Confession 20

113 2 0
                                    

 

Eukie Laxamana:

Tss…

Si Mama talaga, sinumpong na naman ng paglilihi! Utusan daw ba akong bumuli ng TAHO sa ganitong oras ng gabi?

Tss…

Alas otso y medya na ng gabi tapos maghahanap ng TAHO? Buti sana kung BALOT! Asar! Dapat nasa kwarto na ako ng ganitong oras at nagpapakapuyat mag-internet surfing!

Nakakatawa lang dahil nakabili naman ako ng taho! Sa isang grocery store, flavoured taho pa! Ahaha!

Ang sosyal na ng taho ngayon! Lume-level up na din! Ano kayang lasa neto?  Chocolate and strawberry flavour ang binili ko eh! Mas prefer ko pa din kasi ang original taho, yung nilalagyan lang ng tinunaw na asukal at maliliit na sago sa ibabaw!

Ang boring naman maglakad mag-isa! May ilan-ilan din namang tao pa akong nasasalubong dito sa kalasada. Walking distance din lang naman sa bahay yung store na binilihan ko ng level up taho ni Mama, mga 20 minutes na lakarin!

Pede din naman akong sumakay pero, parang feel kong maglakad ngayong gabi. Maganda ang kalangitan puno ng mga stars! Full moon pa kaya maliwanag ang daan.

“Hey mom, why didn’t you tell me…”

Hindi ko alam pero biglang feel ko din kumanta. Wala akong talent sa pagkanta pero, ako lang naman mag-isa eh, kaya sige, banat Eukie! =,p

“Why didn’t you teach me a thing or two…”

Kumakanta ako habang nakatingala, baka sakaling may dumaang bulalakaw.

“You just let me go, out into the world. You never thought to share what you knew…”

Grabe, bilog na bilog ang buwan! Ano kaya kung may lumipad sa paligid nitong…aswang?! Ahaha…!

“So I walked under a bus, I got hit by a train. Keep falling in love, which is kinda the same. I’m some kind it see, crashed my car, gone insane. And it felt so good. I wanna do it again…”

Parang nakikita ko yung mukha ni Myko sa buwan ah…labo naman!

“Hey mom, why didn’t you –”

Napatigil ako sa pagkanta at paglalakad ng may marinig akong naglalakad sa likuran ko. Uhm…paglingon ko isang lalaki yung nakita kong pasuray-suray maglakad habang nakayuko, tumigil sya sagalit sa paglalakad tapos lumapit sa poste ng ilaw tapos sumandal.

Tss…

Lasing siguro!

Nakita ko syang napaupo pasubsob. Hindi ko alam kung bakit dapat kong panoorin yung lalaking mukhang lasing. Mamaya neto, pag-tripan pa ko ng lasing na ‘to eh.

Aalis na sana ako pero biglang tumingala yung lalaki at tinamaan ng ilaw sa poste ang mukha nya at…

(O.O)

MYLO???

(-.-) (O.O)!

Pumikit ako ng mariin tapos dumilat ulit ako!

SI MYLO NGA!!!

At…at…duguan ang mukha nya! Bigla akong napatakbo palapit sa kanya!

“M-Mylo…anong nangyari sayo?” lumuhod ako para magpantay ang mukha naming, nakapikit sya ng mariin!

Medyo nataranta ako ng makita kong umaagos ang dugo sa putok nyang labi tapos puro pasa ang mukha nya! Anong nangyari sa kanya? Bakit parang nakipag-away sya? Wala naman kasi sa itsura ni Mylo ang nakikipagbasag-ulo!

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon