Confession 12

112 2 0
                                    

 

Eukie Laxamana:

Half day lang ang klase ko for today! It was cool kaya lang there was a bad news that our profs leave us. Starting Thursday daw ay magkakaroon kami ng quizzes! Asar di ba? I hate quizzes kasi it means reviewing!

At kapag nagre-review ako, pinagbabawalan ko ang sarili kong gumala, manood ng TV, magbasa ng mga favourite books ko at mag-surfing sa internet! Which is palagi kong ginagawa kapag wala akong exams or quizzes!

Nakapangalumbaba pa ako sa armchair ko habang hinihintay kong lumabas ang sangkatauhan sa loob ng classroom! Ang gugulo ng mga classmates ko pag-uwian na! Ang nakapagtatataka lang eh lahat ng mga classmates kong girls naiipon sa labas ng pinto ng classroom!

Anong meron?!

“Kyaaahhh!!! Ang cute nila!!!”

“Oh mi gosh! He winked on me!”

“Asa girl! He winked on me!”

“Pa-kiss naman!”

“EEeeehhh! Ang cute nila mag-smile!”

Ano bang commotions yun?! Ang lalandi ng mga classmates ko noh? Nakoh , makapag-pack up na nga! Mag-start na akong mag-review, tatambay muna ako sa library!

Asar! Siksikan naman sa pinto! Nag-ipon ba naman lahat ng mga classmate ko dito hindi tuloy ako makasingit para makalabas. Kelangan ko pa talagang siksikin ang mga nakaharang para lang makadaan ako…

“E-excuse me lang, makikisingit lang. Excuse me lang classmates. Ex–”

TUG!

“Aray!” Nabangga ako sa pader!

Hindi pala pader, katawan pala ng kung sino! Pag harap ko sa nabangga ko…

“Hey, just where do you think you’re going?”

“M-Mylo!”

Hindi lang si Mylo ang nandoon sa tapat ng pinto kaya nagkakagulo ang mga classmates ko! Ang buong team ng Chevaliers!

Ang OA! (^_^)

Hindi pala buong team! Sina Axl, Tristan, Echie. Mylo at Myko lang pala, with…teka may bago silang kasama na lalaki. Ngayon ko lang sya nakita!

“A-anong ginagawa nyo dito?”

“Hey Myko, ano daw ginagawa natin dito?” it was Axl.

“I-I don’t know! Why are we here in the first place?”

Parang hindi makatingin ng diretso si Myko, halatang asar na parang nahihiya.

“Psh…nahiya pa!” Nagsalita yung lalaking hindi ko kilala!

Napatingin ako sa kanya na salubong ang kilay, biglang tumingin yung lalaki sa akin tapos ngumiti.

HUWAW! Ang cute nya! May dimples sya sa magkabilang pisngi! (>_<)

“Hi! We haven’t met before. I’m Trevor Lee Delgado.”

He offered his hand, tapos nag-shakehands kami. Ang cute ng dimples nya!

“Mag-malling sana kami. Gusto ni Myko na isama ka namin, okay lang ba?” –Echie.

“Hindi daw sya sasama kapag hindi ka kasama.” –Tristan.

“Hey! What the eff are you saying?! She doesn’t need to go with us!” –Myko.

Yung mukha ni Myko halatang asar! Feeling ko nga hindi naman nya feel na isama ako. Anyways, mag-re-review ako kaya bawal muna akong gumala! Baka bumagsak pa ako sa quizzes kapag hindi ako nag-aral!

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon