Eukie Laxamana:
Tulala lang ako habang nasa loob ng sasakyan ni Mylo, pagkatapos makalabas ng university ang sasakyan ni Mylo inihinto nya rin ito sa gilid ng kalsada di kalayuan sa university.
Tahimik lang kami pareho.
Hindi nawawala sa isip ko ang nakita ko.
Myko was kissing Elyza!
Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. Hinawakan ni Mylo ang kamay ko kaya napalingon ako, nagtatanong ang mga tinging ibinigay ko sa kanya.
"Do you play?" he asked.
Napakunot-noo ako sa sinabi nya, hindi ko naintindihan.
"Play with me."
Play what?!
Ano bang sinasabi ni Mylo? Hindi naman ako makapagsalita, nakatingin lang ako sa kanya. Binitawan nya ang kamay ko at maayos na humarap sa akin habang titig na titig ako sa kanya.
He was smiling, and doing that comforts me enough. Nakakagaan ng pakiramdam ang pagngiti ni Mylo.
"From now on, you're my girl now!"
Seriously?!
Then he offered his hand.
I almost dropped my jaw! Ano bang pinagsasasabi ni Mylo? At bakit hindi man lang ako makasagot? Ang tanging ginagawa ko lang ay titigan ang nakangiti niyang mukha?!
Nababaliw na ba sya?!
"You can turn me down, if you don't want, just by simply not taking this hand I'm offering."
He said that while smiling! That smile so encouraging!
I just kept on staring at him, maging sya nakatingin lang din sa mga mata ko. Kung gaano katagal kami nakatingin sa isa't isa hindi ko alam.
Napadako ang tingin ko sa kamay nyang nakalahad, tapos ibinalik ko sa kanya ang tingin ko. Call me crazy, but whatever he was talking about, obviously hindi ko naiintindihan, plus ang mga ngiti nya saken, anuman yon, tinatanggap ko.
That smile he was giving me makes me want to smile too and I think napapangiti na ako ng kaunti.
BLAG!
Nagulat ako sa malakas na kalabog sa sasakyan ni Mylo!
Nakita ko ang limang lalaki sa labas na may hawak na kahoy, hindi maganda ang pakiramdam ko.
Nanlaki ang mga mata ko, at bigla ang takot na naramdaman ko!
"Stay here."
Napalingon ako kay Mylo. Sunud-sunod ang pag-iling ko.
Lalabas sya pero pinigilan ko sya sa braso! Delikado ang mga taong nasa labas, at sa tingin ko, away ang hanap ng mga ito!
"Let's leave. Wag kang lalabas Mylo, please!"
Pero ngumiti lang sya saken!
"It'll be fine."
"NO! Sasama ako!" lalong humigpit ang hawak ko sa braso nya.
"Stay here. Pangako, walang mangyayaring masama."
He gave me a convincing smile, but I can't let go of his arm...
He tapped my hand that is holding his arm, hindi ko alam pero unti-unting lumuwag ang pagkakakapit ko sa braso nya. Kahit puno ng kaba ang dibdib ko, nagtiwala na lang ako sa sinabi nyang walang masamang mangyayari.
Lumabas sya ng sasakyan, sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaharap na nya yung limang lalaking may mga hawak na kahoy.
Nung una parang nag-uusap lang sila, hanggang sa biglang sumugod yung isa! Nagulat ako kasi muntik ng tamaan ng kahoy si Mylo na mabilis din naman niyang nailagan!
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...