Confession 22

106 1 0
                                    

 

Tinatamad sana akong pumasok ngayon, pero no choice naman. Andito na rin lang sa locker di pumasok na din ako!

Ngayon kasi yung laban ng Chevaliers sa Collin’s Academy! Gusto ko sanang manood pero may pasok pa nga ako! 8:30 ang simula ng game at 8 ang start ng class ko hanggang 11:30 dahil dalawang subjects pa ang papasukan ko! Kainis!!! (>_<)

Kamusta na kaya si Mylo? Malamang na hindi makakapaglaro yun ngayon. Sana okay na sya, sino nga kayang unggoy ang bumugbog sa Mylo-loves ko? Mabait na tao si Mylo, kaya imposible namang nakipag-away sya!

Pagbukas ko ng locker ko, napatingin ako sa salamin na nakadikit sa likod ng pinto ng locker ko. Bigla akong napangiti ng makita ko yung necklace na binigay ni Myko. Ang cute nya talaga!!!

Ang lapad-lapad ng ngiti ko sa salamin ng biglang may humablot ng braso ko at hinila ako tapos bigla nyang isinara yung pinto ng locker at isinandal ako dun!

(O__O)

“I NEED YOU!”

Si Coach Whendy yung nasa harapan ko at seryosong nakatingin sa akin…B-bakit kaya?

“I NEED YOU REALLY BADLY!”

E-EH?!

Ang weird nya! Sobra sya kung makatingin sa akin, hinawakan nya pa yung magkabilang braso ko habang dumidiin yung pagkakasandal ko sa locker!

Uwaaaaaaahhhh… (.>____<.)

Kinakabahan ako sa kanya!!! Ano bang problema nya? Bakit ba sya ganyan makatingin sa akin? P-parang…parang…

“DO YOU HEAR ME, EUKIE? I REALLY NEED YOU, NOW!”

(Ō___Ō)

B-bakit…bakit unti-unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko?

“S-s-sandali lang C-Coach Whendy!”

Napapikit na lang ako ng madiin!!! ((>_<))

KYYAAAAAHHHH!!!

TO-TO-TOMBOY SI COACH WHENDY???!!!

“CAN YOU BE THE ACTING COACH OF CHEVALIERS?”

(O.O)???

Err… Ano daw?

“H-ha?”

“I need you to be the acting coach of the team!”

“H-hindi ka…t-tomboy?”

“WHAT?”

Parang naguluhan sya sa sinabi ko, ako din eh!

“A-akala ko kasi…ahm never mind! Ano nga ulit sinabi mo?”

Whew! Akala ko talaga…I was relieved!

“TEMPORARY LY, BE THE ACTING COACH OF THE TEAM!”

HUWEYT?! JOKE YUN?!

“A-ako? A-Acting coach?”

“YES! AND I DON’T ACCEPT ‘NO’ FOR AN ANSWER!”

Pagkasabi nya nun kinaladkad na nya ako palabas ng locker room! Sa labas may naghihintay sa amin na…TEKA!

Sya yung babaeng acting coach nung may practice game sa covered court ang Chevaliers! Isa din syang Elitians! Ba’t ngayon ko lang sya nakita dito sa university?!

“Dhevee, ikaw na ang bahala, Ihatid mo sya sa Sport Complex!”

“Aye-aye cousin!”

Sumaludo pa yung magandang babae na Dhevee pala ang name, at magpinsan sila?!

Stupid ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon