Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Myko.
Pagkalabas namin ng bahay, basta kinaladkad na lang nya ako hanggang sa makarating kami dito sa gubat!
Ewan ko ba kung gubat nga ito?!
Basta mapuno, medyo madamo pero hindi naman masukal at parang maliit na bahagi lang ito. Ang totoo, parang nawiwili din naman ako mag-sight-seeing ng mga wild flowers dito.
Ang dami kong nakikitang bulaklak na ligaw na hindi pamilyar saken pero ang gaganda nila! Damo lang ba sila o pwedeng alagaan din gaya ng ibang bulakak?
Nasa likod lang ako ni Myko habang mabagal kaming naglalakad, hawak-hawak nya ang kaliwang kamay ko.
Hindi naman kami nag-uusap! Ano bang ginagawa namin sa loob ng mini-jungle na ito?!
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak! Ang init ng kamay ni Myko.
Biglang tumigil si Myko sa paglalakad, napatigil din ako. Tapos binitawan nya ang kamay ko at naglakad papunta sa isang kumpol ng mga ligaw na bulaklak.
Pagharap nya saken, may pitas-pitas na syang apat na bulaklak. Tapos iniabot nya saken ang tatlo, ang isa, iniipit nya sa kanang tenga ko.
“Pretty stupid girlfee of mine!” then he flashes his million dollar smile!
Napangaga ako!
Hinawakan na naman nya ang kamay ko! Nagsimula na naman kaming maglakad, hindi ko alam kung saan kami papunta?!
Napahawak ako sa dibdib ko! Eto na naman ang kakaibang kabog sa puso ko.
Kapag ganito sya kalapit at gumagawa ng mga bagay na nakakapagpakabog ng puso ko, pano ko isasaksak sa utak ko ang sinabi nya na hindi nya ako gusto?!
How would I keep that in mind?
He’s giving me hopes!
Nakatingin lang ako sa mga bulaklak na hawak ko, ayoko nga kasing umasa kasi tinapat na nya akong hindi naman nya ako gusto!
Pero ang pasaway kong puso, pinakitaan lang ng pagka-sweet bumibigay na naman! Nadurog na nga ang puso ko ng sabihin ni Myko na hindi nya ako gusto, gusto pa yatang mapulbos!
“We’re here!”
Bigla akong napaangat ng tingin mula sa bulaklak na kanina ko pa tinititigan. Namangha na lang ako sa nakita ko! (O_O)
Isang asul na asul na dagat na kumikinang dahil sa tama ng araw! Tapos may ilang malalaking bato sa gilid na hinahampas ng banayad na alon!
Sayang…
Wala akong dalang camera!
“Ang ganda!” sabi ko habang nakatanaw sa asul na dagat!
“You liked it?”
Sunod-sunod ang tango ko kay Myko. Parang ang sarap maligo, para akong inaaya ng dagat!
Biglang umakbay si Myko saken na ikinagulat ko tapos bigla syang may itinapat sa harap namin at…
CLICK!
“Takot ka pala sa camera?” nakangiting tanong ni Myko habang nakatingin sa iPhone nya!
“UWAAAHHH! Delete mo yan!” inagaw ko yung iPhone nya pero iniiwas nya lang!
“NO WAY! HAHAHA!”
CLICK!
Argh!
Pini-picture-an nya ako habang hinahabol ko sya at inaagaw ang iPhone!
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...