SAFFY's Point Of View
Nagdaan pa ang maraming araw at hindi nga ako tinigilan ng mga estudyante,lalo na nga ng grupo nila Mavy.Sa isang araw ay hindi ko na mabilang kung ilang ulit nila akong binubully.Tulad na alamang kahapon.Pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom namin ay isang baldeng tubig agad abg sumalubong sa akin.Mabuti na lamang nga at may dala akong eksrtrang damit eh.
Hindi lamang iyon,habang nagkikinig ako sa klase ay panay ang bato nila sa akin ng ginasumot na mga papel.Nakapagtataka nga lamang at hindi manlang sila sinasaway ng mga guro.
Kaya ngayong araw,inaasahan kong may naghihintay na naman sa akin na kapahamakan.
Naglalakad kami ngayon ni Vienn patungo sa aming classroom nang sa di kalayuan sa garapan namin ay natanaw namin ang grupo nila Mavy.
"Uhm,Saff-"alanganing sabi ni Vienn ngunit di niya na natuloy nang mauna ako sa paglalakad at tumigil nang makaharap ko sila Mavy.Ngayon ko lamang din napansin ang babaeng nakalingkis sa braso niya.
"What do you want b*tch?Pwede bang umalis ka sa daan.Nakita mo nang dadaan kami eh,"nakataas kilay na wika ng babaeng ito na parang na-floorwax-an ang mukha.Bakit nga ba hindi binabawal ang mga ganiyang ayos ng estudyante rito?
Tsk,mukha siyang pokpok,pasensya na pero iyon ang totoo eh.Hindi naman sa pinupulaan ko iyong tao pero ano ba?Ganoon ang nakikita ko eh!
"Shut up,Gennica.Lets just meet later,"saway ni Mavy sa malanding tuko na to.Inis naman na bumaling ang malanding tuko kay Mavy at sinabing-
"I'm Hezel,not Gennica!"maktol pa nito ngunit sa paraang nagpapabebe.
'Sus,ang kyut naman.Ang kyut na tuko naman nito,'asik ko sa aking isipan at pasimpleng napangiwi.
"Whatever just f*ckin leave!"singhal ni Mavy dito kaya naman padabog na umalis ang babae matapos akong ikutan ng mata.
"So,what do you want little rat?"tanong sa akin ng ulupong na to.Ang bw*sit,mukha ba akong daga?
"Wala lang.Gusto ko lang itanong kung ano naman ang pakulo ninyo ngayon para naman makapagready ako,"matapang na tanong ko rito ngunit mahins lamang itong natawa pati na rin ang dalawa niyang mga kaibigan na nasa magkabilang gilid niya lamang.
"Hmm,sad to say I have nothing...BUT-"pabitin na wika pa nito kaya't hindi nalang muna ako umimik at hinayasng siya mismo ang magtuloy ng kaniyang sasabihin.Ngunit napahakbang na lamang ako ng isang beses patalikod nang bigla itong tumungo upang mapantayan ang mukha ko.
"But....May gusto akong ipagawa sayo.So,come with me little rat,"sambit niya at naglakad papakayo ngunit agad rin itong napatigil nang tawagin siya ni Vienn.
"Ano ba,Mavy!Saan mo na naman balak dalhin ang kaibigan ko?!Pwede bang itigil mo na itong ginagawa mo sa kaibigan ko!Sobra ka na ah!"inis na sigaw ni Vienn kaya't nilapitan ko ito upang sawayin ngunit hindi siya magpaawat.
"Vienn,hayaan mo-"
"Manahimik ka Saffira!Ayoko nang ginaganto ganyan ka lamang.Bestfriend kita diba?"sigaw pa niya kaya natahimik na lamang ako.
"Look,Vivienn.It's her who started it.Kung hindi siya pakealamera,hindi mangyayari sa kaniya ito,"walang emosyong sambit ni Mavy.
BINABASA MO ANG
One Night With The Campus King | COMPLETED
RomanceNagsimula ang lahat nang magising si Saffira Ylona Martin katabi ang lalaking hindi naman niya kilala. Doon ay napag-alaman niya na may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing pumunta siya sa isang birthday party. Ang buong akala niya ay hindi na si...