Confession 44

51 1 2
                                    

 

Eukie Laxamana:

Nagmamadali na akong lumabas ng kwarto nang makapagsuot na ako ng jacket. Hindi ko alam kung nasaan ba ang mga tao sa bahay, wala tuloy akong mapagbilinan na lalabas muna ako sandali.

“Hi Eukie!” nasalubong ko si Coach Whendy.

“Hi Coach!”

“You look like in a hurry, may pupuntahan ka?” she asked.

“Uhm…hinahanap ko si Elyza! Nakita mo ba sya?”

“I see. Nasa kitchen sya.”

“Thanks! Sige Coach, puntahan ko lang sya!” paalam ko.

Tumango lang sya tapos nagpatuloy na rin ako sa paglalakad papuntang kusina may kelangan akong hingiin kay Elyza eh!

Pagkarating ko ng kitchen, nakita ko si Elyza na may hinahanap sa ref.

“Uhm, Elyza…” tawag ko.

Lumingon naman sya saken, tapos tumaas ang isang kilay.

Ang taray!

“Yes?”

“Pwede bang humiram ng payong?” nagkamot ako ng batok.

“Over there, inside that cabinet.”

“Salamat!”

Pinuntahan ko yung cabinet na itinuro ni Elyza at kumuha ng isang payong.

Palabas na sana ako at babalikan ko sana si Coach Whendy para magbilin na lalabas muna ako sandali, pero tinawag ako ni Elyza kaya napalingon ako sa kanya.

“Where are you going?” she asked.

“Lalabas sana ako, may…may hahanapin lang.” I said hesitantly.

“There’s a heavy rain outside, why don’t you look for it tomorrow?”

Ahm… (o__O)

Was I hearing some concerns in her voice?!

“Oh geez, don’t get me wrong! I’m not worried about you, ‘kay?! It’s just that…err, you might wreck my umbrella with the heavy rain and strong wind?!”

Tinalikuran nya ako at may kung anong hinanap ulit sa ref!

Lucky umbrella!

Babayaran ko naman just in case masira ko nga! (=__=)

“Papalitan ko na lang kapag nasira.”

“Okay! What is it that you’re trying to look outside that can’t wait ‘til tomorrow?!” she once again asked.

“H-ha?! Ahm... A necklace.” Eto na yata ang pianakamatagal na conversation ko with Elyza!

“Geez! Just a necklace?!” sa tagal nyang naghahanap sa ref, mansanas lang pala?

Humarap ulit sya saken at kumagat sa mansanas.

Bakit bigla kong naalala si SNOWHITE?!

“It’s not JUST a necklace…I mean…”

Hindi ko matuloy yung sasabihin ko, bakit ba kelangan ko pang sabihin? Tumaas yung kilay nya tanda ng hinihintay nya ang karugtong ng sasabihin ko.

“I have to go. Pag hinanap ako nila Crissie at Lana, paki sabi na lang na lumabas ako sandali.”

Bigla syang napasimangot…

“WHATEVER?!” she said sarcastically.

* * *

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon