Confession 4

85 3 2
                                    

 

“Tell me besty, sinasadya mo ba ang mga clumsiness mo?” it was Lana, nasa canteen kami at kumakain. Vacant hour namin kaya naman lafang muna kami.

“Huh?!” (?_?) Hindi ko siya na-gets.

“What Lana means, do you really mean those clumsiness para magpapansin kay Mylo?” sabay kagat ni Crissie ng burger.

“Hell, no!” gets ko na ang sinasabi nila!

“Ows?” tikwas pa ang nguso ng dalawa!

“Hindi ako ganun kadesperada para saktan ang sarili ko mapansin lang ni Mylo-loves ko! Ang sakit kayang humalik sa glass wall! Nakakahiya to the tenth power! At yung bolang dumapo sa ulo ko? Kung hindi lang si Mylo ang gumawa nun sa akin baka nag-amok na ako! Ang dami kong ngungudnguran kay Myko pa?! My gas!” Hiningal pa ako sa mahaba kong explanations!

Sino ba naman kasi ang gugustuhing mangyari yon sa kanya mapansin lang ng taong gusto? Ang dami kayang paraan para mapansin!

“Hahaha! Pero in fairness, the best ang mga da moves mo besty! Hahaha!” –Crissie.

“On the contrary, may maganda namang kinahantungan. Mylo now knows your existence!” –Lana.

“Not only that, nagagandahan siya sa akin.I think he likes me too! What do you think mga besty?” I asked in kilig factor.

“We think…we better go ahead. Punta kami ng shop, Google search namin ang sagot sa tanong mo! Hahaha!” Ang mga hitad tumayo na at iniwan ako!

Kailangan pa bang i-search weh totoo namang nagandahan si Mylo sa akin. Sa tingin ko nga, Mylo might like me too! Ayee! Kilig much to that idea! (*,*)

* * *

Kasalukuyang nasa ilalim ako ng puno ng talisay, nakaupo ako sa sementong pabilog na nakapaikot sa puno. Hinihintay ko ang aking dalawang besty, grabe ang tindi ng init ngayon! Buti na lang may dala akong bote ng mineral water.

Gulp, gulp, gulp.

Sunod-sunod ang lagok ko ng tubig, grabe nakaka-dehydrate talaga ang init!

“Ah! Sarap!” napangalahati ko ata ang laman ng bote. Biglang may umagaw ng pansin ko. Di yata’t si Mylo-loves ko ang naglalakad patungong library?

Naalala ko ang panyong mag-iisang linggo na sa pangangalaga ko. Kailangang maisoli ko na ang panyo niya. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na sundan ang Mylo-loves ko. Kaya lang bakit ba parang nagmamadali siya? Ang bilis ng lakad niya, kinailangan ko pa tuloy tumakbo para sundan siya. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya, medyo malayo pa ako. Binilisan ko pa ang takbo ko.

Blag!

“Nakoh sorry po!”

“Who the hell…Oh my gosh! I’m sorry Myko!” nataranta bigla ang babaeng nabangga ko dahil natalsikan ng iniinom niyang juice ang uniform ni…

MYKO?! (O.O)

“Look what you’ve done, you idiot!” naiinis na sabi ni Elyza, ang cheer leader ng Damsels Squad!

“I-I’m really sorry.”

“Aren’t you looking bitch?! Ano ka, tao sa buwan? You’re walking like a stupid trash!”

Wow lang ang talim ng dila ng babaeng ito! Kung gaano kaganda ang mukha niya siya namang pangit ng pananalita!

“Kayo itong nakatingin sa daan ba’t hindi kayo ang umiwas?” Kabuset lang wah!

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon