Confession 37

70 2 0
                                    

 

“Okay ang next word ay…EUKIE!”

(O______O)

ERR…

Nilingon ko si Mylo habang nakataas ang isang kilay ko! Pero sinalubong nya lang ng ngiti ang nagtatanong kong mukha sabay kindat!

Nagsimula nang bumilang si Mylo.

“One, two, three!”

“EEEUUUUKKKIIIEEEEEEEEEE…!!!”

Sabay-sabay naming sigaw!

Parang sasabog na ang baga ko sa pagpipigil na huminto, pero talagang walang gustong sumuko! Walang nahinto sa pagpapahaba ng word, pwede na talaga akong mawalan ng ulirat!

Sa tingin ko inabot kami ng isang oras! (o___O)

Syempre joke lang yun!

As if naman kaya naming hindi huminga sa loob ng isang oras! Pero malapit na talaga akong mapahinto kasi hindi –

“Eeeeerrr…UBO-UBO!”

(O______O)

Si-si Myko! NASAMID!!!

Nagpalakpakan ang lahat ng biglang masamid si Myko at napahinto dahil sa sunod-sunod na pag-ubo!

“Ahahaha! Akala ko mamamatay kami sa kapipigil sa paghinga! Salamat kay Myko!” sabi ni Trevor!

Lahat kami napahinga ng malalim para mapasukan naman ng oxygen ang mga baga namin! Akala ko papanawan na talaga ako ng malay eh!

Okay, anong kanta Myko?” tanong ni Trevor.

“Dedications muna handsome!” sigaw naman ni Echie sabay kindat saken!

Nag-pout lang ako kay Echie.

Napalingon ako kay Myko nang bigla syang napakamot ng batok tapos sabay suklay ng buhok gamit yung kamay nya!

Hindi na talaga nawala sa kanya ang mannerism na yon!

“Wala akong kantang maisip eh!” sabi ni Myko.

“Hala! Hindi pwede yan! Kelangan haranahin mo kami!” banat naman ni Lana!

“Oo nga!” epal naman ni Crissie!

“Ako na bahala pare!”

Pagkasabi ni Trevor nun, nagsimula na syang mag-strum ng gitara. Intro pa lang pamilyar na saken yung kanta.

“Okay! Dedications muna!” Sigaw ni Tristan.

“Kelangan pa ba yon?” nakasimangot na tanong ni Myko.

“Hey, can you dedicate the song for me? Please, please…”

Napataas yung kilay ko sa sinabi ni Elyza! Nakahawak pa sya sa braso ni Myko while puppy eyeing on him!

Nakakaasar lang! Batuhin ko na kaya sila ng baga?

“At baket naman sayo? Ikaw ba girlfriend?”

Napangiti ako sa sinabi ni Crissie! Kahit kelan talaga, intrimitida ang hitad!

“Ang sabi, pwedeng i-dedicate ang kanta sa special na tao. Hindi naman girlfriend lang ang special di ba?” Nasopla si Crissie don!

“Hey guys, cut it out! Wag na magtalo! Hayaan nating si Myko na ang magsabi kung kanino nya ide-dedicate ang kanta nya.” Sabi naman ni Jaymark.

“Oo nga.” –Coach Whendy.

Lahat kami napatingin kay Myko. Hinihintay namin syang magsalita kung kanino nya gustong i-dedicate ang kanta.

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon