Confession 39

72 1 0
                                    

 

Myko Acosta:

The last time I’ve seen the sunrise here was a great one! But right now, it was awesome!

Sa araw-araw ba na sumisikat dito ang araw, iba-iba ang ganda? Bakit kakaiba sa paningin ko ang pagsikat ng araw ngayon?

Bigla kong nilingon ang katabi ko, titig na titig sya sa unti-unting pagsikat ng araw habang malapad na nakangiti.

Kitang-kita ko sa kanya ang kakaibang pagkamangha sa nasasaksihan, gusto ko din sanang tingnan ang pagsikat ng araw, but I can’t take my eyes off of her!

Wala akong ibang gustong tingan kundi yung mukha nya lang, beautiful as the sunrise!

“Ang ganda!” she said in a bit high note.

“Perfect.” I said while staring at her.

Bigla syang lumingon saken at ngumiti, tapos hinawakan nya ang baba ko at iniharap ako sa malawak na karagatan habang sumisikat ang araw!

“The sunrise!”

Sa pangalawang beses na narito ako sa Tagaytay, I once again witnessed how beautiful the sunrise is!

Nakatungtong kami sa malaking bato na nasa paligid ng dagat. Dito ko dinala si Eukie kasi mas magandang panoorin ang pagsikat ng araw sa pwestong ito.

Dito ko rin unang pinanood ang pagsikat ng araw nung unang punta ko dito sa Tagaytay! It was our team’s outing with our coach, Mr. Mckey!

Ang pag-iwas ko kay Eukie simula ng umalis kami at nagbyahe papunta dito, yun ay dahil gusto kong dumistansya muna sa kanya.

Hindi ko din alam ang eksaktong dahilan kung bakit bigla ko na lang naisipang gawin yon, I just want some space between us.

I just want to know what’s this odd feeling that disturbing me these past few days. It feels crap!

And I thought I could figure that out if I keep distant to her. Pero nakakainis lang kasi gustong-gusto ko na syang lapitan, gusto ko na syang kausapin!

Pero pinipigilan ko ang sarili kong gawin yon. And it feels frustrating!

And now, being with her and seeing her smiling makes me feel like smiling too.

“Kamusta ang tyan mo? Masakit pa ba?”

“H-ha?!”

Bigla syang napalingon saken na nakakunot ang noo.

“You said last night you have a stomach ache?”

“A-ah…yun ba? Okay na!” tumingin ulit sya sa araw na tuluyan ng sumikat!

Yung ngiti nya this time, nagbago na. She was looking straight to the sun while smiling, but the smile seems like lack of truthfulness.

She was smiling pero parang may lungkot na nakatago sa mga ngiting yon…

Eukie Laxamana:

Grabe!

Ngayon ko lang nakita na ganito kaganda ang pagsikat ng araw!

O ngayon ko lang na-appreciate?

Hindi ko alam, pero pinapangiti ako ng kakaibang tanawing nakikita ko ngayon. Isang bagay pa, dahil sa kasama ko si Myko habang pinapanood ang pagsikat ng araw!

“Kamusta ang tyan mo? Masakit pa ba?”

“H-ha?!” kunot-noo kong nilingon si Myko, hindi ko agad naintindihan ang tanong nya.

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon