Confession 16

101 1 0
                                    

“Hey girlfee, I’m hungry. Let’s eat!”

(T_T)

PATAY!

Nagyaya na naman syang kumain! Mukhang lagot na naman ang allowance ko nito!

“Let’s go!”

“P-pero…kasi gabi na eh!”

Palusot ko na lang siguro para mailigtas ko naman ang nanganganib kong allowance sa kamay ng Myko na ‘to!

“Maaga pa! Let’s just eat okay? Then I’ll bring you home.”

Wala na akong nagawa pa ng hawakan nya ang kamay ko tapos lumabas na kami ng gym. After 10 minutes nakarating na din kami sa malapit na mall sa school namin. Diretso kami sa food court!

“S-sandali! Ikaw na lang ang…ang kumain kasi, kasi busog pa naman ako! Sa bahay na lang ako kakain.”

“Huh? It’s already past eight, hindi naman nakakabusog yung Piatos eh!”

WAAAHHH!

Sigurado ako, by the way he looked at me, may laman ang sinabi nya!

“Busog pa talaga ako, promise!”

“We’ll eat!”

Ang kuleettt!!

Ayokong kumain kasi malamang na ako na naman ang magbabayad! Dahil isa syang dakilang walang kwarta! At malalagas na naman ang allowance…

“Don’t worry, my treat this time!”

(O_O)!!!

It’s a MIRACLE!!!

Tama ba ang narinig ko? Treat nya ‘to? Atleast, hindi ko na kelangan i-voice out yung nasa isip ko, dahil nabasa naman ata nya ang laman ng utak ko!

“Dapat kanina mo pa sinabi! Tara-lets! Kakagutom na nga eh!”

Aarte pa ba ako? Libre naman nya eh, ang totoo gutom na talaga ang inyong lingkod, pero kaya kong tiisin alang-alang lang sa ikaliligtas ng allowance ko!

Minsan kasi kuripot si Mama kapag namo-monitor nya na mabilis ko ng nauubos ang allowance ko!

At dahil treat nya, syempre pinili ko yung medyo may kamahalan. Dahil ang sarap sa paningin ko ng sizzling pusit, yun ang inorder ko! Si Myko, halatang natakam sa inorder ko kaya ginaya na din ako.

Nasa cashier na kami para bayaran yung pagkain namin, pero si Myko parang may hinahanap sa jacket nya.

“Where is my…”

UH-OH!!!

Hindi ko gusto ang tingin nya sa akin, kinakabahan ako!

(>_<)!!!

He bit his lower lip, tapos kinamot yung batok! Hindi pa nasiyahan ang kolokoy, isinuklay pa ang kamay sa buhok! Syempre medyo napanganga naman ako! Nagpapa-cute ba ‘to saken?

Lalo akong kinabahan!

“Ahm…I think…I left my wallet on the car…”

(O_O)

Asnmadkshfoieutepougklgh!

* * *

Sabihin nyo nga saken, baket ang lupet ng author netong kwentong ‘to? Kasing lupet ni Myko dahil ako na naman ang magaling na nagbayad ng kinain namin!

Nag-request pa talaga ng dessert ang kolokoy! Magnum ang pinabili, namfufu lang, para lang sa isang icecream on stick, 50 pesos na!

Pasalamat pa ako sa lagay na ‘to dahil may 250 pang natira sa allowance ko! Ayos, ang baet ng boyfee ko!!! (T_T)

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon