ang muling pag bisita ni zenon sa forest of life ay naging mapayapa wala rin namang angkan ang gustong umatake sa kanya dahil isa sya sa lalahok sa darating na tournament of power kung sakaling may mangyari sa kanyang hindi maganda ang willstone academy ang magiging kalaban nila.
sa gitna ng forest of life pinalaganap ni zenon ang kanyang aura upang malaman ng mga nilalang na nakabaon sa lupa ang kanyang pagparito.
ang mga nilalang na ito ay kusang inilibing ang kanilang mga sarili sa ilalim ng lupa hindi sila maaring magpakita sa ibang nilalang na magtatangkang pasukin muli ang forest of life.
ito ang mga nilalang na tinutukoy ni zenon ang kanyang armas laban sa mga taong magtatangka ng masama sa kanyang angkan kung magkakaroon ng isang malawakang digmaan sa brave city. ang mga patay na muling binuhay ni zenon ay tinatawag nyang ghoul.
nagtipon tipon ang mga ghoul sa sentro ng forest of life kung saan nakatayo sa gitna si zenon kasama nya rin dito si seresa na kanina pa nakasunod sa kanya.wala naman balak si zenon na magsalita at kausapin ang kanyang mga alagad dahil mga patay na to at hindi rin naman sya maiintindihan ng mga to hindi ito katulad ni seresa na may sariling pag iisip.
mapapasunod nya ang mga ghoul sa pamamagitan lang din ng kanyang isip.
ang balak gawin ngayun ni zenon ay gawing heneral si seresa ng mga ghoul na to.
wala rin naman syang balak ipakita si seresa sa iba dahil sa katangian ng itsura neto isa pa naiiba ang lakas ni seresa kesa na sa ibang nilalang sa kanilang kaharian.
kung magkaroon ng digmaan maaring hindi magpakita si seresa at gamitin na lang ang mga ghoul para tulungan ang kanyang pamilya.
isa pa kaya sya nasa forest of life ay hindi lang dahil duon.
gusto nyang makausap ang kahit sino sa walong halimaw na naninirahan dito dahil alam nya ang mga to ay alagad ng matandang ermetanyo.
at yan din ang isa sa prinoproblema nya ngayun kung papaano nya papalabasin ang mga halimaw na yun.
ang huli nyang kita kay tres ay may mga kasama tong halimaw na tinatawag na martyst napakarami neto at ang pinaka mahina sa mga halimaw na yun ay may kakayahang talunin ang mga nasa ikalawa ng profesion kung tama ang kanyang kalkulasyon ang pinaka malakas na halimaw dun bukod kay tres ay kayang pantayan ang lakas ng mga nakaabot na sa ikatlong profesion.
"ang ganung pwersa ay napaka lakas kung makukuha ko ang isa sa walong halimaw ang pwersa ko ay dodoble ang lakas." sa isip isip ni zenon hindi rin naman nalalayo ang lakas ng kanyang mga ghoul sa lakas ng pwersa ni tres isa pa meron syang seresa ang hindi nya lang alam kung ang lakas ba ng kanyang alagad ay papantay sa lakas ni tres.
kung malalaman ng kaharian na ganito ang nasa isip ni zenon at meron syang ganitong pwersa ay malamang malaking delubyo yun para sa kanya o kung hindi man baka itaas ang kanilang antas diretso sa pagiging gold badge o baka maabot din nila ang lakas ng nasa diamond badge.
hindi katagalan sa pag iisip isip ni zenon nakaramdam sya ng kakaibang aura.
ang aurang mas malakas pa kesa sa aurang nararamdaman nya noong nakaharap nya si tres.
bukod sa napakalakas na aurang kanyang nararamdaman meron din syang nararamdamang parang merong libo libong papalapit sa kanya ang aurang hindi maiuugnay lamang sa mga aurang nasa ikalawa o ikatlong profesion.
maging si seresa ay nanginig sa lakas ng aurang paparating
"panginoon ang aurang paparating ay hindi ko kakayanin ngayun palang papayuhan ko na kayong lumayo at ako na ang bahala dito." sambit ni seresa.
nagulat si zenon sa sinambit ni seresa pero ang kanyang mga paa ay halos hindi na makagalaw.
katulad to ng naramdaman nya nung nakaharap nya si tres.
ang tanging naiiba nga lang ay talagang sadyang hindi sya makagalaw.
"nalintikan na" ang tanging nasambit na lang ni zenon
cont.
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Açãomagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...