Gusto kong pagsisihan kung bakit ako napa-oo na i-treat sila ng lunch kapag sila ang nanalo! (T_T)
Nandito ang buong team ng Chevaliers sa bahay namin! Dahil sila nga ang nanalo laban sa Collin’s Academy! Buti na lang, always prepared si Mama kaya naman nakapagluto agad talaga sya ng specialty nyang kare-kare!
At ang guguo nila sa bahay! (>_<)
“Tita, this is so great! Super sarap!”
Nag-thumbs up pa si Echie kay Mama, at si Mama naman super proud sa kanyang cooking skills!
“Nako, ikaw na bata ka! Hindi ka lang maganda, honest ka pa!”
Akala talaga ni Mama, bakla si Echie! Naipaliwanag ko na pero napa-fascinate kasi si Mama sa kagandahang taglay ni Echie eh!
“Guys, di ba masarap naman talaga etong kare-kare ni Tita?”
“NAMAN!”
Namula ata yung mukha ni Mama sa sabay-sabay na pagsagot ng buong team! Masarap talaga magluto si Mama, the best ever! (^_^)
“Hoy ikaw? Bat hindi ka kumakain? Ayaw mo?”
Nakita kong tinaasan ni Mama ng kilay si Mylo, ang sungit ng pagkakasabi nya!
Ngumiti lang si Myo tapos nagsimula na din syang kumuha ng pagkain! Yung iba kasi nakakailang balik na!
Nasa tabi lang ako ni Trevor habang kumakain din, nagtataka lang ako bakit ang sama ng tingin ni Mama kay Mylo?!
“Hoy, seryoso ka ba talaga sa dalaga ko?”
EH?!
Tama ba yung narinig kong sinabi ni Mama? Napatigil tuloy ako sa pagsubo ng pagkain.
“P-po?!”
“MA! ANO BANG PINAGSASABI NYO?”
Asar! Yung buong team, napatigil din sa pagkain dahil sa sinabi ni Mama! Lahat sila kay Mama nakatingin! Nakakahiya talaga si Mama!!!
“Ano, seryoo ka ba? Di ba ikaw ang boyfriend ng anak ko?”
“H-ha?”
“MA KASE EH! SI MYLO YAN!”
“Di ba sya yung –”
“Ahahaha!!! Tita eto po yung boyfriend ng dalaga nyo!” sabay akbay ni Trevor sa katabing si Myko na super busy sa pagkain! “Si Mylo po yan kakambal nitong si Myko!”
Nabitin sa ere yung pagsubo ni Myko ng kare-kare! Bigla tuloy syang namula kasi lahat kami sa kanya nakatingin, parang wala syang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid nya! Masyado syang busy sa …pagkain?
“What?” taas ang kilay ni Myko!
“Waaaaaawww! Kambal!”
Ang OA ng reaction ni Mama! Kala mo first time lang makakita ng kambal! (=__=)
Itinuloy lang ni Myko ang pagkain, hindi naman halatang sarap na sarap sya sa luto ni Mama!
“Hey, Myko! Enjoy na enjoy tayo sa luto ng future mother-in-law mo ah!”
“Tss…hindi no?! Hindi kaya masarap! Walang lasa, ang tabang!”
“HOY LALAKE! NARINIG KO YUN!”
Psh…si Myko talaga!
“I’m just stating the fact! This is tasteless!”
“Ang sama ng ugali mong unggoy ka ah!”
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...