“Nag…nagseselos ka ba?”
Bigla syang na-tense! Hala…
“Ba-bakit naman a-ako mag…seselos?”
Nakakatawa yung itsura nya! Tapos nauutal pa sya!
“Hindi ka nagseselos?”
“Sa isang bata?! NO WAY! Feeling mo naman patay na patay ako sayo just like that fat kid!”
Tss…napaka-straight forward lang! Hindi ako nakakibo dun ah!
“O sya sige na! Lumayas ka na!”
Bakit ba ako naasar sa sinabing yon ni Myko? Talaga namang hindi sya patay na patay saken! Hmp! Pero kainis talaga eh!
Pero hindi pa din sya nakilos sa kinatatayuan nya! May kelangan pa ba sya? Basta nakatitig lang sya, tapos bigla syang humakbang ng isa palapit saken!
(O.O)
Medyo napaatras naman ako, kaka-tense lang the way he was looking at me with so much intense!
“Goodbye kiss na kung maggu-goodbye kiss! Ang bagal!”
(O______O)
Napalingon ako sa nakabukas na pinto ng bahay namin, kung anu-ano pinagsasasabi ni Mama! Hanubayun? Tapos napalingon ulit ako kay Myko, para syang natatae na ewan habang nagkakamot ng batok!
Seryoso ba si Mama sa sinabi nya? Gustong mag-goodbye kiss ni Myko?
“Ki-kiss ka ba oh hinde? Sa pisngi lang ha?!”
“MA! ANO BA PINAGSASASABI NYO DYAN! UMAKYAT KA NA NGA!”
Asar lang talaga! Lalo tuloy akong na-tense!
Pakiramdam ko ang init ng magkabilang pisngi ko! Napakamot tuloy ako sa pisngi, tapos hinarap ko ulit si Myko para lang magulat!
(O.O)
At mapatingala kasi ang tangkad nya!
At super lapit nya sa akin na halos pakiramdam ko biglang sumikip sa paligid tapos parang biglang ang onte ng oxygen na nalalanghap ko!
Basta nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko magawang makapagsalita man lang, basta nakatingin lang ako sa kanya!
Yung mga mata nya saken lang din nakatingin, hindi ko malaman ang gagawin ko, gusto kong umatras kasi ang hirap huminga pero hindi naman ako makakilos tapos…
(ʘ.ʘ)
UHMF!
One second.
Two seconds..
Three seconds…
And so on, and so forth…
Ang alam ko basta na lang umikot sa bewang ko yung kaliwang braso ni Myko, tapos yung kanang kamay nya naman sumapo sa batok ko tapos kinabig nya ako at…
HINALIKAN NYA AKO SA LABI!!! (>_<)
Hindi ako sigurado kung hanggang ilang seconds lang ang itatagal ng halik na ito, basta ang lalong nagpalambot ng tuhod ko ay yung maramdaman kong bahagya nyang kinagat yung lower lip ko!
GAHD!!!
Ang lakas ng tibok ng puso ko, tapos yung tuhod ko parang gelatin lang na nanlalambot! Kaya nga hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pa ding tumayo, habang nakapikit at…at…
VRRROOOOOMMMM!!!
(O_O)
Bigla kong naidilat yung mga mata ko nang marinig ko yung ugong ng papalayong sasakyan!
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...