“Eukie, saan ka pupunta?”
Lakad lang ako habang nakatingin sa panyong hawak ko. Tatlong araw na sa akin ang panyo ng Mylo-loves ko. Tatlong araw na rin ang nakakalipas ng mangyari ang kahihiyang naranasan ko. Ngayon ang tamang araw para magkita ulit kami ng Mylo-loves ko, isosoli ko na ang panyo niya. Sayang nga lang at hindi na iyon kasing bango ng dati dahil nalabhan ko na.
“Hoy!”
“Kalabasa!” Naman! Si Lana na walang magawang matino!
“Saan ka nga pupunta?” tanong ni Crissie.
“Bakit ba kasi nanggugulat!” naiinis na balik-tanong ko.
“Hindi ka ba sasama samin sa shop? Mag-FB tayo!” sinabayan na ako ng dalawa sa paglalakad.
“Kayo na lang, may pupuntahan ako eh.”
“Saan?” duet pa talaga!
“Dyan lang.”
“Saang dyan?” –Lana.
Kainis, hindi ko pwedeng sabihin kung saan dahil tiyak na sasama sila. Masisira ang diskarte ko!
“Basta!”
“Basta saan nga?” –Crissie!
Ang kulet!
“Sa library lang!” inis na sagot ko.
“Liar! Sa gym ka pupunta. At ayaw mo pa talaga sabihin para hindi kami makasama!” Akusa ni Lana.
“Sa library nga ako pupunta!” gusot na ang ilong ko sa inis!
“Kelan pa napunta ang library dito sa gym?!” –Crissie.
HUH?! (o.O)
Oo nga! Nasa harap na kami ng gym, dinig ko pa ang mga yabag ng nagtatakbuhan at ng talbog ng bola. Kainis, nakarating na pala kami sa gym ng hindi ko namamalayan. Napabuntong hininga ako, guilty of course! (_._”)
Ibinulsa ko ang panyong hawak ko.
“Waahh! Ang Chevaliers may practice game! Tara nood tayo!” Nagtakbuhan pa ang dalawa at iniwan ako!
Pumasok na rin ako sa gym, medyo may karamihan ang estudyanteng nanonood. Karamihan ay mga babae.
Eeeeekkk! Blah. Blah. Blah.
Nagtitilian at kung anu-anong mga adorations words ang sinasabi sa mga player. Cannot blame them dahil wala kang itatapon sa mga player ng Chevaliers, ang basketball team ng Elite University. They are all drop-dead gorgeous and handsome ever!
Lalong lumakas ang sigawan ng maagaw ni Mylo ang bola sa point guard na si Tristan. I locked my eyes on him. He was running fast while dribbling the ball. Lahat ng humarang ay nabigong pigilan siya at isang fade away jumpshot ang ginawa niya ng walang kahirap-hirap!
Wooo! Ang lupet!
Swiss! Shoot ang bola! Dumagundong ang tilian ng mga nanonood na babae.
“Hoy! Kung makatili naman!” Hinampas ako ni Lana sa braso. Pero siya man at si Crissie ay napasigaw rin at nagtatatalon pa!
Ako pala ang may pinakamalakas na tili, with matching palapakpak pa! Sinong hindi hahanga sa galing maglaro ng Mylo-loves ko?!
“Bakit hindi naglalaro si Myko? Ayun lang siya sa bench oh!” Sabay turo ni Crissie sa gawi ni Myko. Napasunod ako ng tingin sa itinuro ni Crissie.
Paki ko?
Nainom lang siya ng mineral water. Mukhang hindi pa naglalaro ang unggoy, hindi pa pawisan eh! Napasimangot ako, ang mokong paupo-upon lang. I just smirked when suddenly his eyes laid on me.
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...