Confession 25

103 2 0
                                    

 

Eukie Laxamana:

Ang weird ng mga tanong ni Myko sa akin kahapon. Saan ba nya yun hinugot?

Simpleng tanong na nakapagpakabog sa puso ko! Pano kasi, si Mylo yung nasa isip ko habang sinasagot yung tanong nya…

*flashback*

“What if…you’ll find out that the one you love didn’t love you back?”

Natigilan ako sa tanong nya, tapos dumaan si Mylo sa harap namin kaya napatingin ako sa kanya!

“K-kelangan ko bang sagutin y-yan?”

Tapos napakamot ako sa pisngi ko, kay Mylo pa din ako nakatingin, pero bigla namang hinawakan ni Myko yung baba ko at iniharap ako sa kanya!

“Yes.”

Nagkipag-eye to eye contact sya, medyo na-conscious nga ako eh!

“Ahm…ano kasi…s-syempre, syempre masasaktan ako. Masakit malaman na hindi kayang suklian ng taong mahal mo yung nararamdaman mo sa para kanya. Masakit yun dito…” sabay turo ko sa tapat ng puso ko.

“Pe-pero pinili ko kasing mahalin sya, at…at kung hindi man nya yun matugunan, hindi na nya kasalanan yun. Ako naman ang nagmahal eh, hindi naman nya sinabing mahalin ko sya. K-kaya siguro… I’ll just give up.”

“Pakakawalan mo sya?”

“Bakit ko naman pakakawalan ang isang taong…hindi naman naging akin?”

Bigla ko na namang sinulyapan si Mylo. Parang…para kasing…katulad lang ng nararamdaman ko sa kanya ang isinasagot ko sa mga tanong ni Myko.

“Pano kung sayo na sya?”

Nabigla ako sa tanong ni Myko kaya naman nilingon ko agad sya. Biglang kumabog yung puso ko. Bakit…bakit parang…

“I ah…I would still let him go…I can’t make him insist to love me when I know he can’t.”

Hindi ko alam pero parang ang bigat ng loob ko ng sagutin ko yung tanong ni Myko. Titig na titig ako sa mga mata nya.

“Psh! Ano ba yan boyfee ang seryoso naman natin! Okay, game na ulit!”

Nagpanggap na lang ako na hindi ko masyadong inintindi yung mga tanong nya kahit na ang totoo, parang pinabigat nun yung kalooban ko!

*end of flashback*

Naisip ko lang, ano nga ba kami ni Myko bukod sa pagiging mag-on namin? Hindi naman kasi naging kami kasi…

Kasi in love kami sa isa’t isa!

Una, nagkaroon lang ako ng malaking katangahan nung time na nag-confess ako, kasi nga akala ko sya si Mylo!

Pangalawa, feeling nya niligawan ko sya at sinagot naman nya ako at ginawang girlfriend kasi naapakan ko lang naman yung pride nya na ako pa ang nagtapat, at ginawan ko lang naman sya ng makapanaw malay na eksena! At ikinainis nya yun ng sobra!

At pangatlo, bukod sa pagiging mag-on namin at pagtatawagan ng baduy na endearment na ‘boyfee-girlfee thing’ na ewan kung saan sa universe nya napulot, eh hindi mo naman makikita sa amin ang kahulugan ng totoong  MAG-ON!

Oo nga minsan, ginagawan nya ako ng mga bagay na nakakapagpakilig sa akin, but I’m not even sure if he’s aware of that, mas madalas naman kasi nag-iiringan lang kami!

Hindi sya gentleman pagdating sa akin! (T_T)

And worst, ako ang tagabayad nya ng pagkain nya kapag nagyayaya syang kumain kami! (T_T)

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon