Confession 26

105 2 0
                                    

 

Eukie Laxamana:

Isang malupet at nakakawindang na three-points shot ang tumapos ng laban between Chevaliers and Bachelor’s University!

91/89 ang score in favour of…syempre ng team namin, Chevaliers! \(^_^)/

Gurabe lang ang sigawan sa loob ng Sport Complex nang mai-shoot ni Myko ang bola sa ring! Parang isang slow motion ang nangyari, pati paghinga ko, in slow motion din!

Sayang…sana nai-video ko yung tirang yun ni Myko! It was so cool and awesome!

Sa labas ko na lang hihintayin ang buong team. Malamang medyo matatagalan pa sila sa shower room! Dito ako dumaan sa back door ng Sport Complex.

“Ang yabang nung white no. 11! Wala syang ginawa kundi balyahin si Ken!”

Huh?! (O.O)?!

Nakita ko yung nagsalita nun, isa sya sa players ng Bachelor’s, at nakatambay sila sa malapit sa backdoor! Si Myko yung pinag-uusapan nila ah!

“Oo nga! That bastard! Feeling magaling, he’s a loser! Yung kambal nya pwede pa!”

Aba’t! Mga lokong ‘to ah! Si Myko, loser? Mga bitterness ‘tong mga unggoy na ‘to ah! Hindi matanggap na natalo sila!

Hindi nila ako napapansin kasi nasa likod nila ako!

“The jerk meant every brunt on Ken’s chest! No wonder last time na-fouled out sya! Siya ang kasiraan sa team nila! Barumbado sya maglaro!”

Sumosobra na sila ah!

“Madaya sya! Hindi –”

“HOY MGA UNGGOY!”

Napalingon sila sa akin ng sigawan ko sila!

“Sinong tinatawag mong unggoy ha?!”

“IKAW!”

“HAHAHA!!! Pare, unggoy ka daw!”

“IKAW DIN!”

Napatigil sa pagtawa yung matangkad tapos pareho silang tumingin ng masama sa akin!

“Sino ka para tawaging unggoy ang mga gwapong nilalang na kagaya namin?”

Aww…nagawa pa nilang purihin ang sarili! (x_x)

“Sino rin kayo para sabihan ng kung anu-ano si Myko?”

Boyfee ko yung nilalait nyo, mga unggoy!!! (>_<)

“Epal ka ah, pakelam mo ba ha?! Totoo namang madaya yung Myko na yun! Nagmamagaling masyado, barumbado naman maglaro!”

“Sino ka ba?”

Lumapit yung matangkad, uwaaahhh! (>,<)

Ang tangkad! Sya yung naka-jersey no.3! Tapos sumunod pa yung isa na may bigote feeling Mr. Suave! Sya yung naka-jersey no.16!

Pero hindi ako pasisindak! Bilang acting coach ng Chevaliers, dapat ko sila ipagtanggol sa mga bitter na unggoy na mga ‘to!

“Ako lang naman ang acting coach ng nilalait nyo! Please lang noh, be a sport mga unggoy! Kung talo kayo, tanggapin nyo yun ng maluwag sa kalooban! Hindi yung manlalait kayo!” pinamewangan ko nga sila!

Hinawakan ako ni Mr. Suave sa braso bago ako isinandal sa pader!

“Sumosobra ka nang babae ka! Isa pang tawag ng unggoy, hahalikan kita!”

Uwaaahhh…natakot ako dun! Tapos lumapit pa yung isa sabay haplos sa pisngi ko!

Pusang gala! (è_é)

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon