Mylo Acosta:
“HOLLY SHEES!!!” (O_____O)
“What?!” he hissed!
Muntikan pa akong mapatalon sa takot ng pagbukas ko ng pinto ay isang nilalang na nakatalukbong ng kumot na puti ang nakita kong nakatayo sa ibabaw ng kama!
Nililipad pa ng hangin yung laylayan ng kumot kasi bukas yung bintana.
Geez! Si Myko lang pala!
“Why are you wrapped with blanket?” I asked.
“M-mind you own b-business!” he stuttered.
Anong problema nito? Ang suplado masyado!
“C-close the window.” He commanded.
Napakunot-noo na lang ako, pero isinara ko na rin ang bintana. Medyo malakas ang hangin sa labas at napasok ang ulan sa loob.
Paglingon ko kay Myko nakaupo na sya sa kama at balot na balot pa din ng kumot at namamaluktot, mukha nya lang ang nakalabas.
He was trembling, I guess!
“It’s so f*ckin cold!” he cuss.
Lumapit ako sa kanya at idinampi ko yung likod ng kamay ko sa noo nya. Pero tinapik nya lang ang kamay ko!
For a twin, ang sweet namin sa isa’t isa di ba?!
“What are you doing?!” he said irritably!
“For a sick person, nakukuha mo pang magsuplado!”
“What?! I’m not s-sick!” tapos sunod-sunod ang pag-ubo nya.
Yeah right!
“Not sick, huh?!” I said in sarcastic.
“Leave me alone!”
Humiga sya patalikod at nagtalukbong ng kumot! Panay ang ubo nya!
Tss…
Napakasuplado!
Kanino kaya nagmana ‘to?!
Hindi naman ako kasing suplado nya! Paano kaya napagtyagaan ni Eukie ang kakambal kong ito?!
Biglang may kumatok sa pinto, pagbukas ko bumungad sa akin sina Lana at Crissie.
“Yes?” tanong ko.
“Nakita mo ba si Eukie?” tanong sakin ni Crissie.
“Hindi. Bakit?”
“Kanina pa kasi namin sya hinahanap para makapag-empake na kami ng gamit kaya lang hindi namin sya makita. Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Anong oras na eh!” himutok ni Lana.
Napatingin ako sa relo sa braso ko, 5:52 pm!
Oo nga pala!
Kelangan nang mag-pack up kasi uuwi na last day and last night na namin dito sa Tagaytay at bukas paluwas na ulit kami pauwi.
“Ahm..sige Mylo, hanapin lang namin si Eukie ha?! Tara na Crissie –”
“Hinahanap nyo si Eukie?”
Bigla akong napatingin sa nagsalita, si Whendy!
“Oo eh! Nakita mo ba sya Coach Whendy?” tanong Lana.
Sumulyap muna saken si Whendy bago tumingin ulit kay Lana.
“Kanina nasalubong ko sya, may hinahanap yata sya eh!” sabi ni Whendy.
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...