Confession 10

109 1 0
                                    

 

Ayos! Three pa lang ng hapon pero wala na akong klase. Wala kasi yung teacher namin sa last subject ko. Nakakatuwa naman! Kaya lang hindi ako masyado makapagsaya, ang dalawa kong besty ay may klase pa! Wala pa akong kasama!

Andito ako ngayon sa locker room para ilagay yung ilang gamit ko na hindi ko naman inuuwi sa bahay, pagbukas ko ng locker ko nakita ko yung malaking paper bag. Halos na-occupy na nito ang buong space ng locker ko, kaya inilabas ko na lang.

Sapatos lang naman ng mayabang na Myko ang laman nito. Pagkauwi ko kasi sa bahay nung makalawa after kong makita ‘to sa basurahan, nilabahan ko na agad sya. Balak ko sanang isoli pero wala naman akong pagkakataon.

Siguro…siguro dahil din sa hindi pa ako ready makaharap sya. Two days ago na rin naman yun at medyo thankful din naman ako na hindi ko sya nakikita sa school, hindi rin muna ako nasama kina Lana at Crissie sa panonood ng practice ng Chevaliers. Kung anu-anong dahilan lang naman sinasabi ko sa kanila na tinatanggap naman ng dalawang hitad!

Hindi na rin naman masama ang loob ko. Ganon naman ako, madali ako makalimot sa sama ng loob, hindi ko na rin naman masyado dinidibdib yung mga sinabi ni Myko sa akin, naiintindihan ko rin naman sya. Nakakaasar lang talaga na maapakan ka ng may uu di ba?

“Eukie, right?”

Nagulat naman ako sa nagsalita! Nag-e-emote ang tao eh!

“Coach Whendy!”

Si Coach Whendy pala! Ang cute nya talaga! Tapos ang puti-puti pa nya! Kakahiyang tumabi…hindi naman ako negra pero kasi ang ganda ng kutis nya eh!

“Hindi ata kita nakikita ngayon sa practice?”

 “H-ha?! A-ano kasi…medyo b-busy lang sa, sa mga quizzes…hehe.”

“Myko need some cheers from you, besides, you’re his girlfriend in the first place. Have an LQ?”

“H-ha?!”

Napahigpit tuloy ang kapit ko sa paper bag. Nakakapagtaka pa ba yun? Malamang alam nya din yung nangyari sa open field.

“Because of that shoes?”

“Ha?!”

“Myko really liked the shoes. He was saving some of his allowances just to have that. When he want something, talagang pinag-iipunan nya. Super sa kuripot yan pag nagtitipid!”

Kaya pala ako ang pinagbayad nya nung nag-luch out kami! (T_T)

“Whatever he said to you, he really never meant it. You should see him in the practice. He was out of his focus. Guilt was all over his face! Lahat ng team mate nya binalya na nya!”

“Ha?!”

“Stop saying ‘ha?!’ See you later, sa practice. Six pm, sharp!”

Pagkatapos kunin ni Coach Whendy yung stainless whistle sa locker nya, umalis na din sya at naiwan ako sa locker room. Then I pouted my lips while staring to the shoes.

Sige isosoli ko na sa kanya ang sapatos, para na rin makapag-sorry ako ng ayos. Teka nga pala, bakit naman magiging out of focus si Myko sa practice? Saan naman nanggling ang guilt na sinasabi ni Coach Whendy?

Tik.

Tok.

Tik.

Tok.

Nasa locker room pa rin ako. Dito na ako inabot ng uwian ng ilang estudyante, nakaupo lang ako sa sahig habang nakasandal sa ibang locker. Na-receive ko din ang text ng dalawang besty ko saying na manonood sila ng practice ng Chevaliers.

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon