Confession 47

45 0 0
                                    

 

Eukie Laxamana:

“HOY! TULOG MANTIKA! GISING NA!”

ARGH!

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko, pero nakapikit pa din ako at kakamot-kamot ng ulo! Bakit ba kasi nanggigising nang kay aga-aga itong si Crissie?!

Pero naman kasi, sobrang antok na antok pa ako! Ilang oras pa lang ang tulog ko eh!

Ibinagsak ko ulit ang katawan ko sa higaan! Antok pa talaga ako!

“Bahala ka nga d’yan! Maiwan ka mag-isa dito sa Tagaytay!”

Isang malakas na lagabog ng pinto ang narinig ko! Sa wakas lumabas na rin ng kwaro si Crissie!

Ano nga sabi nya? Maiwan ako dito?

Bigla tuloy akong napabangon! Oo nga pala, ngayon na kami uuwi! Hala! Dali-dali akong tumayo sa higaan at dire-diretso sa banyo!

Bitbit ko yung backpack ko, lahat sila naghihintay na sa labas! Nakakahiya naman!

“Dumating din ang prinsesa!” sinimangutan ko lang si Lana.

“Tayo na! Masyado ng late, aabutan na tayo ng traffic!”

Pagkasabi ni Coach Whendy, nagsakayan na ang buong team sa bus! Pero nanatili pa muna akong nakatayo, nakamasid lang ako habang sumasakay isa-isa ang lahat sa bus.

Napakunot-noo na lang ako kasi parang may hindi ako nakita.

“Sakay ka na.”

Napalingon ako sa nagsalita. Nakatingin sakin si Mylo at nakangiti habang nakasabit yung bag nya sa kaliwang balikat nya.

Bigla akong namula!

Naalala ko yung nangyari kagabi! Iniiwas ko tuloy yung tingin ko sa kanya, hindi rin ako makapagsalita!

Kase naman, bakit hindi pa sya nasakay sa bus?! Kaming dalawa na lang tuloy ang naiwan sa labas!

Nagulat na lang ako nung biglang may kumuha ng bag ko!

“Ako na ang magdadala ng bag mo. Tayo na!”

“A-ako na lang k-kaya!” nauutal tuloy ako!

Hindi pa din ako makatingin sa kanya! Kase naman eh! (>____<)

Lalo akong kinabog nung bigla akong inakbayan ni Mylo!

WAAAAHHHH!!!

“Hey! You’re stiff! Relax lang!”

Napatingin ako kay Mylo, siguradong kitang-kita nya kung gaano kapula yung mukha ko! Nakangiti sya saken, as if parang walang nangyari kagabi!

Ano nga ba ang nangyari kagabi?

Hala!

Ayoko nang maalala pa yon! Nakakahiya!

Sobra!

Napalunok pa ko nung kumindat sya saken! Anak ng tinapang hilaw! Ang cute nyang tingnan!

Pasakay na sana kami ng bus pero may naalala ako bigla! Parang may kulang, parang may hindi nakikita ang mga mata ko?!

“Sa-sandali lang.” inalis ni Mylo yung pagkakaakbay nya saken.

Tiningnan nya ako na parang hinihintay nya akong magsalita.

“Hi-hindi ko ata nakita si Myko? Tsaka si, si Elyza?” napalingon ako sa daan.

Hinahanap ko yung sasakyan ni Jaymark, pero wala akong nakita. Nagtataka akong napatingin kay Mylo.

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon