Confession 29

91 1 0
                                    

 

Eukie Laxamana:

Eto na ang pang-apat na laban ng Chevaliers na hindi ipinasok ni Coach Whendy sina Mylo at Myko!

Sa kadahilanang punishment ito dahil sa trouble na kinasangkutan nila with the Bachelor’s University, na kasalanan ko naman talaga! (T_T)

Relax lang si Myko kahit na hindi sila pinaglalaro ni Coach Whendy. May pagkatamad kasi ‘to, while si Mylo naman mukhang nagtitimpi ng inis!

So far, napataob na ng Chevaliers ang Collin’s Academy, ang Bachelor’s University, tapos last week natalo din nila ang Western University at ngayon naman kalaban nila ang Libby’s University!

Anim na University ang maglalaban-laban including Elite University! Wala pang talo ang Elite University and feeling ko naman, kayang-kayang talunin ng Chevaliers ang Libby’s.

At feeling ko din magkakaharap na naman ang mortal rival ng Chevaliers, ang Jameson Academy, since wala pa din silang talo sa ibang universities!

Three consecutive year nang nagcha-champion ang Jameson! At palaging ang Chevaliers ang kalaban nila sa finals!

“Coach…paglaruin mo na sina Myko at Mylo! K-kasalanan ko talaga yung –”

“NO!”

Nakagat ko yung labi ko!

Hindi ko pa din mapagbago ang isip ni Coach Whendy, napatingin ako kay Mylo…

Nakakakonsyensya naman! (>___<)

“Girlfee…sit here! Okay lang hindi kami maglaro, at least hindi kami napapagod!”

Tamad talaga!

Pero umupo na lang din ako sa tabi ni Myko. Tapos napatingin na naman ako kay Mylo, alam kong gusto nyang maglaro ang kaso ayaw naman ni Coach Whendy!

EEEEENNNNGGG!

Natapos ang laban sa score na 165/91 in favour of Chevaliers! Grabe lang ang tambak ng kabilang team!

To think na bangko pa ang kambal sa lagay na yan! What more kung nasa loob pa sila ng court? Baka natambakan pa sila ng kalahating puntos!

Pasok sa finals ang Chevaliers! And as expected, kalaban nila ang Jameson University! Siguradong one week practice na naman ‘to!

Mylo Acosta:

Dalawang practice na ang ini-skip ko!

After namin matalo ang Libby’s last week, isang buong linggo ang binigay samin ni Coach Whendy bilang paghahanda sa paghaharap na naman ng team namin at ng Jameson’s!

Tatlong taon nang naghahari ang Jameson’s and I think it was the right time para makuha sa kanila ang title na ‘Champion’!

Pero sino ba namang sisipagin mag-practice kung bangko ka lang naman sa laro?! (è_é)

Pero sino din naman ang nagsabing hindi talaga ako nagpa-practice? Actually, after ng practice ng team, tsaka ako napunta ng gym para sa isang solong practice!

Huh?! (O___O)

WHY SHE’S STILL HERE?!

Huli na para umatras, nakapasok na ako ng gym at kitang-kita ko si Coach Whendy na naglalarong mag-isa ng basketball!

She used to be the captain ball of her team on women’s division!

Yun nga lang after our break up nagkaroon sya ng injury habang naglalaro that caused her to stop playing permanently!

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon