52 ang lakas ng 3rd stage beast ghoul

1.6K 218 8
                                    


sa paglabas mismo ng kagubatan ng forest of life mabilis naramdaman ni seresa ang kanyang panginoon kahit masasabing ang layo ng brave city sa forest of life ay malayo talaga sa paningin ng normal na tao pero hindi kay seresa.

madali nya lang din nakita ang limang kataong sumusunod sa kanyang panginoon susugod sana sya para sagipin ang kanyang panginoon pero ng maramdaman nyang ang lakas ng mga ito ay nasa ikalimang propesyon lamang ay hinayaan na lang nya ito ang mga ganitong pagkilos ng may ganung lang lakas ay hindi magiging panganib sa kanyang panginoon.

alam na rin nya na ang kanyang panginoon ay alam na nasa malapit lang sya kung sya ay tatawagin nito ay madali lang din nyang mapupuntahan ang lugar.

nakangisi si zenon ngayon sa limang kriminal na nasa kanyang harapan habang ang mga ito naman ay palusob sa kanya, unti unting lumiliit ang distansya ng marinig nila ang isa pang salita ni zenon..

"mga hangal" sabay din nito ang pagkakaroon ng isang dimension sa gilid ni zenon na kinagulat ng lima at ang mga ito ay napahinto at muling bumakas sa kanilang mga mukha kaba.

sabay naman ng pagbukas ng dimension ay ang paglabas ng isang 3rd stage beast.

ang ghoul na ito ay masasabing pinamahinang ghoul ni zenon pero hindi ito maaaring baliwalain dahil ang buong katawan nito mula hanggang paa ay nababalutan ng heroic item!!

saan nga ba nakikita ang mga heroic item?? yun ay isang sandata lang naman na ginagamit ng mga pinuno ng isang gold badge family!! bihira lamang sa mga nairanggo ng gold badge na walang hawak ni isang heroic weapon at ang mga ito ay ang mga pinaka mahihinang gold badger.

dahil sa pagiging bihasa sa pag patay ng lima alam nila ang mga taong dapat iwasan kaya ang pakiramdam ng isang heroic item ay hindi na bago sa kanila dahil magmula ng pinasok nila ang ganitong trabaho ay alam na nilang dapat iwasan ang mga may hawak ng isang makapangyarihang armas.

pero imbis na katakutan ay nakaramdam ang lima ng pagkaganid ng maramdaman nila ang lakas ng ghoul ay para sa kanila ay hindi banta ito kung magtutulungan silang lima ay maaaring madali lang nila itong matatapo isa pa rin itong 3rd stage beast at ang ganitong lakas ay para lamang silang pumapatay ng langgam ang pinag kaiba nga lang ay meron itong mga sandata na hindi nila lubus akalain.

"napakaswerte natin!! wala na akong pakialam sa premyo sa pag paslang sa kanya kung mapapasaatin ang mga heroic weapon na nasa katawan ng halimaw na yan ay sigurado na ang lakas natin ay aakyat sa puntong hindi na rin natin kakatakutan pa ang iba pang pinuno ng mga angkan na mairaranggo sa gold badge!!" sambit ng isa sa limang kriminal mapapansin sa mukha ng mga ito ang walang paglagyang saya.

"mga tanga, ang pagiging ganid talaga ang nagpapahamak sa tao kaya kung matatalo ka ng tukso ay talagang ikakapahamak ito" sambit ni freus sa isip ni zenon ang mga ganitong gawain ay lubus nyang pinandidirihan.

bago pa lumusob ang lima nauna ng lumusob ang ghoul ni zenon dahil wala itong kaisipan hindi nito nararamdaman ang kahit anong pagkatakot kung ito pa ay nabubuhay nung una palamang ay malamang na tumakbo ito simula palamang kahit pa may suot itong mga heroic weapon dahil ang alam lang nito ay isa syang 3rd stage beast at ang kanyang kakaharapin ay presensya ng nasa ikalima ng stage.

