Magkaharap na naman ang kambal! Hindi ko alam pero feeling ko kakaiba ang laro ni Myko! Tuwing mapupunta kay Mylo ang bola, si Myko ang magbabantay, tulad ngayon! Na kay Mylo ang bola at ang tindi ng depensang ginagawa ni Myko. Hindi makalusot si Mylo dahil sa sobrang pagbabantay na ginagawa ng kambal nya!
Umatras bahagya si Mylo sabay patalbog ng bola, sinubukan ni Myko na ma-steal ang bola pero nabigo sya kaya pintalbog ni Mylo ang bola papunta sa kanan, nang makalusot si Mylo sa depensa ni Myko, isang hard drive ang ginawa ni Mylo. Pero nasundan pa din sya ni Myko, tumalon si Mylo para sa isang jump shot, tumalon din si Myko para supalpalin ang tira ni Mylo. Nagulat na lang si Myko na isa palang fake yun, ipinasa ni Mylo ang bola kay Trevor at isang nakakawindang na slam dunk ang yumanig sa buong gym!
“EEEEKKKK! Ang galing mo Mylo! Nice pass! HALABYU!”
“KYAAAAAHHHHH!!! ONE MORE DUNK PAPA TREVOR AND I’LL MARRY YOU!”
WHOA?! (o_O)
Ang dami na palang tao sa gym! Grabe hindi ko man lang napansin na halos mapuno na ang gym sa dami ng nanonood! Mostly girls! At naririndi ako sa tilian nila!
Ang lupet ng game! Kahit ako kapag na kay Mylo o kay Myko ang bola, pakiramdam ko hindi ako humihinga hangga’t hindi nakaka-shoot ang isa sa kanila! At maloloka ako kung sino sa dalawang kambal ang dapat suportahan ko!
Si Mylo-loves ko ba o ang boyfee kong hindi ako tinatapunan kahit isang sulyap lang simula ng mag-start ang game?! Problema nya?
Pumito si Coach Whendy, fifteen minutes time-out. Ang score 26 sa team nina Mylo at 29 sa team nina Myko.
Kanya-kanya silang punta ng bench. Ahm…saang bench ako lilingon? Actually andito lang ako nakatayo sa gilid ng mismong court napapagitnaan ng dalawang bench kung saan nakaupo ang dalawang team katabi ko si Coach Whendy.
Pinili kong lingunin sina Mylo, tutal hindi naman ako pinapansin ni Myko eh! Kahit nga isang sulyap hindi ako matapunan! Grrr…umandar na naman ang pagka-snob!
“Nice play Mylo!” (n_n)
“Thanks! Kaya lang lamang pa din sila eh!”
Nagpupunas si Mylo ng pawis gamit yung towel nya, ahm, pede bang ako na lang magpunas? Masyado ba akong manyak? Hindi naman sigro, hindi nya kase abot yung likuran nya na basang-basa na din ng pawis! Concern lang…
“Kaya pang habu–”
“Hey girlfee!”
Huh?! (o.O)
Myko called me! Nilingon ko sya tapos nakita kong seryoso ang tingin nya sa akin. Basang-basa ng pawis ang buong mukha nya! Di ba…di ba dapat kapag sobrang pawisan ka na…dapat mukhang yuckee na ang itsura mo? Dapat mukhang mabaho ka na!
Pero baket si Myko ang gwapo pa rin at mukhang…FRESH ang dating kahit halos naliligo na sa pawis?! Mukha nga lang syang bagong shower tapos…
HOLLY SHEESH!
He did it again! Sinuklay nya ng kamay nya ang buhok nyang basa na din ng pawis! Tapos dahan-dahang nahuhulog yung ilang hibla ng buhok nya pabalik sa mukha nya at…KYAAAHHH!!! o(>_<)o
“HANDSOME ang perfect word para sa ganyang itsura! Here, be a responsible GIRLFEE!”
Inabot ni Echie ang towel sa akin sabay tulak papalapit kay Myko! Anak ng baklang tinapa etong si Echie! Kung makatulak naman eh! Sana inginudngod na lang nya ako!
Pagharap ko kay Myko, seryoso lang syang nakatingin sa akin! Ano bang problema kase neto?! Nawiwindang ang kaluluwa ko sa tingin nya eh! Tapos samahan mo pa ng gwapong pagmumukha, pag hindi naman talaga ako mawalan ng malay neto?!
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomantikKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...