito magamit.

ang blood lust ang magsisilbing uubus ng lakas mo pero pananatilihin neto ang enerhiyang meron ka.

hanggang sa mapadpad ka sa kasukdulan mong kahinaan ay sya ring lakas pag binitawan ang ashura.
kasabay rin nito ang pagubus ng iyong enerhiya.

sa pagkakataong yun maski na ang mga nasa ikaapat na profesion ay maaaring manganib.

sa huli nanalo si ace tulala pa rin ang iba habang pababa sya ng entablado dahil malabo rin naman syang makalaban ulit kailangan nya lang makapag pahinga.

nailagay na ang kanyang pangalan sa ika unang ranggo at ikalawa rito si renzo.

"ako naman"

cont'.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon