Confession 1

165 4 3
                                    

 

“Ito lang ba talaga ang bookshelf para sa romance ng fiction section?” tanong ko sa dalawang besty ko na wala ding tigil sa pagkalkal sa mga libro sa mga bookshelves.

“Parang ito na nga besty, sa kabila ay puro bibles na,” nanlulumong sagot ni Crissie.

“Magtanong na lang kaya tayo sa saleslady kung may stock pa sila ng librong hinahanap natin,” maging si Lana ay sumuko na rin sa paghahanap.

Nasa National Bookstore kami ng mga kaibigan ko para hanapin ang book 3 ng librong sinusubaybayan namin. Ang alam namin ay iyon na ang last part kaya naman sumugod agad kami sa mall para hanapin ang libro.

Pero kahit ako ay nanlulumo na rin dahil sa pagkakaalam ko ay pang apat na mall na itong pinuntahan namin para lang mahanap ang librong iyon tapos wala din pala kaming mapapala.

“Ano ba kayo mga besty, andyan lang, yan hanapin lang natin,” hindi ako susuko hangga’t hindi ko nabibili ang librong iyon.

“Okay, isang round pa. Crissie, dito ka maghanap ako dun sa kabilang shelf at ikaw Eukie dun ka sa kabila,” sabay turo ni Lana sa section ng mga Anime Manga.

Sabay kaming tumango ni Crissie at pumunta na kami sa aming destinasyon.

“Nasaan ka na ba kasing libro ka?” (ō.ō)

Kinakausap ko na ang sarili ko habang kinakalkal ko ang bawat libro sa shelf. Ang isang bagay nga naman, kapag hinahanap, hindi makita. Wag mong hanapin ay bubulaga lang sa harap mo.

Wala din sa pinakababa kaya tumayo ako sa pagkakasalampak ko. Nakakangalay kaya ang umupo ng nakatiin lang, nangingimay na ang mga paa ko!

“Pag ikaw na libro ka nakita ko, yari ka sa akin,” tuloy pa rin ako sa pagmomonologue, ano ba kung may makarinig na nagsasalita ako mag-isa?

Inisa-isa na ng kamay ko ang bawat libro sa shelf pero wala talaga. Gusto nang sumuko ng kalooban ko. Kaya ng mabistahan ko na ang bawat sulok ng Manga section at hindi ko natagpuan ang libro ay sumuko na rin ako. Goodbye sa inyo mga libro…(T_T)

“Ooopps! Huli ka!” (O.O)

Dinampot ko agad ang isang pamilyar na libro!

WAAHHH!

I found it! Yey! \(^_^)/

Nakita ko rin ang librong hinahanap ko! Niyakap ko pa talaga siya! Ang saya-saya ko!

“Sinong makapagsasabi na dito lang pala kita makikita?” kinausap ko pa talaga ang libro.

Halos tawanan ko lang ang sarili ko dahil nakapatong lang siya sa mga librong pang bata!

“You’re mine now!” paalis na sana ako ng biglang may humablot ng libro sa aking kamay!

“That’s mine!”

“What the hell?!” (O.O)

Tatalakan ko na sana ang walang pakundangang biglang umagaw sa librong one hour, thirty-eight minutes and forty-four seconds ko ng hinahanap nang biglang bumulaga sa akin ang kanyang mukha!

Namfufu naman! Sa dami ng taong masisilayan ko bakit ikaw pa? (-.-)?

“Akin yan!”  sabi ko na lang sa lalaking salubong ang kilay sa akin.

“This’ already mine, binalikan ko lang.”

Iyon lang ang sinabi ng damuho at tinalikuran na ako!

Bago pa siya makalayo ay hinablot ko din ang libro sa kamay niya. But to my dismay, ang higpit ng pagkakahawak niya sa libro kaya hindi ko din naman nakuha. (T_T)

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon