Chapter 23

5.9K 134 1
                                    


SAFFY's Point Of View

Sabado ng umaga at naiwan akong mag isa ngayon sa bahay.Nasa parke kase si inay at nagtitinda,tulad lamang ng palagi niyang ginagawa.Ngayon ay naglilinis ako ng bahay para naman may mapaglibangan ako.Nakakaburyo kase talaga rito.Ayoko naman nang manood ng tv dahil kalahati lamang naman ang napapanood ko,sira na kase ang telebisyon namin at pinagtatyagaan nalang minsan.

Kasalukuyan akong nag pupunas ng jalousie ng bintana namin na halos tatlo na lamang sa lima pito ang natira.Buti na lamang nga at may parang bakal na nakalagay sa pagitan ng mga ito kaya't kahit papaano ay medyo ligtas naman sa mga magnanakaw,wala naman din silang mananakaw rito sa bahay namin.

"Hmmm hmm"kumakanta pa ako habang nagpupunas nang isang malakas na busina ng kotse ang nagpagulat sa akin.Mula rito ay tanaw ko sa tapat ng bahay namin ang kulay abo na kotse.Hindi ito pamilyar sa akin kaya't isinawalang bahala ko na lamang,baka nakikipark lamang.

"Lona!"at hayun,sigurado akong kilala ko kung sino iyon.Bumaba mula sa sasakyan si Frost at nakangiti ito habang naglalakad papunta sa tapat ng pintuan ng bahay namin.Katabi lamang ng pintuan itong bintana na nililinis ko kaya't kita nman niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"nagtataka kong tanong saka itinabi muna ang basahang ginamit.Pinagpagan ko pa saglit ang sarili bago ko naisipang pagbuksan siya ng pinto.Mabuti na lamang at maayos naman na itong loob ng bahay.

"Uh,binibisita ka?"pataning na sagit niya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Ganoon ba?Gusto mo bang pumasok-kaya lang masikip rito.Baka hindi ka maging kum-"

"No,no,no-it's okay,Lona.Maayos naman tong bahay niyo eh,you don't need to be shy"putol niya sa sasabihin ko matapos pasadahan ng tingin ang loob ng bahay.

"Pero napakainit dito,wala kaming bentilador"sabi ko naman ngunit nginitian lamang niya ako bago ako nilampasan at pumasok siya sa loob.

"Okay lang,Lona.Walang problema sakin yun"sabi pa niya bago naupo sa upuan.

"May gagawin ka ba?"tanong pa niya kaya't agad naman akong umiling bago sinabing,

"Wala na,tapos naman na ako sa gawaing bahay-ah,magsasaing pala ng pananghalian ko"

"'Ko'?You mean,wala kang kasama dito?"nagtataka oa niyang tanong kaya't muli akong umiling.

"Wala.Nasa parke siya at nagtitinda,hindi naman iyon uuwi dahil masyadong malayo ang parke mula rito kaya doon na siya kumakain sa malapit na karinderya."wika ko pa kaya't tumango tango lamang siya bago ako muling nginitian.

"I'll help you to cook,then.Dito nalang ako mananaghalian"wika pa niya

"Pero hindi naman madarap ang ulam rito,tuyo lamang ang ulam ko ngayon"agad na kontra ko

"C'mon,Lona I can eat that.What's the 'tuyo' anyway?"taka niyang tanong

"Tuyo,isa iyong isda na ibinilad sa araw.Paborito namin iyon ni inay"sagot ko naman

"Oh,okay.Let's go?"tanong niya kaya't nagtaka naman agad ako

"Saan?"natanong ko pa

"Magluluto ng pananghalian"sagot naman niya bago tumayo na sa pagkakaupo.

"Huwag ka nang tumulong,ako na lamang.Kaya ko naman na iyon."sambit ko agad ngunit iling lamang ang sinagot niya.

"I want to help you.Isipin mo na lang na isa na iyon sa ways ko ng panliligaw sayo"natigilan naman agad ako sa sinabi niya.Naalala ko na naman ang ligawan na iyan.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon