*CRASH*
Nakarinig kami ng nabasag na kung ano.
“Oops, sorry! Dumulas eh…” Napatingin kaming lahat kay Mylo!
Nabitawan ni Mylo ang isang bote ng wine!
Lahat kami sa kanya lang nakatingin, walang nagsasalita. Ewan pero biglang ang awkward ng ambience!
“Okay lang yan. I’ll just get another one inside.”
Si Elyza ang unang bumasag ng awkward atmosphere, kaya ayun, lahat kami balik sa kanya-kanyang ginagawa.
“Akala ko ba busy ka sa SC?” –Coach Whendy.
“I am! Pero natapos ko na ang ilang trabaho. I just leave the rest to the other councils. I won’t miss this vacation.” Jaymark said.
“Hey dude! Tara sa room para maiayos mo na din ang gamit mo!”
Sinamahan ni Tristan si Jaymark sa room nila. Hindi ako psychic para mag-conclude na parang may hindi talaga tama!
Sino ba ang weird?
Ako ba o yung atmosphere dito sa Tagaytay?
Binalewala ko na nga lang yung mga odd something na napapansin ko. Siguro masyado lang naalog yung utak ko sa pagkakauntog kaya kung anu-ano ang napapansin ko sa kapaligiran!
Nagsimula na ang aming early dinner!
Wala akong masabi sa sarap ng mga pagkain! Lahat kami nagmukhang glutton lalo na sa mga seafoods na nakahain!
Nag-e-enjoy na nga sana ako kaya lang kasi nakakapag-init ng ulo yung natatanaw ko sa harap ko!
Si Elyza sinusubuan ng pagkain si Myko! At ang magaling kong boyfee, humaharot din naman! Lahat ng isubo ni Elyza, tinatanggap nya! (è__é)
Kung pwede nga lang sana magbuga ng apoy yung mga mata ko, malamang natupok na silang dalawa sa harap ko!
Tapos paglingon ko sa kanan, sina Jaymark at Coach Whendy nagsusubuan din?! (o__O)
At eto pa ang nakakaloka! Ang dalawang hitad may kani-kaniya ding sinusubuan?! Hindi lang isa o dalawa, halos lahat ng team sinubuan na ng dalawang hitad! (O__O)
Uso ba ang subuan?!
Ang tikas! Kalandian ng dalawa sagad sa panga! At super enjoy sila to the tenth power!
Asar! (=____=)
Kumuha na nga lang ako ng isang inihaw na pusit at kinagat ko ng walang pakundangan! Sa kawawang pusit ko na lang ibinuhos ang pagkaasar ko!
“Eukie…”
Napalingon ako sa katabi kong si Mylo habang ngumunguya ako ng makunat na pusit! Wala man lang ka-poise-poise yung pagnguya ko! As in bukas-sara ang bibig ko! Hindi uso saken ang ngumuya ng sarado ang bibig! (>__<)
“Hmmm?”
Nagulat na lang ako ng sapuhin nya yung mukha ko ng kamay nya. Napatigil tuloy ako sa pagnguya! Nanlaki bigla yung mga mata ko… (O____O)
Bigla kong nalunok yung pusit kasi naramdaman kong humaplos yung thumb nya sa may gilid ng labi ko. Unti-unting lumalapit yung mukha nya saken hanggang sa dumikit na yung pisngi nya sa pisngi ko tapos sabay bulong na…
“Lousy eater…”
“Umf…!” bumara yung pusit sa lalamunan ko!
Kung pwede lang lumobo yung ulo ko kasi naiipon ang hininga sa utak ko, malamang sumabog na ang ulo ko at nagkalat na ang matalinong utak ko sa lamesa!
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...