Confession 2

137 4 2
                                    

 

Hoy lupang may tiles, bumuka ka ngayon din!

WAAAAHHH! Mylo Acosta was staring with amusement on his eyes!

Sana lamunin na lang ako ng lupa! Pero nakakadismaya lang dahil kahit konting pagyanig senyales na bubuka ang lupa ay wala akong naramdaman!

“Hi!” umupo pa si Mylo patingkayad sa harap ko!

OH MY GAS!

 Ang cute ng ngiti niya!

Kung hindi lang sa nakakahiyang sitwasyon baka napanganga pa ako sa dashing smile na ginawa ng Mylo-loves ko. Sobrang nakakahiya at talagang inilapit pa niya ang mukha niya. Sa sobrang hiya ko isinubsob ko sa hita ni Myko ang pagmumukha ko para maitago! Because, for the first time in history, nag-blush ako!

“Hey! What do you think you’re doing you stupid thing!”

Winagwag pa talaga niya ang hita niya para palisin ako! Parang langaw ang tingin niya sa akin na dumapo sa hita niya!

“Hahaha! You’re making a very cute scene here bro!” ang ganda ng tawa ng Mylo-loves ko. Sa wakas tumayo rin siya.

“Pssh! Get this crazy stupid girl off me!”

Ang higpit talaga ng kapit ko sa hita ni Myko, pilit niyang tinatanggal ang mga braso ko sa pagkakayap sa hita niya pero hindi ako bibitaw!

Pusang lagalag naman, nandito na rin lang, napahiya na rin lang, lubusin na!

“NO!” I tighten even more my grip to his thigh. Siguradong parang tarsier na ang itsura ko! People were watching! This was embarrassing, indeed!

“This is insane! Get off me!” he was obviously pissed off!

“Hahaha! Take it easy bro!” Mylo was laughing hard.

“Eukie! Tama na yan! Nakakahiya kaya!” inawat na rin ako ng dalawang besty ko.

“I want the book!”

“Book?” –Mylo

“That book,” Sagot ni Lana sabay turo sa hawak na libro ni Myko.

“I see…” umupo na naman si Mylo-loves ko sa harap ko.

Naman weh! Wag mo na akong tingnan! Nakakahiya kaya! Isinubsob ko na naman ang mukha ko sa hita ni Myko.

“Darn it!” reklamo na naman ng damuhong Myko!

“Hi there! We’re already giving them a free show. My brother was really pissed off about being the center of attraction. Let go, masyado kang maganda para panoorin sa ganyang sitwasyon. Don’t worry I’ll see what I can do about the book.” Hinawakan pa niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

Ano daw? Ako maganda? Masyadong maganda? Nagagandahan si Mylo-loves ko sa akin?

WAAAHHH! Pwede na akong pumanaw!

Wait! Anong meron?

What’s there in his eyes para sundin ko agad ang sinabi niya? Basta ang alam ko hawak niya ang kamay ko at inalalayan ako tumayo. His hand in mine! Perfectly fit!

Kusa na lang kumalas ang mga braso kong nakapaikot sa hita ni Myko. Wala akong ibang tinitingnan kundi ang mukha niya lang na nakatingin sa akin. He was smiling genuinely and I was awe with the dashing smile he was giving me. Parang gusto kong huminto ang oras at magtitigan na lang kami.

“There’s no way I’m gonna give this book to her!” ah, shut up Myko!

“At least let them borrow it, bro.” it was Mylo still holding my hand. Wag mo nang bitawan para mo nang habag!

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon