Confession 35

83 2 0
                                    

 

Lahat kami excited!

Ang buong Chevaliers ay nandito ngayon sa loob ng gym! All things packed up at…

Hindi ko alam kung sino pa ang hinihintay namin samantalang kumpleto na kami lahat! Ang buong team, si Elyza na syang guide namin papunta sa rest house nila, si Coach Whendy at ako!

Sino pa ba ang…

“GOOD EARLY MORNING GUYS!”

(O___O)

Ba-ba-baket nandito ang dalawang hitad?!

“You’re 10 minutes late!” sabi ni Elyza na nakasimangot!

“So?” sabi ni Crissie.

“KYAAAAHHH!!! We’re so eksyted!”

Sigaw ni Lana sabay yakap saken! Tapos sinugod din ako ng yakap ni Crissie at pinanggigilan nila akong dalawa!

“ACK!” (>___<)

Wagas sa yakap! Parang wala silang balak na bitawan ako hangga’t may hininga pa ako!

“Okay guys! Tama na yan! Kumpleto na tayo so we better get going! Baka abutan pa tayo ng traffic!” sigaw ni Coach Whendy!

Salamat naman at binitawan na ako ng dalawang hitad!

“Anong ginagawa nyo dito? Bakit kasama din kayo?” bulong ko sa dalawa.

“Kaloka ka! Buti pa si Coach Whendy ininvite kami! Ikaw na kaibigan namin hindi man lang kami ini-invite!” tinarayan ako ni Crissie!

“Psensya naman! Malay ko bang pwede pala mag-tag-a-long!”

“Paliwanag ka pa! Hagis ka namin sa Mt. Everest pagdating sa Tagaytay!” –Lana.

EH?!

“Baka Taal?!”

Hinigit ni Lana ang bangs ko!

“Wadeber?!”

Napailing na lang ako! Pero ang saya-saya kasi kasama ang dalawang besty ko! Hindi ko naman din kasi talaga alam na pwede pa lang magsama!

Muntikan pa nga akong hindi payagan ni Mama na sumama kung hindi lang dahil kay Coach Whendy. Personal nya kasi akong ipinagpaalam kay Mama eh!

Pero bago naman ako makaalis kanina sa bahay, sandamakmak na bilin ang natanggap ko kay Mama! Tss… Ang mga mother talaga?! (^_^)

Isang Shuttle Bus ang sinakyan naming lahat para magkakasama kami!

“Tabi tayo Myko!”

Napataas ang kilay ko ng marinig ko yun! Kapapasok ko pa lang sa loob ng bus! Pero alam ko namang tatanggi si Myko at sasabihin nyang ako ang gusto nyang makatabi!

“Sure!”

(O__O)

WTF?!

Tinulungan pa nya si Elyza na ilagay ang gamit nito sa lagayan ng mga luggage sa bandang itaas lang ng upuan! Tapos umupo na si Elyza with a big smile!

Habang naglalakad ako papasok, nakatingin saken si Elyza ng nakakaasar! Pero nag-smile lang ako sa kanya para hindi nya mahalata na naasar ako!

Naghahanap ako ng mauupuan ng biglang hilahin ni Mylo ang kamay ko!

“Tabi tayo?!”

“S-sure!”

Kay Mylo ako tumabi! Kaya lang katapat lang sya ng inuupuan nila Elyza at Myko! Hmp! Bakit ko ba sila iintindihin?!

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon