Confession 17

103 1 0
                                    

 

Alright!

Natapos ang madugong quizzes!

Pero syempre dahil hindi naman ako katalinuhan, hindi ko na-perfect ang mga quizzes ko! Asa pa?! Well, atleast hindi din naman ako bumagsak! I’m proud to say na naipasa ko naman lahat esp. yung sa major subject ko!

Kung pano ko naipasa ang mga quizzes ko, wag nyo na akong tanungin dahil hindi ko din alam kung baket?!

Ang buong akala ko nga babagsak ako!

Dahil walang ibang laman ang mataba kong utak kundi yung damdaming hindi ko maintidihan simula ng magsukob kami ni Myko sa jacket nya nung gabing umulan!

Pinuyat din ako ng isiping yon!

Buti na lang Saturday na at restday muna mula sa makabasag utak na classes! Hindi ko rin muna makikita ang salarin kung baket muntikan ko na ding hindi masagutan ang mga quizzes ko!

At ang tamang gawin ng isang mabait na kagaya ko ay mag-general cleaning ng aking kwarto sa araw na ‘to! Kaya sisimulan ko ng maglinis, mapapasabak ako neto!

“BESTYYYYYY!!!”

(O.O)!

Boses yun ng dalawang hitad!

“Pasok girls! Nasa kwarto si Eukie, maglilinis ata eh!”

Si Mama, bakit may ‘ata’ pa? Maglilinis naman talaga ‘ko noh?!

“Diretso na kami Tita ha?!” –Lana.

“Sige lang!”

“Thanks Tita!” –Crissie.

“BRUUUHHHAAA!!!”

Err…dapat sumisigaw?

“HOY! Wala kayo sa sabungan! Kung makasigaw wagasness?!”

“Tara lets!”

“Saan?” (o_O)?

Kumunot yung noo ko sa pag-aaya ni Crissie.

“Sa covered court!”

Umupo si Lana sa kama ko. Anong meron sa covered court?

“BAKET?”

“De manonood!”

“Ng…?”

“SABONG!” sarcastic na sagot ni Crissie!

“Malamang ng basketball! Ang tanga lang ng tanong besty!”

Natanga pa ako ni Lana!

“I’m busy! Schedule ng general cleaning ko!”

“Aww! Don’t you wanna know kung sino ang maglalaro ngayon doon?”

Tinaasan pa ako ng kilay ni Lana. Anong pake ko?!

“Michael Jordan? Kobe Bryant? O baka sina Sakuragi?”

Pang-aasar ko sa dalawang hitad! Ano bang pake ko kung sino ang maglalaro doon? Ang kelangan ko gawin ay maglinis! Kaya dapat na silang sumibat ng makapagsimula na ako! Wala pa nga akong nasisimulan, naiistorbo na agad ako!

“EEENNGGG!!! Wrong answer!”

Weh…gumaganon pa talaga si Crissie!

“Sino nga?”

“Sina Mahal, Dagul, at Mura –ARAY!”

Natawa ako ng batukan ni Lana si Crissie!

“Bachelor’s University! Yung school for the boys! Not just ‘boys’ kundi hot at fafables boys!”

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon