Confession 13

110 1 0
                                    

 

Nakaupo kami ngayon ni Myko sa bakanteng silya dito sa loob ng Tom’s World. Napagod ata ang kolokoy, pero hindi maipinta ang mukha! Badtrip ata…naasar ba sya dun sa lalaki kanina? Nasindak naman nya eh!

“Hey! Look, ang dami ko ng tickets oh!”

Pinakita ko sa kanya yung mga na-collect kong tickets.

“Tss…”

Tiningnan nya lang yung tickets ko. Suplado naman nito!

“Asan na yung mga na-collect mong tickets? Kung marami na tara na dun sa counter, try natin kung mapapalitan nung Stitch stuff toy na bet mo!”

……………………….. (???)

Owkeeeyy…

He showed me again his very own style, brushing his hair upward using his fingers! Ang layo ng tingin nya, ni hindi pinansin yung sinabi ko, tapos nag-de kwatro sya. Biglang may nahulog sa bulsa ng pants nya, pinulot ko yung nahulog. Yung mga tickets!

“Err…bat ang konte naman ng tickets mo?”

“Give me that!”

Inagaw nya yung mga tickets sakin tapos isinilid nya ulit sa bulsa ng pants nya! Now I’m sure, Myko did blush!

“AHAHAHA! Lupet mo! Ang tagal mong nawala kakalaro tapos yan lang tickets mo? BWAHAHAHA!”

“SHUT UP!”

“AHAHAHA…ANG PULA NG MUKHA MO OH! AHAHAHA”

“I SAID SHUT UP!”

“AHAHAHA!!!”

Nakakatawa talaga sya! Nahihiya siguro sya kasi yun lang tickets na nakuha nya kaya sobrang pula ng mukha nya! Ang sarap nyang asarin!

“AHAHAHA!!!”

“I’M GOING TO KISS YOU HERE IF YOU DO NOT STOP LAUGHING!”

“AHAHA–” (o_O)

Napatigil tuloy ako sa pagtawa!

“Sabi ko nga amina yung tickets mo! Try natin palitan baka pede na yung dami ng tickets natin!”

Buset, seryoso ba sya dun! Effective ang ginawa nya para mapatigil ako sa pagtawa! Takot ko lang mahalikan! NOT AGAIN!

Binigay nya naman yung mga tickets nya, akala ko mag-aagawan pa kami ng tickets eh! Pero namumula pa din ang mukha nya! Ahahaha…ang cute ng kolokoy pag mukhang nahihiya!

Isang couple mug ang nakuha namin at hindi ang stufftoy na type ni Myko! Cute din naman yung mug eh, kaya lang ayaw naman ni Myko! Ang arte lang, kasalanan naman nya kung bakit hindi namin nakuha si Stitch! Ang konte kaya ng tickets nya!

Palabas na sana kami ng Tom’s World ng madaanan namin yung isang pachinko machine kung saan maghuhulog ka ng token tapos iga-grab ng parang kamay yung stufftoy. Hinila ko muna si Myko kasi di ba may tatlong tokens pa akong natitira?!

“Try natin to oh, may tatlong tokens pa ako. Si Stitch din naman yan di ba?”

“It was small.”

“Wag ng choosy! Pede na yan!”

Binigay ko yung isang token sa kanya. Ang arte naman talaga! Pero nilaro din naman nya, kaya lang may balat ata sya sa pwet! Kasi naman hindi man lang na-grab nung parang kamay si Stitch ng pindutin ni Myko yung go button!

Naisuklay na lang ulit ni Myko yung kamay nya sa buhok nya tanda ng pagkayamot! Binigay ko ulit yung isa pang token sa kanya.

Halos hindi kami pareho humihinga ni Myko ng pagkapindot nya ng go ay saktong sakto sa katawan ni Stitch yung pagkaka-grab nung parang kamay. Umangat na yung kamay kasama si Stitch! Papunta na yung kamay sa paghuhulugan ng stufftoy ng biglang…

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon