Confession 8

109 2 0
                                    

 

Ang labo.

Ang labo naman talaga!

Ginabi na naman ako sa pag-re-research sa library. Lowbat ang magaling kong cellphone kaya wala akong contact sa dalawang hitad kong besty! Nasaan na kaya ang dalawang yun?

Naibulsa ko tuloy yung kanang kamay ko, may nakapa ako.

Sheesh!

Ang dyes sentimo at singkong butas na binigay ng pasaway na si Myko!

Talaga bang nakipag-date ako sa kolokoy na yon? Erase natin ang word na ‘date’ dahil lunch out lang yun! Tama ba namang ako ang pagbayarin ng kinain namin?

Psh!

Seryoso ba ang tadhana na ligaligin ang mundo ko? Kay Mylo ako dapat nagtapat at hindi sa Myko na yun! Pero bakit si Myko ang boyfriend ko ngayon?

BAKEETTT?! (T_T)

Biglang dumaan si manong janitor sa harap ko, may dala siyang lubid ay supot ng kalat.

“Manong sandali!”

Tinawag ko si manong janitor, huminto naman siya sa paglalakad kaya nilapitan ko sya kagad.

“Manong pede akin na lang po yang lubid?”

“Ha? Ano namang gagawin mo dito iha?” Ano nga ba? Wala lang…=,p

“Gagawin ko lang pong sampayan sa bahay namin.”

 Alanganin ang tingin ni manong, halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

“Dali na manong, akin na lang yan!”

“Baka naman ikalat mo lang din ulit sa kung saan, hindi naman mukhang sampayan ang balak mo dito eh.”

Masyadong mausisa si manong!

“Hindi promise!”

Lakad na naman ako habang hawak ko ang lubid na hiningi ko kay manong janitor. Ano nga bang magandang gawin sa lubid na ‘to?

Ah! Itali ko kaya sa leeg ni Myko at isoga ko syang parang kalabaw sa open area ng university? Ahahaha! Nakakatuwa siguro ang itsura nun habang may kain-kain na damo! (^__^)

Napatigil ako sa paglalakad ng mapatapat ako sa gym. Sarado ang pinto, tapos na siguro ang practice ng Chevaliers. Pero maaga pa naman ah? Baka wala silang practice ngayon.

Ipinapaalala ng lugar na ‘to ang katangahang ginawa ko! Naman kasi!

Ehem…feel kong mag-monologue! (-.-)o

“Hoy! Ikaw na pintong sarado, bakit hindi ka man lang nagsalita na ibang tao pala ang – EREY KE!!!”

Anak naman ng kambing…May pumisil ng magkabilang pisngi ko mula sa likuran!

“Sene ke be? Betewen me nge pesnge ke! Nesesekten eke! Erey!!!”

Hindi ako makalingon dahil piga-piga pa rin ng kung sino mang walang magawa sa buhay ang pisngi ko! Pati hindi pa ako makapagsalita ng maayos! Naintindihan naman kaya nya ang sinabi ko eh puro ‘e’ lang ang vowel sa words ko?

“Baliw lang ang kumakausap sa saradong pinto!”

Pag harap ko sa pamilyar na may ari ng boses bigla naman niyang pinisil ang ilong ko!

“ANGAY!!!” o(>.<)o

“AHAHA! Ngongo!”

“Nakakaasar ka naman, Mylo! Ang sakit nun ah!”

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon