Eukie Laxamana:
Paalis na sana si Mylo pero bigla siyang natigilan. Tinitigan niya ako sa mukha!
Pumalya ata ng isa’t kalahati ang tibok ng puso ko! Bakit ganito siya makatitig sa akin? Nakikita na ata niya ang kaluluwa ko! (O.O)
WAAHHH! Anong meron sa mukha ko? (>.<)
Baka naman talagang nagagandahan lang siya sa akin?
Lalo akong kinabahan ng maupo ulit siya sa tabi ko. His eyes never left my face, he raised his hand. Hindi ako humuhinga, hinihintay ko lang susunod niyang gagawin.
MY GAS!
Bigla akong nanigas!
Was it real? Or it’s just too good to be true? Mylo cupped my face! (O.O)
Nanlaki ang mga mata ko ng bumaba ang mga mata niya sa labi ko!
What’s next?
Is he going to do what I’m thinking?
Is he going to kiss me?
Naman! Hindi ako tatanggi!
Pipikit ba ako?
Paano ba?
Dahan-dahan lang?
Kusa na lang bumigat ang talukap ng mata ko, napapapikit na ata ako ng dahan-dahan. Malapit na malapit na ang mukha ni Mylo, konti na lang. I’m going to taste the sweetness of his lips. Malapit na…konti na lang…ayan na…
“There you go, lousy eater. Bye!”
Pinunasan niya ang dumi sa gilid ng labi ko!
Yun na yon? Wala man lang kiss?
AARRGGHHH…
Nasaan naman ang katarungan don?! (←.←)
Naman! Konti na lang eh! Sasayad na sana ang labi namin sa isa’t isa! (_._’)
Napatanga na lang ako! He patted my head then walk away just like that! Nagmukha lang akong tanga! Buti na lang hindi tuluyang pumikit ang mata ko at hindi nanulis ang nguso ko! Kung hindi, mas nakakahiya!
Sa ganon ka-colorful ang imagination ko eh!
Nyemas na Piatos ka! Nagkaroon pa kasi ng grains sa gilid ng labi ko. But nevertheless, he touched my lips. It was something so good. May something na din kaya sa amin?
Hindi kaya…
Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Wishful thinking or not, kailangan kong gumawa ng paraan.
Masama ba kung ilalabas ko ang overflowing feelings na hindi ko na ma-contain? I just can’t bear keeping it inside!
I need to spill this out! It’s going to be a great love confession!
* * *
Isang malaking ASAR!
It was six fifty-seven pm!
At nandito pa ako sa library! Naman oh! Ang daming research work ang dapat tapusin! Samantalang ang dalawang besty ko nakauwi na!
Haizt…
Konti na lang…as in konting konti na lang.
After one thousand three hundred eighty seconds…
TADA!!!
Yey! Tapos na ang research papers ko! Makakauwi na rin ako sa wakas! \(^_^)/
Nag-inat inat ako habang naglalakad, kahit pano pala may ilang students pa ang nasa school. Yung iba tambay lang, yung iba naman pauwi na rin kagaya ko.
BINABASA MO ANG
Stupid Confession
RomanceKaya mo bang aminin sa taong gusto mo na gusto mo sya? Kaya mo bang magtapat ng nararamdaman sa kanya? Pano naman kung after mo magtapat eh, sagutin ka nya at gawing girlfriend? O di ba ang saya?! Tapos eto pa ang bonus, he kissed you as a sign that...