Confession 46

54 1 0
                                    

 

Mylo Acosta:

Guminhawa na ang pakiramdam ko ng makaligo ako ng warm water! Grabe pa naman ang panginginig ko kanina dahil sa pagsugod sa malakas na ulan ng hanapin namin si Eukie sa gubat.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, mukha namang hindi ako magkakasakit kahit pa sumugod ako sa malakas na ulan kanina.

This is the last night here at Tagaytay, nakahiga na ako dito sa kwarto na occupied nila Trevor. Dito na ako magpapalipas ng gabi, kasi nasa kabilang kwarto sina Eukie at Myko.

I can’t sleep!

It’s not that I’m thinking something here about what’s happening at the other room wherein Myko and Eukie were!

Iniisip ko lang kung paano ko nakayanan ang tatlong araw na pananatili dito habang iniiwasan sina Whendy at Jaymark?!

Simula ng magkita ulit kami ni Kate ng hindi sinasadya sa mall, ginawa ko na ang lahat para iwasan si Whendy.

She even trying to avoid me too, as well as I am avoiding her.

It’s like we’re back to square one!

Bumangon ako sa pagkakahiga.

Hindi talaga ako makatulog, so I decided to go outside!

Lumabas ako ng kwarto, I feel like I want to take a walk outside in the middle of the night!

Paglabas ko, parang hindi umulan ng malakas kanina! The skies’ clear from dark clouds, stars were scattered, and there’s this big bright moon!

Ang patunay lang na umulan kanina ay ang basang lupa!

Lumabas na ako ng tuluyan sa bahay, sinimulan kong maglakad-lakad hanggang sa makarating ako sa tabing dagat.

Maliwanag ang paligid dahil sa buwan, mabini din ang pag-alon sa dagat. Hindi kagaya kanina na malalaki ang bawat hampas ng alon!

Malamig ang dampi sa balat ng simoy ng hangin, nakakagaan ng pakiramdam!

Malaya kong natatanaw ang lawak ng dagat, kumikinang iyon sa tama ng liwanag ng buwan. Huminga ako ng malalim, hinayaan kong mapuno ng malamig na hangin ang dibdib ko.

Iniunat ko ang dalawang kamay ko at…

“Alam mo kung gaano kita kamahal.”

May narinig akong nagsalita!

“I know. And I’m so thankful you have loved me.”

Lumingon ako sa pinanggalingan at nakita ko ang dalawang tao sa di kalayuan malapit sa may batuhan.

It was Whendy and Jaymark!

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kumubli ako sandali sa ilang batuhan sa gilid ng dagat.

Nakita kong magkaakbay silang naglalakad sa buhanginan. Akala ko pa naman, solo ko ang lugar at oras na ito!

And I was trying to shake my thoughts off and have a peaceful mind, tapos kung sino pa yung inaalis ko sa isipan ko, sila pa yung makikita ko!

Darn it!

Ang direksyong tinutungo nila ay papalayo sa pwesto ng pinagtataguan kong batuhan. Now, I can’t hear them!

It wasn’t my fault eavesdropping on them, but my curiosity wants to know what they’re talking about?!

And just where did they came from? What they just did lately?

They were talking so serious! I wanted to know what they’re talking but they’re just too far from where I am!

Then I saw Jaymark held her shoulders so they were face to face.  It’s as if he was explaining some serious issues!

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon