Confession 21

105 1 0
                                    

 

Andito ako sa kwarto ni Mylo, nakaupo sa silya sa gilid ng kama at nakatingin lang ako sa kanya habang natutulog.

Nasa bahay ako ng mga Acosta, hindi kami sa hospital tumuloy, dito na lang daw sa bahay sabi ni Myko.

Naalala ko yung itsura ng mukha ni Myko, yung pag-aalala sa mukha nya ng makita nya yung itsura ni Mylo habang nakahiga sa akin nung nasa gilid kami ng kalsada. Binuhat nya agad yung kapatid nya at isinakay sa sasakyan!

Hinaplos ko yung buhok ni Mylo, medyo madami syang pasa at may sugat din sya sa gilid ng labi at sa bandang kaliwang kilay.

Nagamot na ni Manang Mona yung mga sugat ni Mylo, wala kasi yung parents nila. Out of town daw sabi ni Myko ng magtanong ako dahil sa business. Kaya yung katulong lang nila ang umasikaso kay Mylo, pero tumulong din naman ako sa paggamot sa kanya.

“Hey, come here.”

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Myko, hinawakan nya yung kamay ko tapos niyaya nya akong lumabas.

“Pe-pero…”

“He’ll be fine.”

Ayokong iwan si Mylo, nangako akong hindi ko sya iiwan eh!

“Saan ba kasi tayo pupunta?”

Dinala nya ako sa sala, tapos kinuha nya yung phone sa cradle at inabot sa akin.

Err…anong gagawin ko?

“Eh…tatawag ba ako ng ambulansya?”

“Stupid girlfee! Call your mom and tell her you’re here!”

Oo nga pala! Hala! Nalimutan kong gabi na pala at hindi pa ako nakakabalik sa bahay! Malamang nag-aalala na si Mama!

Ang bilis ng pagkaka-dial ko ng number sa bahay!

“Ma!”

“IKAW NA BATA KA!” bigla kong nailayo sa tenga yung phone, sumisigaw si Mama!

“Ma, wag kang sumigaw!”

“HEH! PINABILI LANG KITA NG TAHO, HANGGANG NGAYON WALA KA PA?! SAANG LUPALOP KA NA NAGSUOT?!”

Nakakainis si Mama, durog na ang eardrums ko!

“Andito lang ako kina Myko –”

“ANOOOO?!”

Anak ng…babaan ko kaya ng phone si Mama?!

“ANONG GINAGAWA MO SA BAHAY NG BAKLANG YAN?”

Siguro narinig ni Myko yung sinabi ni Mama, bigla kasing nagsalubong yung kilay ni Myko eh. Ang lakas pa naman ng boses ni Mama!

“May emergency lang na nangyari! Tsaka Ma, hindi…hindi sya katulad ng iniisip mo!”

Napatingin ako kay Myko, hindi ko masabing hindi ‘bakla si Myko’ kasi baka gilitan ako ng taong ‘to sa tabi ko habang pinapanood akong makipag-usap kay Mama!

“UMUWI KA NANG BATA KA! PAG PATAK G 11 AT WALA KA PA, MAKUKUROT KO YANG MAITIM MONG SINGET!”

“HINDI MAITIM ANG SI–”

Buset naman si Mama! Muntik pa akong mapahiya sa sasabihin ko, buti na lang napigil ko pa yung pagsasalita ko! Nakakahiya kay Myko!

(n_n)

Ehehe…napangiti na lang ako kay Myko ng biglang tumaas yung kilay nya, halatang curious kung ano yung maitim na sinasabi ko…EEEWwwww!

FYI lang noh, hindi maitim ang…yon! Hindi yon maitim noh?! (T_T)

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon