Confession 33

95 2 0
                                    

 

Eukie Laxamana:

Pinauna na ako ni Myko sa Starbucks, kasi nalimutan daw nya sa sasakyan nya yung wallet nya! Mukhang dapat ko na namang ihanda ang allowance ko. Delikado na naman sa kolokoy na yon!

Ayon sa text message ni Coach Whendy, sa Starbucks daw kami magmi-meeting! Tungkol saan kaya ang meeting namin? At bakit kaya kaming apat lang? Di ba dapat, buong team?

Ewan ko nga ba!

Habang papunta ako sa pinakamalapit na escalator, may naririnig akong banda na nagpe-perform sa groundfloor. Kaya naisipan ko munang silipin kung sino yung banda na yun.

Ang daming mga nanonood! Medyo siksikan pa nga at nagsisigawan yung ilan. Hindi na lang ako lumapit at pinanood ko na lang ang bandang nagpe-perform mula sa di kalayuan.

Lima silang lahat.

Apat na lalaki at isang babae na syang bokalista ng banda, mukhang pamilyar sila saken. Nakita ko na ang bandang ‘to eh! Pilit kong iniisip kung saan ko sila nakita hanggang sa kamutin ko na ang baba ko maalala ko lang!

Muli kong sinulyapan ang banda na nagpe-perform sa make-shift stage ng mall, ang bandang mukhang mga foreign! Kamukha sila ni Echie!

I mean, mukha silang mga Japanese!

Ang gugwapo nung apat na lalaki! Teka, hindi ko dapat palampasin ‘to kaya kinuha ko yung cell phone ko at kinuhanan ng video ang pagpe-perform nila!

At habang kinukuhanan ko ng video isa-isa ang mga myembro ng banda, biglang may nahagip ang cell phone ko sa mga audience. Doon ko tuloy nai-focus ang cell phone ko!

Huh?! (O__O)

Nakita ko yung isang lalaki, pasimpleng binubuksan yung bag nung babaeng super engrossed sa panonood ng banda at hindi namamalayang nadudukutan na!

Nung mabuksan na yung bag, nakita kong kinuha nung lalaking naka-red na Harvard t-shirt yung iPhone nung babae at…

(O____O)

Inilagay sa bulsa ng itim na jacket nung lalaking nanonood lang din ng banda!

Ah, eh…magkasabwat ba sila? (o_O)

Kuhang-kuha ng cell phone ko ang ginawa nung lalaki!

Samantalang yung naka-jacket naman parang walang alam na nanonood lang ng banda sa stage. Tapos dahan-dahang umalis yung lalaking naka-red na kumuha nung iPhone nung babae at lumipat ng pwesto.

“Guys, sing with us!”

Sigaw nung babaeng bokalista, kasalukuyan nilang kinakanta yung ‘Titanium’ na version ng Within Temptation.

You shoot me down, but I won’t fall, I am titanium…

Malakas na kanta ng lahat ng audience tapos nagpalakpakan pa, medyo nagkatulakan yung iba kaya nabangga nung lalaking naka-jacket yung  babae na dinukutan ng iPhone.

Biglang humarap sa gawi kung saan nandoon yung pwesto nung lalaking naka-jacket yung babaeng bokalista tapos iniharap sa kanila yung microphone para sila naman ang kumanta sa chorus!

Yung babae hinalungkat yung bag nya para siguro kunin yung iPhone at kunan ng picture yung bokalista ng banda pero malabong makita nya pa yung iPhone nya sa bag nya!

In-end ko na yung pagkuha ko video, bigla kasing nagkagulo sa audience kasi nagsisisigaw na yung babae na nawawala yung iPhone nya. Sakto naman na may lumapit na IC na guard kaya nilapitan sya.

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon