Mylo Acosta:
Masyado pang maaga pero trip ko nang magpapawis! Andito ako sa gym ngayon, practice mag-isa! Mag-six pa lang ng umaga pero bumabaha na ako ng pawis!
“One hundred seven!”
Ayos! Shoot pa din ang tira ko! Hindi talaga ako pumapaltos, ang galing ko talaga! (^_^)
“One hundred eight!”
BLAG!
What?! Hindi ko na-shoot ang bola! Asar!
“Himala! Maaga pa ah!”
Napalingon ako sa pinto ng gym.
Nakita ko si Coach Whendy, naka-backpack, naka-jogging pants tapos may nakasabit na towel sa balikat.
Just what the hell is she doing here?
“Ayoko na sanang maulit na mapa-trouble kayo sa ibang team.”
Sinundan ko lang sya ng tingin, ibinaba nya yung bag nya sa bench. Hindi sya tumitingin sa akin kahit na obviously, kinakausap nya ako!
“What are you doing here?” sa wakas tumingin din sya!
“I’m in charge again to this team.”
“I see, but I prefer Eukie as the acting coach.”
Because of what I’ve said, may nakita akong kung anong damdaming dumaan sa mga mata nya. Pero nawala din agad yun.
“Don’t worry, she’ll be my assistant.” Tinalikuran nya ako.
In good mood sana ako kanina kaya lang nagsisimula na akong mainis! Lumapit ako sa kanya and I grabbed her arms harshly at iniharap ko sya saken!
“Di ba nag-quit ka na? Why the sudden change of mind?”
“Let me go! Ako na ulit ang coach nyo at wala ka nang magagawa don! You have no choice but to bear with it!” tinabig nya yung kamay ko!
“You know how much I hate seeing you, pero nandito ka na naman! Para ba asarin mo na naman ang kapatid mo? You wanna know if ever he would hurt you again, ipagtatanggol kita? You wanna know if I was still concern to you? Geez…I just so hate you!”
I saw pain in her eyes!
Pero yun ang totoong nararamdaman ko! Ayoko syang nakikita, kahit saang sulok ng university lalo na dito sa gym!
Bihira ako umattend ng practice just not to see her, sa game time lang ako always present!
“Hate me all your life Mylo! The hell I care! About sa kapatid ko, he knows I’m back here!”
“Whendy you left this…”
Biglang dumating si Jaymark dala yung stainless whistle. Hindi nya siguro inaasahang makikita nya ako dito sa gym, pero tinanguan naman nya ako.
“J-Jaymark! Ahm…thanks, nalimutan ko nga yan.”
Lumapit si Whendy sa kanya tapos kinuha yung stainless whistle.
“Okay ka lang?”
“Oo naman! Na-nagugutom lang ako, Tara, kain muna tayo ng agahan.”
“Ah…okay! Let’s go.”
Tapos magkaakbay na silang lumabas ng gym, naiwan akong mag-isa!
Naibalibag ko yung bola sa sahig at tumalsik na lang sa kung saan!
I was raging mad!
Eukie Laxamana:
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...