It was 5:16 am!
Parang hindi naman ako natulog! Pambihira naman!
At mulat na mulat na agad ang mga mata ko! Samantalang ang katabi kong si Coach Whendy ang himbing ng tulog at hindi nagigising kahit anong likot ko sa kama!
Sa kabilang kama kasi yung dalawang besty ko ang magkatabi, tapos kahit sa paghilik duet pa din sila?! (=___=)
Tumayo na lang ako at dumiretso sa banyo para maghilamos!
Pagharap ko sa salamin… (O__O)
Kitang-kita ang ebidensya ng pasaway kong mga mata dahil sa hindi mapigilang pag-iyak!
Buti na lang hindi naman sobrang pugto, medyo hindi din naman halata! Pagkatapos kong maghilamos lumabas ako ng kwarto at naglakad papuntang kusina para magtimpla ng kape.
Ang tahimik ng buong bahay at madilim pa sa labas. Tulog pa ang sangkatauhan! Mabuti na rin at ayoko rin namang makagising ng kahit na sino!
Kinapa ko yung switch ng ilaw sa kusina kasi ang dilim, nang makapa ko na ini-on ko sya at…
“UWAAAHHHH!!!”
Napasigaw ako ng tumambad sa akin ang isang nakakakilabot na nilalang! Buti na lang, agad ko ding naitakip yung kamay ko sa bibig ko!
Isang nilalang na may nakatalukbong na tela sa ulo pero kita ang mukha ang nasa harap ko! Mapula ang mga mata at maitim ang buong paligid, maputla ang kulay ng balat nya, may kagat-kagat syang…
SLICED CARROT?! (o__O)
MAY ZOMBIE BANG VEGETARIAN?! (=____=)
At nakasuot sya ng…
WHITE SANDO AND GRAY PAJAMA?! (O__o)
ANG HOT NAMAN NYANG ZOMBIE!
Teka! Kilala ko ‘toh ah!
“My-Myko?!”
Anak ng, si Myko lang pala!
Muntik na akong himatayin kasi akala ko kung sinong bangkay ang biglang nabuhay at naglakad na may nakapasak na carrot sa bibig!
“Roar-roar-roar-roar!”
(=________=)
Ano daw?! Alien talk?
“Hindi kita maintindihan!” pigil ang pagsinghal ko sa kanya.
Tinanggal nya yung nakasalpak sa bibig nya at tiningnan ako ng seryoso.
“Sabi ko bakit ka sumigaw? Nakakabulahaw ka ng natutulog!”
“Sinong hindi sisigaw bigla ka na lang lumitaw pagbukas ko ng ilaw! Tsaka, ano bang kaitsurahan yan?” hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagkainis ko!
“Kanina pa ako dito! Problema sa itsura ko?” kumagat ulit sya ng carrot.
“Mukha kang vegetariang Zombie!” angil ko sa kanya!
Pumasok na rin ako sa kusina at kumuha ng baso para makapagtimpla na ng kape. Tama bang itanong ko pa sa sarili ko kung bakit ako naiinis kaharap ang isang ‘to?
“Anong zombie pinagsasasabi mo dyan! Ako, mukhang zombie?” taas ang kilay nyang tanong.
Naglagay ako ng kape, asukal at creamer sa baso tapos sinalinan ko ng mainit na tubig. Tumingin ako kay Myko para tingnan ang itsura nya!
“Oo! Ang pula ng mga mata mo tapos nangingitim ang paligid! Ang putla mo din tapos nakatalukbong ka pa ng towel! Akala ko nga, daliri ng tao ang kagat-kagat mo eh!”
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...