"hahahaha tignan nyo kita mo nga naman talagang kayamanan ang lumalapit talagang para saatin ito!" naging maligaya ang lima sa paglapit ng ghoul hindi nararamdaman nito ang bantang dala ng isang ghoul dahil sa pagiging ganid ay halos nawala na sa kanilang pakiramdam ang salitang pag iingat!! isa pa rin silang bayarang mamamatay tao at ang pag iingat ang pinaka una nilang sandatang dala dala para mas lalo pang humaba ang kanilang mga buhay.


swiiiinnnggg--

nagkakasiyahan pa ang lima sa papalapit na ghoul ng biglang mawala ito sa kanilang paningin, nakita na lamang nila ulit ito na nasa kanila ng harapan at ang isa sa kanila ay butas na ang lalamunan.

doon na ulit bumakas ang takot ng natitirang apat, mabilis na bumagsak ang unang biktima ng ghoul panandalian pinadama ni zenon ang kanyang aura sa ghoul para huminto ito kontrolado nya ang bawat isang ghoul, kung meron mang naiintindihan ang mga ito wala naman iba yun kundi ang taong muling bumuhay sa kanila bukod don kung hindi sila mapapaslang wala ng kahit sinong nilalang ang may kakayahang pahintuin sila.

dahil sa biglaang pangyayari at pagkadama ng takot ng natitirang apat saka lamang nila ulit naramdaman ang salitang pag iingat, naalala nilang ang ghoul na ito ay maaaring alagad ng binatang pinag tangkaan nilang patayin kaya dali dali silang lumuhod na apat."

"panginoon ang basurang tulad ko ay nagkamali patawarin mo ako panginoon!! hanggang mapatawad mo ako panginoon ibibigay ko ang iyong nais!!"

"panginoon patawarin mo ako sa aking pagkakamali ang isang tulad ko ay hindi dapat binibigyan pansin isa akong malaking tanga panginoon patawarin mo ako sa nagawa ko!"

"panginoon ganun din ako!! hanggang handa mo akong patawarin ay gagawin ko lahat ng ipaguutos mo!!"

"ako rin panginoon hanggang hahayaan mo akong buhay!! handa akong baliin ang lahat ng kamay at braso ko bastat hayaan mo lamang akong mabuhay!!!"

sa bingit ng buhay at kamatayan mabilis na lumuhod ang apat dahil sa bilis na pinakita ng ghoul at madaliang pag paslang sa kanilang kasamahan alam nilang hindi nila kayang talunin ang ganitong nilalang.

"patawarin?? hmmp kung wala akong alagad na tutulong saakin ay malamang na ako ay namatay na kung ako ba ang nasa kalagayan nyo ay patatawarin nyo ako?" tanong ni zenon na mabilis namang ikinapula ng mukha ng apat dahil ang sagot sa tanong ni zenon ay malamang hindi nila hahayaang mabuhay si zenon kahit pa humingi ito ng tawad baliin man nito ang kamay at braso nya.

"ngayon alam nyo na ang sagot" ngisi ni zenon sa huli alam ng apat na katapusan na nila kaya mabilis nilang inilabas ang buo nilang enerhiya para tumakas at mag bakasaling sila ay mabubuhay.

mabilis na naghiwa hiwalay sa pagtakbo ang apat na kriminal.

pinanuod lamang sila ni zenon na magsi takbo pero hindi sya handang pakawalan ang mga ito, tinitigan nya si seresa at tumango naman ito.

naunawaan agad ni seresa ang pinapahiwatig ni zenon dahil sa kanilang koneksyon madali lamang nababasa ng isat isat ang mga pahiwatig kahit hindi na sila mag usap.

hindi nagtagal nakita ng apat ang isang kakaibang nilalang kahit pa nag hiwa hiwalay sila ay madali lamang sila maabutan ni seresa.

sa huli namatay rin ang tatlo sa apat ang natira lamang buhay ay ang pinuno ng mga ito, may gusto pang malaman si zenon kung sino ang taong nagtangkang ipapatay sya.

sa isip isip ni seresa isang malaking kahangalan sa kahariang ito na pagtangkaan ang kanyang panginoon tanging katapusan lamang ang mangyayari sa mga ganitong tao.

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon