Confession 34

89 3 0
                                    

 

Nagmamadali pa naman akong makarating sa Starbucks kasi baka nga naiinip na sina Coach Whendy, Mylo at Myko dahil wala pa ako.

Pero bigla akong napahinto sa paglalakad ng mabilis ng makita ko si Myko na bumibili ng Plato Wraps! Lumapit ako sa kanya at kinulbit ko sya sa kanang balikat pero sa kaliwang tagiliran nya ako pumuwesto.

Kaya ng lingunin ni Myko kung sino yung kumalabit sa kanya sa kanan, wala syang nakita. Tapos lumingon sya sa kaliwa at paglingon nya tumusok sa pisngi nya yung hintuturo ko!

“Gotcha!”

“What are you doing here? I thought you’re already with them!”

Nag-shrug lang ako tapos nag-pout!

“Since andito ka na rin lang, bayaran mo na ‘tong binili ko!”

(O_O)

Dapat pa ba akong magulat? Palagi syang ganyan! Nuknukan sa kuripot, ang galing bumili ng kung anu-ano tapos ako ang pagbabayarin! Aba matinde!

Iniabot ko yung bayad tapos nagsimula na din kaming maglakad papuntang Starbucks. Kakagatin na nya yung Plato Wraps nya pero hinigit ko yung braso nya at bigla kong kinagatan!

“HEY! Bakit ka kumagat!”

(^____^)

“Akin ang first bite! Ako nagbayad –”

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may humigit sa braso ko at kinaladkad ako! Kahit si Myko, nagulat din sa bilis ng pangyayari!

Hindi ko pa nga nalulunok yung nginunguya ko eh, at halos mailuwa ko din yung laman ng bibig ko kasi ang bilis ng takbo namin ng humihigit sa braso ko!

ASAR!

Sino ba kasi etong walang pakundangang kumakaladkad sa…

(O___O)

Coach Whendy?!

Whendy Nioh:

What took them so long?

Napapangalahati ko na yung frappe ko pero wala pa sila!

Ang totoo, wala naman talagang mangyayaring meeting. Gusto ko lang…gumala! Parang double date!

Tss… Hindi ko maintindihan ang sarili ko, simula ng maging okay kami ulit ni Mylo, bumabalik na naman ako sa dati.

Alam ko mali kasi…kasi may boyfriend na ako.

Si Jaymark.

Pero aaminin kong hindi ko sya mahal, rebound lang sya. Rebound na sya mismo ang nag-offer.

Kung bakit ako pumayag sa ganun, yon ay dahil sinubukan ko din syang mahalin. Pero nabigo akong gawin at alam kong hindi ko naman yon magagawa kahit kelan.

Iniwan ko kay Mylo noon ang puso ko, 5 or 6 months ago na!

I’m being unfair with Jaymark, because until now, si Mylo pa din ang mahal ko! I’m planning to break up with him, pero nagiging busy kasi ako ngayon sa sunod-sunod na laban ng team kaya wala akong pagkakataon at bihira kaming magkita since busy din sya sa SC.

Lumabas ako ng Starbucks.

Bakit ba wala pa sila? Lumakad ako papunta sa gitna kung saan matatanaw ko ang mga tao sa baba. Ipinatong ko sa steel ang braso ko at sumipsip ako ng frappe!

Ang daming tao sa baba, may hinahanap ang mga mata ko. Baka sakaling ma-spot-an ko sa crowd sina…

Biglang hindi ko malunok yung frappe na hinigop ko. Dalawang pamilyar na tao ang nakikita kong nakaupo sa isang kainan na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko.

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon